Chapter 3: My Temporary Home

69 2 1
                                    

"Ano? Kapag ako sinapak ko 'yun! Walang awang driver, ikaw pa talaga ang biniktima." Pailing-iling na reklamo ni Marice.

"Ikaw ba naman ang tutukan ng kutsilyo? Sa tingin mo makakalaban ako?" Sabi ko na ikanabigla niya.

"Hay! Ganito talaga sa Maynila. Maraming nga siraulo dito." Humarap siya sa akin. "Kakarating mo palang dito hindi na maganda ang nangyari sayo. Sa tingin mo ba makakatagal ka dito?" Tanong niya.

Napakagat ako ng labi sa kanyang sinabi. Maybe it's the twist that I'd face. Kung ganon talaga ang sapalaran dito, wala akong magagawa. Kailangan ko lang harapin yon.

"Teka, asan ang mga gamit mo?" Napahinto ako sa paglalakad. Shit! Napatingin ako sa backpack ko.

"Nasa compartment yun ng taxi kanina. Dahil sa takot ko sa driver hindi ko na nakuha." Napabuntong hininga ako. "Nandoon ang mga damit ko."

Napakamot siya sa ulo. "Ano pa ba? Walang ibang paraan kundi ang hiramin ang mga damit ko." Hindi ako sumagot at patuloy lang kami sa paglalakad. Napansin ko ngang malayo-layo ang aking napuntahan.

Nang makarating na kami sa bahay nila, nagulat ako nong makita ko yung maleta ko don. Tumakbo ako don agad at chineck ang laman.

"Aba! May awa pa pala yang driver na 'yan! Mabuti't iniwan pa!" Sarkastiko niya sabi. Napailing iling nalang ako.

"Oh, halika na Celline pasok ka na muna sa bahay." Tawag niya sa akin. Pinunasan ko ang mga pawis kong tumatagaktak dahil sa init.

Pinaupo niya ako sa maliit nilang kahoy na sofa. May pinuntahan siya saglit.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay nila. Sa apat na sulok ng kanilang bahay, nasa iisang kinalalagyan lang ang kusina nila at salas. Mayroon silang maliit na hagdan na mukhang nandoon ang kwarto nila. Mayroon ding pinto sa likod ng kanilang kusina na mukhang doon ang kanilang banyo.

Siguro naman ay mapag tiyatyagaan ko naman ito. Hindi naman na ako dapat mag inarte. Mas mabuti nang merong matuluyan kasysa wala.

Maya maya pa ay dumating na si Marice na may dala-dalang pitsel na may tubig at baso.

"Inom ka muna. Mukhang pagod na pagod ka talaga eh." Sabi niya saka nilapag ang pitsel at isang basong tubig.

"Salamat..." sabi ko.

"Susmaryosep ang init. Pasensya na ha? Mainit talaga dito saka anliit ng bahay namin." Sabi niya at itinapat sakin ang isang maliit na electric fan.

"Ano ka ba? Ayos lang. Makikitira lang naman ako dito ng ilang araw eh. Ah, Marice? Nahanapan mo na ba ako ng matutuluyan?" Tanong ko. Baka kasi maabala ko talaga sila dito eh.

"Wala pa eh. Pero nag inquire na ako sa eskwelahan na pinapasukan ko. Libre lang don dahil sa scholar na binibigay ng mayor namin dito." Tumango ako doon.

"Ay siya nga pala. Sigurado ka na ba talaga dito Celline? Mahirap ang buhay dito aaminin ko. Kaysa sa buhay na kinalakhan mo. Ano ba talaga ang dahilan mo?" Tanong niya na halatang nag-aalala.

Napakagat ako ng labi bago ko siya sinagot.

"Huwag muna iyan ang problemahin natin. Basta buo na ang desisyon ko na magiging independent ako sa ngayon. Alalahanin muna natin kung paano natin 'to sasabihin sa mama mo..." sabi ko.

"Huwag ka mag alala don kay mama. Ako ang bahala don." Sagot niya.

"Anong bahala ka? Paano kung hindi magustuhan ni Manang Kristel na andito ako?" Tanong ko.

Hindi imposible 'yon. Magugulat nalang siguro si Manang Kristel na andito ako at sigurado din akong ibabalik niya ako kaagad sa pamilya kong andito sa Manila.

Miss IndependentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon