Chapter 1
PHREIYA'S POV
"PHREIYA, please calm down. Hija, hindi makakabuti sa 'yo 'yan."
"Please Tita... Even for the last time... Let me see them..." I've almost pleaded to her. I am pertaining to my favorite band, Maroon 5. Ngayon kasi ang world tour nila dito sa Pinas. 4 years ago na noong huli ko silang nakita.
"Alam mo namang ayaw na ayaw ng daddy mo na lumalabas ka dito 'di ba? Naiintindihan mo naman siguro ang sitwasyon mo. Hindi ka normal kagaya ng iba. So please Phreiya, understand. Besides, sobrang daming tao doon. Baka mapano ka lang." Mahinahon na pagpapaliwanag niya sa akin.
Paulit ulit na lang ba?! Paulit ulit na lang nilang sinasabi sa akin na iba ako sa kanila. Hindi ko na alam! Kailangan pa ba talagang ipamukha iyon sa akin?
"Tita, paulit ulit na lang eh! I know my situation! Kaya nga nagpupumilit ako sa inyo dahil—dahil gusto ko na kahit minsan man lang maramdaman ko na hindi ako naiiba sa inyo! Na kauri niyo rin akong tao!" I almost broke down. Anytime yata ay magcocollapse na ang katawan ko.
Hinila ko ang IV na nakatarak sa akin. Wala akong pake sa karayom na naroon. Basta gusto ko nang lumabas dito.
"JUSKO KANG BATA KA! PHREI—HIJA!" Nagpapanic na sigaw ni Tita Isabelle sa akin.
Pinindot niya ang emergency button at paulit ulit na tinatawag ang nurse na tila isa akong baliw na nakawala sa kulungan.
Kahit ubos na ang lakas ko, pinilit kong marating ang pinto. Laking tuwa ko nang makarating ako doon. Pero pipihitin ko na sana ang doorknob nang bigla 'yong bumukas.
Iniluwa no'n si Dr. Reyes, ang doctor na nangangalaga sa akin.
Bumalatay sa mukha niya ang pag aalala. Siya ang doctor ko simula nang maconfine ako dito. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at alam niya ang sitwasyon ko. Utang ko sa kanya ang buhay ko.
"Hey Jor, calm down." Pag-aalo niya sa akin.
"Doc, I want to go to Maroon 5's concert. Please let me." I said and a tear fell down from my eyes.
"Unstable ngayon ang lagay mo, Jor. I'm so sorry. Alam kong paborito mo sila pero we should seek for your health first."
"Pati ba naman ikaw Doc gano'n na din ang tingin sa akin?! For Pete's sake, tao din ako!" May bakas ng hinanakit sa aking boses.
"Sana maintindihan mo, Jor." Pagkatapos no'n ay inalalayan niya ako papunta sa aking kama. Wala naman na akong ibang nagawa kung 'di ang sumunod na lang.
"Pang-pitong IV mo na ito ngayong araw, sana naman hindi na umabot sa pangwalo." Biro niya para maging masigla ang paligid.
Hindi ako sumagot sa kaniya, mintres ay inirapan ko lang siya at nagtalukbong ng comforter.
This is my life simula noong madiagnosed ako na may Chronic Leukemia six years ago, simula din noong araw na iyon, nasira ang lahat ng pangarap ko sa buhay. Ospital na ang naging tirahan ko. Dito na 'ko lumaki, dito na din ako nag-aral at mukhang dito na din ako mamamatay.
...
NAGISING ako ngunit hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko. Ramdam kong may ibang tao dito sa loob ng kwarto ko.
"Doc, how long?" Alam kong boses ni Dad iyon.
"I'm sorry, but—based on her tests, pinakamatagal na ang two months na mananatili siya dito." Si Doc Reyes pala ang kausap niya. Tungkol saan na naman kaya 'yun? At saka, two months? This coming April? Birth month ko 'yun ah?
