Chapter 3
PHREIYA'S POV
KAKAALIS LANG ng dalawang kambal. Nagdala ng pagkain tapos sila lang din naman pala lalamon. Very good, tss!
I feel so alone. Kahit na parang aso at pusa kaming tatlo ay gusto ko pa rin silang nakakasama.
Even for the last months of my life...
It's already 12 o'clock. 2:00pm pa pupunta si Doc. Reyes. Wala akong magawa dito sa apat na sulok na kwartong ito.
Boring. Errr. Kulang na lang ay marinig ko ang mga kulisap sa sobrang tahimik ng kwartong ito.
Humiga na lamang ako at nagisip isip.
*Toktoktok!*
Napabalikwas agad ako sa pagkakahiga ko nang marinig ko ang katok na nagmumula sa pinto. Napatingin ako sa aking orasan sa tabi ng side table ko at nakitang 12:13pm pa lang.
2:00pm pupunta si Doc Reyes dito, sino kaya 'to?
Hindi naman pwedeng si Tita Isabelle dahil namili siya ng grocery at kadalasan gabi pa siya nakakauwi.
"Sino 'yan?" Tanong ko habang nananatili pa rin sa pwesto ko.
No response. Baka hindi niya narinig kasi mahina boses ko?
"Sino yan?" Nilakasan ko na ang boses ko
Still, no response. Aish!
Dahan dahan akong bumangon at kinuha ang dextrose ko na nakasabit at saka bumababa sa kama, sinuot ko ang flip-flops ko at mabagal na lumakad patungong pintuan.
"Sino 'yaaaaan?" I keep my voice straight but inside my mind, I was trembling fxck as hell.
Duh, ako lang mag isa dito. Invalid person pa ako, ni hindi ko nga kayang maglakad ng dire-diretso eh. Paano kung killer 'to?
I choosed to open the door. Pero hawak ko ang dextrose kong puno pa ang laman para in case of emergency, may pamalo ako hehe. d^_^√b
When I finally opened the door, sumilip ako.
WALANG TAO.
Dumungaw ako sa kaliwa at kanang parte ng pinto but I only saw nothing but an empty corridor.
I was about to close the door nang mapatingin ako sa baba. Nalito ako nung una pero kinuha ko pa rin iyon.
BULAKLAK at HEART SHAPED CHOCOLATE.
What the flying fxck? Nanigas ako nang mapagtanto ko ang hawak ko. A flower? Sa loob ng ilang taon kong pagtira dito, no one ever dared to send me flowers. Kahit mga Tito at Tita ko na bumibisita sa akin, hindi nagdadala nito. Alam nila kung bakit.
Allergic ako sa LAHAT ng bulaklak maliban sa bulaklak na hawak ko ngayon.
TULIPS.
Si Dad, at Rayleigh lang ang nakakaalam na dito lang ako hindi allergy.
Rayleigh...
Who sent me this?
Inusisa ko ang bulaklak at nagbabakasakaling may papel or maliit na sulat ang nakapaloob dito. I want to know kung sino.
Imposibleng si Dad. Alam niyang ayaw ko nang makakita ng ganitong bulaklak. It's not him. Really.
'Is this you, who sent me this? Why? After 6 years, why?'
Binaliktad ko ang bulaklak ngunit wala pa ring ni isang papel na lumitaw.
