Prologue
SUMMER
Isa sa pinakahihintay na sandali ng mga tao sa mundo. In short – bakasyon. Bakasyon sa pag-aaral, problema, stress at paghihirap sa kahit anong aspeto nito.
Pero, paano kung ang araw na pinakahihintay mo ay ang araw na matatapos ang buhay mo?
Ano ang gagawin mo kung muling magbalik ang taong minahal mo, noon maging hanggang ngayon ngunit huli na ang lahat?
Kilalanin si Phreiya Joretie Ferrer. Isang babaeng nakikipaglaban sa kanyang karamdaman...
Pero hanggang kailan?
Si Laimer Mckenzee Rayfarley. Isang lalaking walang ginawa kung 'di ang mahalin ng lubos si Phreiya...
Pero hanggang saan?
Paano nila maipararamdam sa isa't isa ang pagmamahal na iaalay nila kung tuluyan nang sumuko ang isa?
Hanggang kailan sila kakapit sa mga salitang,
"Titiisin ko ang lahat dahil mahal na mahal kita."
O matatapos sila sa mga salitang,
"Tiniis ko lahat pero hindi sapat kaya dapat nang isuko ang lahat."
Mananatili ba silang nakakapit sa mga iyon o susulitin na lamang nila ang natitirang panahon na sila'y nasa piling pa ng isa't isa?
Is the ONE LAST SUMMER is enough?
...
Author's Note:
This whole story is for Joretie Ferrer! Na nagrequest pa sa akin na gumawa ng story na nakapangalan sa kaniya. So here! I came out with the thought of making the story, One Last Summer.