Chapter 4: Kean

30 0 0
                                    

"Nay, sasabay na po ako." sabi ko habang pababa ng hagdanan. Alas sais palang ng umaga ay bumangon na ako para makasama kay nanay ngayon sa mansyon dahil mga alas syete raw ang alis niya.

"Kumain ka muna iha." Pagaanyaya niya sakin.

Kagabi, pinagdesisyunan ko nang pumunta sa mansyon. Nag babakasakali ako na baka hayaan na talaga nila akong mag isa. Baka mapanatag na silang kaya kong mag isa...

"Sige po." Humarap na ako sa lamesa nang makita ko ang isang bago saking nakahain. Kulay tsokolateng malapot na may gatas. Nagkibitbalikat ako at kinain nalang. Hindi dapat ako mag inarte dahil nakikituloy na nga lang ako dito eh at isa pa biyaya 'to ng Diyos.

"Nay, saan po si Marice?" Tanong ko habang nginangata ang pagkain. Ang sarap pala nito! Wala kasi siya nang magising ako. Hindi man lang sinabihan na aalis siya.

"Naku, maagang siyang umalis para raw mailakad ang mga papel mo para sa eskwela." Sagot ni nanay Kristel saka umupo sa harapan ko.

Kagabi kasi hiningi niya sakin yung iba kong mahalagang dokumento kasi dadaan daw siya sa school nila. Malapit narin kasi ang pasukan, sa hunyo na ata ang simula ng klase ngayon. Isang buwan nalang at papasok na ako bilang first year college.

Tumango ako at bumalik sa pag kain. Hindi ko naman na ganon pala siya kaaga aalis. Edi sana pala nasamahan ko na niya.

Nakita kong pinapanood niya ako habang kumakain. Nailang naman ako dahil hindi ako sanay na sinusuri ng mga tao lalo na sa malapitan.

"Celline, anak." Sa wakas tawag niya sa'kin matapos ang matagal na pagmamasid sakin . Tumingin ako sa kaniya bilang pagtugon.

"Ano ang plinapalano mo ngayong pagpunta sa mansyon?" Tanong nito na nagaalala.

"Kakausapin ko po sila." Yun lang ang sagot ko at hindi narin siya nagtanong pa ulit. Nagpaalam siya saglit para raw makapag handa narin siya.

Sa totoo lang, hindi ko din naman talaga alam kung anong gagawin ko roon. Siguro mas mabuti nalang na maintindihan nila ako. Kaya kailangan kong ipaintindi yon sa kanila. 

Nang makalabas na kami ng bahay, napagusapan namin ni Nanay Kristel na dapat mauna akong makakarating sa mansyon. Ang masama niyan, hindi ko alam kung paano pumunta roon. 

Ayaw narin akong pag taxi-hin ni Nanay Kristel dahil nabanggit nga ni Marice yung nangyari. Tsk. Kakaiba talaga ang dila nitong si Marice eh.

Dahil wala talagang pag-asa na magkasabay kami ni Nanay papunta ng mansyon, may tinawagan siya sa kanyang telepono. Pinunasan ko naman yung leeg ko na bumabaha na sa pawis. Di ko alam kung sobrang init ba talaga, kasi imposible naman dahil mag aalas syete palang naman ng umaga, o may mali lang sa suot ko?

I wear a faded ramper and a simple boots. Napailing nalang ako. Baka sa kaba nalang din ito.

"Sige, salamat." Napukaw ang atensyon ko kay Nanay Kristel nang binababa na niya yung telepono.

"Hintay nalang tayo saglit." Nakangiti nitong sabi. Her wrinkles on her face turned to be visible because of her smile. Tumatanda na rin si nanay, ngayon ko lang napansin na medyo pumayat siya at tumanda ng kaonti kumpara noong huli kong punta rito, one and a half year ago.

I nodded. I checked my phone if there is a message. And It's from mom again. Nangangamusta siya ulit. Nag tipa ako ng sagot na ang lahat ay nasa mabuting kalagayan. Medyo masakit naman sa akin na wala akong natanggap na mga mensahe kay daddy simula nang makarating ako dito sa Manila. Alam ko naman na nagkaroon kami ng argumeto pero mahirap parin sakin na galit sa'kin si dad. 

Nawala ako sa pag iisip nang may dumating na lalaki. Nag mano ito kay Nanay Kristel at tinignan ako. I smiled but he just stared on me. Whatever. I'm being good here pero may pagka suplado pala ito. Pero sabi nga nila, don't judge lalo na't hindi ko naman siya kilala pa. Hindi eh. Iba ang awra niya. Is there anything wrong?

"Celline, ito pala si Kean, pamangkin ko. Siya yung nakatira don sa kabilang kanto." Tinutukoy ni nanay Kristel ang lalaking nasa harapan ko. "Kean ito si Celline,  pamangkin naman ng amo ko." Pagpapakilala ni nanay saming dalawa. Walang umimik, naghihintayan kaming dalawa kung ano ang susunod na aksyon. Tumango siya at hindi ko nalang pinansin at nagsimula na ulit na magsalita si nanay Kristel.

"Celline sasamahan ka niya papunta ng mansyon, mauna na ako ha." May mga sinabi pang mga payo si nanay Kristel bago siya tuluyang umalis. Maiiwan ako sa taong hindi ko naman kilala?

"Hindi ako masamang tao, kaya halika na. Wag na mag inarte." Ani Kean bago tumalikod at naunang naglakad. What? Bakit parang nababasa niya ang isip ko? Wala naman akong sinasabi, ah? Sumunod nalang ako sa kaniya sa likod. Hindi ko nalang muna siya iintindihin. Mas mabuting isipin ko nalang kung paano ako haharap sa pamilya ko nito. 

******

Sumakay kami ng bus at kasalukuyag nakasakay sa tricycle. Hindi kompartable kasi matagtag ang byahe pero na enjoy ko ito. Nasa likuran nakaupo si Kean habang ako mag isa sa loob na nakasalpak ang earphones sa tenga. Bahala siya. Bakit ko ba siya proproblemahin, hindi ko naman siya kilala.

Papasok muna kami ng subdivision bago makarating ng mansyon. Sa bungad lang kami ng subdivision ibinaba ng driver dahil bawal na itong lumagpas pa roon. Ang subdivision kasi na ito ay exclusive. Pinakita ko ang ID ko sa guwardya na nag bow pa bago kami pinapasok, tinanguan lamang nito si Kean na parang madalas naman siya rito.

Banda rito, pamilyar na sakin ang daanan. Mga ilang bloke nalang mula rito at nasa mansyon na kami. Matagal tagal narin nung huli akong nakapunta rito. Kung matatandaan ko halos isang taon na rin.

"Mga anong oras ba matatapos ang pag bisita mo?" Tanong niya. Patuloy lang akong nakasunod sa likuran niya sa ilalim ng tumitirik na araw.

"Siguro mga hapon?" Sagot ko. "Hindi ko lang alam. Baka matagalin rin ako." Dagdag ko.

"Okay..." Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nung isang bloke nalang ang layo, tumigil siya. Kumunot ang noo ko.

"Why?" I asked as I wipe my sweat. Tinaggal ko ang nakasalpak na earphones sa'king tenga.

"Dito nalang ako." Tinuro niya ang isang bahay. Tumingin ako don at isa 'yong water shop.

"Ah, sige." Baka nag t-trabaho siya don? Tinanguan niya ako.

"Sige, susunduin nalang kita kapag aalis na tayo." Sabi niya at umalis agad. Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko. Paano ko siya masasabihan kung pauwi na ako? Bahala na nga. Kaya ko naman sigurang umuwi. Suplado naman kasi eh! Mukha naman siyang mabait ah? Kasi sinamahan naman niya ako. Nagkibit balikat ako nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Ano naman kung mabait o hindi? 

Kagabi ko lsinabi kay tito Jorge na bibisita ako. Hindi naman maganda kung pupunta nalang ako basta.

As I enter the gate, kinakabahan ako. Hindi ko alam kun bakit. Isa lang naman itong normal na pag bisita ko sa mansyon. SIguro dahil iba tong araw na 'to. Mag isa kong bibisita. Hindi ko rin kasi ganoon ka gusto ang dumalaw dito dahil hindi naman ako malapit pamilya ni tito Jorge lalo naman sa babae kong pinsan. Lumaki ako sa Cebu, and I will always like that place. Bumibisita lang naman talaga ako rito kung may event o kinakailangan.

Nang pumasok ako sa bahay, nagtitipon sila sa living room. Napansin ako kaagad ng pinsan ko at dali dali naman itong lumapit sa akin at niyakap. Oo. Alam kong plastik 'yon.

"The demon is here." Bulong niya nang umalis na siya sa pagkakayakap. Nagkunwari akong hindi 'yon narinig at lumapit nalang sa pamilya kong nasa sofa at nakipag kamustahan.

Sana maging maayos ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss IndependentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon