Chapter 5

25 3 2
                                    

Chapter 5

PHREIYA'S POV

Sandali kaming tumambay sa puntod ni Mom, pagkatapos ay umuwi din.

I mean, bumalik sa ospital.

"Sinabi ko kay Dad na sasama kayong dalawa sa Palawan,"

S'yempre si Asha ang unang nagreact, "Libre?" Tanong niya.

"Kung ako lang ang magdedesisyon, hindi ako papayag na libre lang 'yon. Kaso si Dad naman ang magbabayad so, yes. Libre 'yon, Ashara." Inirapan ko siya. Paano na lang kung sinabi kong hindi? Eh 'di hindi pa sila makakasama sa last trip naming tatlo?

"Sama kami! Yeeey libre!" Masayang sambit ni Asha.

"When is that Palawan vacay?" Mula sa matagal na pagtahimik ay nagsalita rin si Siara.

"Tomorrow afternoon." Sagot ko. Nasa kaliwang gilid ko siya samantalang nasa kanan naman si Asha.

'Yung driver? Natural nandoon sa harap. ㅡ_____ㅡ

"H'wag mo lang sabihing may lakad ka bukas dahil baka mauna ka pa sa aking mamatay. 'Di pwedeng hindi sumama. 'Pag 'di sumama, magtatae." I leaned on her side.

"May lakad sana kami ni..."

"Nino?!"

Sabay pa ang sigaw namin ni Asha. Wtf.

"Wala hehe, sige, sasama ako."

"Lalaki 'yan no?!" Tinusok ni Asha ang tagiliran ng kapatid.

"Natututo nang lumandi si Siara woooh!" Sigaw ko out of happiness. Imagine, Asha already got 3 ex boyfriends and there she is, still not having any boyfriend.

"Hindi 'yon lalaki. Ano ba." Hinampas niya ang kamay ni Asha na sumusundot sa tagiliran niya. Parang tanga naman kasi 'tong si Asha. Wala naman sa tagiligan ang kiliti ng kambal niya. Nasa batok.

"Anong gusto mo? Sa batok kita sundutin? Sandali, kukunin ko 'yung tinidor sa bag ko, iyon pangsusundot ko sa batok mo."

"Wait, bago mo patayin si Siara, let me ask you a question; Bakit ka may tinidor sa bag?" Nalilito kong tanong.

"Sasabihin ko sa 'yo, Phreiyah pero 'di mo na ako kukulitin kung sino 'yon ah?"

"Sige ba."

Lumapit siya sa akin para makabulong. Hindi pa man ako nakakatinig ng kahit isang salita mula kay Siara ay sumigaw na si Asha, "Ate! Don't you dare tell her! Itatarak ko talaga sa batok mo 'tong tinidor ko!"

"Subukan mo lang! Hawak ko ang kalahati ng kahihiyan mo!"

"Ateeeeee! Huhuhu 'wag kasi!" Hawak na talaga ni Asha ang tinidor niya.

"Alam mo kasi Phreiyah, 'yang si Asha..."

"Ateeeeeeeeeeeee!"

"Inuuwiniyasabahay'yungginagamitniyangmgatinidorsajollibee!" Halos 'di ko na naintindihan ang sinabi ni Siara dahil sa bilis ng pagsasalita nito.

"You are robbing forks from Jollibee? Oh my God. May bestfriend akong kriminal!" Hysterical kong saad. S'yempre para inisin si Asha. Masaya kaya siyang inisin. Lumalaki 'yung noo niya. HAHAHAHAHAHA.

"Napakasama mong kapatid! Akala ko ba wala kang ibang pagsasabihan?! Pati naman ikaw ay nakikinabang ng mga tinidor ko ah?!" Naiinis niyang untag sa kapatid. Sabi sa inyo eh. Lumalaki 'yung noo niya.

"At saka ko lang naman nagagamit 'yang MGA tinidor mo kapag hindi ko nahuhugasan 'yung akin." Paliwanag ni Siara. She even emphasized the word, "MGA"."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon