Hindi lang ikaw ang nasaktan.
Marami sa atin napagdaanan na 'yan.
Hindi lang ikaw ang may kwento ng pagkabigo.Marami sa atin nadurog at dumugo na rin ang puso.
'Yung iba nga, nadala na at hindi na nagmahal pa. 'Yung iba naman, nag-attempt na naman pero ganun pa rin kinalabasan-nabigo na naman.
Minsan, magtataka ka na. Ang gusto mo lang naman ay mahalin ka rin pero break up ang nagiging ending. Mahirap tanggapin pero ano pa ang 'yong gagawin? Hindi mo ginusto pero nangyari na. Ginawa mo na ang lahat lahat pero kulang pa.
Heto ako ngayon, tinitignan ang mga ala-ala nating alam kong hindi ko na maibabalik pa.
Kamusta ka na ba? May mahal ka na bang iba? Hindi naman sa mahal pa rin kita. Gusto ko lang malaman kung iniwan kita ng maayos.
Mukha ka namang masaya ngayon. Pero, bakit ako... Bakit parin ako nalulungkot?
It's like, everything doesn't last.
Nangarap kang kasama siya pero sa huli iniwan ka rin niya. Wala na. Tapos na. Hindi na kayo.
Wala nang "tayo".
Kung hindi mo pa matanggap 'yun, darating ang panahon na wala ka ng ibang choice kundi magsimula at muling bumangon.
At least, I still can say these thoughts.
Kailangan kong maging matatag gayong wala ka na talaga sa buhay ko.
At kung ano man ang nangyari noon, hindi na 'yun part ng reality ko ngayon.
Kailangan kong patawarin ang sarili ko, para matapos na 'to. Wala naman kasing natalo.
Oo, nasaktan ako. Pero natuto ako.
Or not yet...
Gusto kitang patawarin dahil katulad rin kita. Nasa natural na proseso tayo ng paghahanap ng taong para talaga sa ating dalawa.
Walang natalo sa atin.
Natuto ka.
At sa kabila ng lahat, buo ka pa.
Kaya mong magsimulang muli. Kaya mong magmahal na muli.
Kaya kong... Humanap ng iba.
Kaya nating magmahal na muli.
-----------------------------------------------------
Hi! Author here hehehe Sana magustuhan niyo maguupdate ako hanggang sa makakaya ko oo kinaya ko nga ng wala siya yung magupdate pa kaya hahah hugot osiya Heto muna sa ngayon paalam:)
YOU ARE READING
Magmamahal na Muli
RomanceWala na. Tapos na. Hindi na kayo. Wala ng "tayo".Kung hindi mo pa matanggap 'yun,darating ang panahon na wala ka nang ibang choice kundi magsimula at muling bumangon