Chapter 44: New year

1.1K 36 2
                                        

[LIA'sPOV]

Tapos na ang Christmas at new year naman. Hindi parin ako makapaniwala kung bakit ako napadpad dito. Kung bakit nila ako kasama? Kung bakit napapayag nila ako?

Pero sa totoo lang, they black mailed me. Sama nila. Sabi ni May kapag raw hindi ako sumama sakanila they will announce it to the whole school ( which Vince family own-_-) that were engage like what?! Ginusto ko ba yun? Ofcourse not!

ako nalang? Oh well, nagkagusto na ako kay vince.Gusto or crush ko siya. Pero kasi kapag nagkacrush ka madalas na nagiging fangirl ka. But hey hindi ako umabot sa ganon ha! I like his looks I admit it but I hate his attitude. Yung ugaling casanova! Playboy! Chicksboy! At kung ano ano pa.

Katulad nalang ngayon. Ayun siya sa may dagat may kalandiang babae na kung maka two piece akala mo sobrang hirap. teh mukhang wala ka na atang pangbili ng tela! Pshh. Malalandi.

"Tunaw na Lia."

"Ay malandi!" Gulat akong napa tingin kay Ania na nasa tabi kona pala akala ko tulog pa e.

"Aysus ang selosa mo Lia. Sayong-sayo naman yang si Vince e." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? tss." Nagkibit-balikat naman siya.

"Alam mo Lia---"

"Sorry hindi ko alam bye." Akmang aalis na ako ng hinila niya ako pabalik at padabog ako na paupo sa kahoy na upuan sa labas ng side beach villa na nirentahan namin.

"Umagang umaga sungit nito." Tingnan ko siya.

"Umagang umanga leleksyonan mo na agad ako?" Kainis na love guro kinakareer talaga e.

"Alam mo kasi Lia walang patutunguhan yang indenial stage na yan. Sagabal ba yan sa love life mo." Binatukan ko siya agad.

"Kaya pala kayo na agad ni Jeff huh!" Sinamaan niya naman ako ng tingin. Tingnan mo tong babaeng to!

"Aba! Nag ligawan stage rin kaya kami! Yun nga lang hindi ako pakipot."

Anong ibig sabihin ng babaeng to? Na pakipot ako?!

"Hey! Baka(stupid) so ano pinatatama mo saakin na pakipot ako? Ganon?! " at bakit ba parang masarunong pa ata siya kasya saakin. Ayy Da best nga pala siya. Tss.

"Wag mo akong mag stupid-stupid! May sinabi ba ako pakipot ka?" Umiling ako. "Oh yun naman pala e! Your the one whose telling that to your self---"

"Ano ba kayo! Ke aga aga nag babangayan na!" Sabi ni May pagkalabas niya. Inirapan ko nalang siya. Bakit naman ako mag e explain sakanya diba?

"Tara na sa loob Ania. Ke aga aga ang sungit na ng isa dyan tse!"

napatawa nalang ako pagkapasok nilang dalawa sa loob.

"Tumatawa mag-isa? Baliw lang?" Masama kong tiningnan yung lalaking nasa harap ko. Tss. Tapos na pala siya makipaglandian.

"Paki mo? Psh." Tumayo na ako at pumasok sa loob pero bago ko paman maisarado at pintuan na rinig ko pa yung sinabi niya...

"Sungit! Buti nalang mahal ko."

Psh--

"Lia matanong ko lang.... baliw ka ba?" Aba isa pa to e!

"Ano kamo Jay? Ako baliw? Tss. Magsama kayo ng kaibigan mo." Pagsusungit ko.

"Ngumingiti ngiti ka kasi diyan e." Huh? Ako ngumingiti. Hindi kaya!

"Hey! Breakfast is ready!" Sigaw ni Faye.

Haysss. Buti naman. Gutom narin kasi ako.

--------------------------------------------------

"Tara na! Dali na! Ang babagal niyooo!" sigaw ni May.

"Hinay hinay lang May. And your wearing the wrong pair." Turo ni Nics sa sapatos ni May na pink na Nike then yung isa sandals na white.

Nagmamadali kasi.

"Oh my! Where is the pair of my sandals?! Yahh!" Nagwiwild na siya. Tss.

Nagpatuloy ako sa pagtali ng buhok ko.

"Lia? Yung jacket ko nakita mo? Kanina ko pa yun hinahanap e." Kumamot sa ulo si Ania.

"Yung dark blue ba?" Tumango siya." Nasa sala. Dun sa may sofa." Nagpasalamat naman siya.

"Wahhh magsisimula na yung Fire works ano ba?! Bilis bilis naman dyan oh!" Oo, ng dahil sa Fire works.

New year na e ano pa bang aasahan. But it's 100% safe dahil kapag hindi at if ever may masamang mangyari saamin i'll sue this beach resort's management to death!

Ngayon nasa labas na kaming lahat para salubungin ang bagong taon.

New year with my friends instead with my parents. New year without Oto-san. New year that is full of my  first times.

Malapit na kaming mag-paalam sa 2016 at masayang sasalubungin ang 2017. I hope that all the pain that 2016 caused me, just stay there. Itong taon nato na siguro ang pinaka masamang taon ko sa buong buhay ko. Sana next year ma lessen naman. Masakit parin yung mga pangyayari  na yun hanggang ngayon.

Alam kong hindi ako masyadong naging mabait, well everyone knows it. Pero alam kong napasaya ko rin sila, kahit na puro sakit lang sa ulo ang dala ko.  Kadalasan Hard headed, masungit, pasaway, masungit, sarcastic, maganda, masungit, amazona(raw) ako, teka nasabi ko na bang masungit ako?

I've never end the day without even snobbing someone. That's me.

Pero sana naman okay na muna yun. Sana naman pagpahingahin na muna nila ako. Kahit minimum of 5 months and maximum of  2 years lang. Marami pa akong problemang aayusin. Yun nalang ang nagiisang wish ko, ang pansamtalang katahimikan. I need to make it up to her, my okaasan.

" 10-- I'LL MAKE SURE TO LOVE ANIA EVEN MORE!"sigaw ng lover boy na si Jeff. Edi kayo na.

"9-- HINDI NA AKO MAGIINGAY MASYADO!"pustahan pero hindi ako pupusta na hindi niya yan matutupad. Yan pa! E pambansang daldalita yan e.

"8-- I'LL BE TRUE! SARANGHAEYO JAY!"wow faye new year to hindi to valentines.

"7-- I'LL BE A REAL MAN! HONTOUNI DAISUKI FAYE!"nagkaaminan na talaga palakpakan naman dyan. Tsk.

"6-- I'LL SPREAD LOVE EVEN MORE!"Ania yan e.

"5-- I'LL TRY TO EXPRESS MY FEELING MORE!"— support ako sayo Kurt para sa ekonomiya! Iboto si Kurt--- choss. Eksdi. bwahaha

"4-- MAGIGING TAPAT AT TOTOO NA TALAGA AKO WALANG HALONG BIRO!"— sigaw naman ni Drake. Pagbigyan.

"3-- DRAKE FOREVER PARIN AKO!"— oha si Nics yan. Ayiee

"2-- HINDI NA AKO MAGIGING CASANOVA!"— sigaw ni Vince. Di yan totoo. Lels.

"1-- BABAWASAN KO NA ANG PAGSUSUNGIT!"— sigaw ko with feelings

"0-- HAPPY NEW YEAR!"— sigaw naming lahat at tumalon talon.

But then my only wish, na sana wala pang problemang dumating na babawi pa ako sa okaasan ko. Wala na. Nangyari na.......

~~~~~•~~~~~•~~~~~•~~~~~•~~~~~•~~~~~•

Kyahh! Malapit ng matapos tong story ko sana supportahan niyo ako hanggang sa huli.

≧﹏≦ ←← hangkyut hihihihi.

By the way, vote and comment naman! Onigai! Jebal!please!pLxz! Hihihihihi

I LABYU ALL! NO SILENT READERS ALLOWED!LOL!( capslock para intense)

Mr.Casanova At Si Ms.Sungit [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon