Chapter 45: Not Fine

1.3K 31 2
                                    

[LIA'sPOV]

Puting kisame. Yan ang unang bumungad saakin sa pagising ko. Paano ba ako napunta sa lagay nato.

New year lang kahapon pero ito ako ngayon nakahiga sa isang kwartong puro puti.

Hindi naman ito yung hiniling ko. Ang hiniling ko kay wala muna problemang dumating pero ano to? Bakit ganito?

Mangingay sa labas.

"Dont panic!"

"Magagawan pa to ng paraan."

"Ohmy tita bat hindi mo sinabi agad?"

"Ano ba wag kayong mangingay!"

"Sh*t! Okay na ba siya? Paano ako hindi magpapanic e hanggang ngayon hindi parin siya nagigising."

"nahihilo na ako sayo Bro! Ano ba?!"

"Edi wag kang tumingin! Arggh. Kainis naman oh!"

"Guys ano ba shh!"

" papasukin ko muna siya."

"Sasama ako tita.please."

And then bumukas yung pinto at tumambad ang mukha ni Okaasan kasama si Vince na mukhang stress na stress. Magulo at mapupungay ang mata.

"Lia anak okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tumakbo agad si okaasan saakin.

"Liabelle okay kalang? Hey talk to us.. answer us." Napangiti naman ako .

How I wish nalagi nalang ako ang makita niya. How I wish na ako nalang. How I wish...

"Yup I'm fine." no I'm not fine at all. Ang bigat ng dibdib ko na parang tinutusok-tusok ng karayom.

"vince stay with her. Tatawagin ko lang si Doctora."saka niya hinalikan ang noo ko at lumabas.

Isang nakakabinging katahimikan.

"I know you are not fine."

Kinuha at hinalikan niya ang kamay ko. At napaluha naman ako.

"H-hey dont cry."

"Vince? Mabubuhay pa naman a-ako diba? D-diba? I w-wont leave my okaasan yet. I dont want to leave all of you y-yet. " nasimula nanamang umapaw ang mga emotions ko at hindi ko alam kung papaano pero biglang may flashback na nagflash sa isip ko.

Ang sobrang pag aalala ni okaasan. Ang magiging mahina ko. Ang pagiging mahimatayin ko.

Alam ko na sa sarili kong may mali saakin pero ito naman si tanga hindi matanggap.

"You will live. Ni hindi pa nga tayo nagsisimula e. Hindi pa..." umiling iling si Vince. Inilapit niya ang kamay ko sa basa niyang pisnge.

I want to love him. I want to crave for different foods. I want to be a professional doctor. I want to have a family. I want to grow . I want to live.

Pero bakit ang daming hadlang? Bakit?

"We haven't started yet. W-why am i being punished like this? What d-did i do to d-deserve this? vince please... tell me. Why?" i pleaded.

"H-hey shhh. wala kang ginawang mali. You of all people don't deserve this. You always love and care. You don't stop believing on someone as true as you. You always think your friends. Yung pagiging ma sungit? Wala pa yun sa lahat ng kabutihang nagawa mo. You've been always good. Trust me.. I know." He kisses my forehead." God has a reason Liabelle. Maybe he wants to know how far you,your patience and strength can go."

Say anything Vince, even if its a lie i will and still believe in you.

I smiled at him. At yun din ang pagdating ng doctor at mga nurse.

Nagabala sila saakin. Tinanong ako ng tinanong kung okay lang ba ako, puro oo lang ang sagot ko kahit alam kong sobrang sakit na ng dibdib ko.

Gustong gusto ko ng wakasan ang sakit na nararamdaman ko. Pero sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata sila—okaasan, otousan, Vince at ang mga kaibigan ko ang nakikita ko.

No matter how hard I tried to keep and hold it in , it simply just brust out.

I cried.

"Liabelle! Calm your self! Too much emotions can harm you!" Pagpapakalma ni Doctora.

I tried to clam down but the more I hold it in the more it hurts.

"Tasukete... k-kudasai.." (j/ help me...please..) 

[VINCE'sPOV]

Masakit makitang nasasaktan ang taong mahal mo pero wala kang magawa. Masakit ang panuodin siyang naghihirap. Ni ang yakapin siya ay nagdadalawang isip ako. I'm afraid I might hurt her.

"Tasukete...k-kudasai.."

She collapse. gusto kong tumakbo papunta sa tabi niya pero ang daming pumipigil saakin.

"Lia just lost her conscious." Nakahinga ako ng maluwag nung sinabi yun ng doctor.

Lumabas muna si Tita para kausapin ang doctor ni Liabelle. Nagsipasok naman sila Faye at malungkot na tumingin kay Liabelle na ngayon ay mahimbing na natutulog.

"Sobra sobra na ang sakit na nararamdaman niya." Puna ni Nicole.

"We should atleast get some of it." Ania hold Liabelle hands. Having friends to comfort you makes it alot easier.

Liabelle is so lucky to have many friends despite of her attitude.

"vince bibili muna kami ng makakain. You should stay with Lia." Tinapik ni Jeff ang balikat ko. I just gave them a faint smile.

Kumuha ako ng upuan at tinabi iyon sa kama ni Liabelle. I don't know what to say so I just hold and kiss her hand. If I could make her pain mine, I would .Damn! God knows I would, but I can't. No mattet how hard I tried I can't. I want to cry due to frustration but I'm afraid that it may hurt her feellings.Knowing her, she hates to see people around her cry because of her.

I felt a hands slowly combing my hair.

"Liabelle? may masakit ba sayo? Kamusta ang pakiramdam mo? Kanina ka pa gising? Nauuhaw ka ba? Nagugutom?"

"Shh. I'm fine. Sorry nagising pa kita." She smiled.

Nakatulog pala ako.

"Kanina ka pa gising?" Tanong ko habang inaayos ang damit kong nagusot.

"Medyo."ngumiti uli siya."oh! Nandyan na pala sila e."

Pumasok naman sila kurt dala dala ang mga pagkain na binili nila. Marami rami yun, madami din kasi kami. Si Tita umuwi muna dahil kukuha pa daw siya ng gamit ni Liabelle. Magtatagal kasi siya dito.

"Uwahh! Lia!huhu!" Niyakap agad ni May ni Liabelle at dun umiyak.

"Shh. Ano ba May! You're squeezing me." angal nito.

Padarag na hinila naman ni Faye si May. Tumabi nalang ito sa nobyo. Umakbay naman si Kurt sakanya.

"Ayan! Nasusungit nanaman." Natawa naman kami. Pati nga si Liabelle napatawa rin.

"Kain na tayo. Nagugutom narin talaga ako e." Binatukan naman agad ni Ania si Liabelle.

"Aba magdamag ba namang matulog. Ano ka sleeping beauty?" Pasin ko lang pinagkakaisahan nila si Liabelle ngayon. Napa nguso nalang siya sa sinabi ng kaibigan.Totoo rin kasi yun. Gabi na ngayon, malamang ginugutom na siya. Buti nalang marami ang nabili nila.

Pagkatapos kumain lumabas muna ako.

"Doc do Lia really need to go to US? Hindi ba pwedeng dito nalang?"

"Hindi po pwede Mrs. Rodriguez. Lia's past heart surgeon is there. I know Dr.Harper knows the best for your child. If you'll excuse me I havr a patient to attend."

napaupo si Tita sa bench sa gilid. Napasapo niya ang noo niya.

"You need to call her heart surgeon to find immediately a heart donor." I said. Tumingin saakin si Tita saka napa iyak.

Mr.Casanova At Si Ms.Sungit [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon