Chapter 1.

31 3 0
                                    

           “Life is short… Today you may be mine, but tomorrow maybe your not mine anymore.”

            -UNKOWN

 Tumakbo ako ng napakabilis hanggang sa hindi na ako makahinga. Wala na akong pakialam dun, basta ang alam ko, nag-aagaw  buhay siya. “Nurse, sa anong room inadmit si Ms. Aya Valderama?” Tinype nung nurse yung pangalan ni Aya, and according to her, “Sir, Ms. Valderama is on Room 243.” Nagpasalamat ako kay Nurse Jian at kumaripas ng takbo papunta sa Room ni Aya, antayin mo ako Aya, please, wag mo akong iiwan.

Pagkarating ko sa 2nd floor, naabutan ko ang pamilya ni Aya sa labas ng kwarto, bakas sa mga mata nila ang pag-aalala, “Tita, nasan na po si Aya?! Bakit po kayo umiiyak?” Yumakap sa akin si Tita Lalice, “RJ, wala na.” Humahagulgol si Tita Lalice, “Tita tahan na, wag po kayong mawalan ng pag-asa.” Pagkatapos kong sabihin yun, lumabas yung doctor ni Aya, “Aya Valderama.” Habang nakayakap pa din sa akin si Tita, sumigaw ako na kami yung pamilya niya, “Time of death 11:02 PM.”

Natulala ako sa sinabi ng doctor, pakiramdam ko, katapusan ko na pero hindi pwede, dapat sinalba nila si Aya! “Anong klase kang doctor? Wala kang kwenta! Ang mahal mahal ng bayad sa ospital na to pero pinababayaan ninyo yung mga pasyente niyo!” Masasapak ko tong doctor na to ng wala sa oras! Pinigilan ako ng kuya ni Aya. “RJ, iho tama na. Hayaan na natin siyang magpahinga.” Humahagulgol si tita, ganun na rin ang kuya Aves, hindi ako makapaniwala na wala na si Aya, yung nag-iisang babaeng nagparamdam sa akin ng pagmamahal mula ng makilala ko siya. Naiiyak ako, na natatawa, baliw na ako, pano ba naman kasi, ang daya niya, ang tagal naming magkasamang nilabanan yung cancer niya, pero ano, namatay siya nang dahil pa sa bala.

“RJ, pinabibigay nga pala ni Aya. Ibinilin niya sakin yan, bago pa siya mag-agaw buhay. Nung una, nailigtas siya at natanggal ang bala sa puso niya, pero RJ hindi na niya kaya iho, kakatapos lang niya sa chemoteraphy kahapon kaya mahina talaga ang katawan niya ngayon.” Kinuha ko yung papel na binigay ni Tita, tinago ko na muna sa bulsa ko, hindi ko pa kayang tignan kung ano man yun. Paano na ako ngayong wala na si Aya? Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng tadhana.

“Bro, umuwi ka na muna, kami na mag-aayos sa burol ni Aya.” Pinilit kong ngumiti kay Kuya Aves, at nagpaalam na ako sa kanilang dalawa ni Tita Lalice. Hindi ko rin naman kayang Makita si Aya na dinadala sa Morgue at ilagay sa kabaong. Bumiyahe na ako pauwi sa amin, at pagkarating ko sa bahay, andun yung buong pamilya ko, nag-aabang, at hindi ko na napigilan ang sarili ko, pagkalapit sa akin ni mama, niyakap ko siya at humagulgol na parang bata. “Ma, wala na si Aya, wala na siya ma! Wala na si Aya ma! Papatayin ko kung sino man ang bumaril sa kanya ma, papatayin ko siya ma! Hindi ko siya papatahimikin ma, hahanapin ko yung gagong yun! Ipaghihiganti ko si Aya ma!” Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ng mga kapatid ko, gayun na rin ang pag-iling ng papa ko, at ang pagtulo na rin ng luha ng mama ko, kasabay ng pag-agos ng lungkot sa mga mata ko.

Ito na yata ang pinakamahabang gabi sa buhay ko na hindi ko katext si Aya, pano nga pala siya makakatext eh di ba nga wala na siya, ang sakit isiping wala na siya, okay naman kahit na nagkasakit si Aya, atleast lagi ko pa din siyang kasama, pero ngayon, wala na. Hindi ko mapigilan yung pag-agos ng luha ko, wala akong balak pigilan kasi sobra sobra talaga yung lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung papaano na ako bukas, baka mamatay na din ako kakaiyak. Sana nga mamatay na din ako.

Kinuha ko yung papel na binigay ni Tita Lalice sakin, na galing daw kay Aya, curious na kasi ako sa laman nun, tinanggal ko sa rolyo yung papel, at nakita ko ang mga letrang pumunit pa lalo sa puso ko.

“When I was a kid, my mom keeps on telling me that a butterfly undergoes a life cycle to grow, be beautiful, and die. I was with her when I grew, I was with you when I became beautiful, and yours is the arms where I want to die, you had seen me on my best, and you never left me on my worst, and like a butterfly my love, I’ll now be free, from this monster disease that pollutes my system in every passing day. Someday, let a beautiful soul love you better than I do. Remember me as a bitter lesson of your past so that you’ll be the sweetest man, a girl could ever dream of being had. I love you. I will always do. I am so sorry for leaving you… You know my name is Aya, but in heaven… I am your Angel.”

Patuloy ang pagdating ng mga nakikiramay sa burol ni Aya, at ako, tahimik lang sa tapat niya, nakatulala, tuwing tatanungin nga nila ako kung kamusta na ako, laging ‘Okay lang’ at kapiranggot na ngiti ang sinasagot ko sa kanila, ayoko namang magpaka-hipokrito at sabihing Okay na okay na ako, eh samantalang nawala yung babaeng mahal ko at nakasama ko sa loob ng tatlong taon, sinong gago ang makaka-move on kaagad?

“RJ Pare,” Sa wakas, dumating na din tong mga tropa namin ni Aya. Baka di na ako makahinga sa susunod pang mga minuto eh. Dumating si Ethan ang bestfriend ko, si Famelyn, ang bestfriend ni Aya, si Penelope, Si Tina, si Yvo, Richard at Brent. “Kamusta?” Tanong ni Fame, “Eto, hindi ok.” Pinipigilan kong umiyak habang nasa harap nila, ayoko kasi na magmukhang mahina, kahit ang totoo naman talaga eh mahina ako, dahil sa pagkawala ni Aya. Nagkwentuhan lang kami ng barkada, inaaliw nila ko, sa totoo lang para silang mga tanga, sabi nila nasobrahan daw ng pagkatanga si Aya kaya sinalo yung bala, tinatawanan ko na lang, kasi kung nandito si Aya, tiyak namang tatawa din yun, di lang tawa, hagalpak pa!

Unti-unti na ring nagsisialisan yung mga dumadalaw na kamag-anak ni Aya, pero ang barkada, sabi dito daw magpapalipas ng gabi dahil baka makipagtakutan si Aya, babatukan daw nila pag nagpakita. “Si Aya, nagka-cancer lang naging bayani na!” Sabi ni Yvo, gago talaga to. Pero di ko naman sineseryoso mga biro nila kay Aya, kasi kung nandito yun, kikilitiin lang niya si Yvo hanggang sa bawiin na ni gago yung inasar niya kay Aya, gising talaga kami magdamag, bandang alas-tres ng madaling araw ng makatulog kami ng magkakatabi, pinauwi na muna kami ni Tita Lalice sa bahay namin, at ng makapagpahinga kaming lahat.

Kinabukasan, sabay-sabay din kaming bumalik sa bahay nila Aya para tignan yung sitwasyon dun, kumain kami sabay-sabay at nagkwentuhan nanaman, nagulantang na lang kaming lahat nung nalaglag yung bulaklak na malaki sa may bandang pintuan! Lumapit ako agad para itayo yung bulaklak kaya lang, “Aray… Aray yung paa ko ang sakit!” Hala? Bakit may babae dito? “Miss okay ka lang ba? Anong ginagawa mo diyan?” Tumingin siya sakin ng masama habang hinihilot pa din yung paa niya, “Obvious ba! Napatid ako sa bulaklak na to tanga! Nakalaylay yung sash ano ba yan!” Ang sungit, ganito din magalit si Aya pag may dalaw.

“Hoy! Ang gentledog mo naman! Try mo kayang itayo ako?!” Inabot niya yung kamay niya sakin, teka, kukunin ko ba? Ba’t ganito kinakabahan ako? Kasi, yung babae, kamukha siya ni… Hindi, iniisip ko lang kasi lagi si Aya kaya siya yung nakikita ko kahit sinong tignan ko, nagiging kamukha na nga din ni Aya si Famelyn.

“Sorry miss, pasensya ka na, baka nahila lang ng aso yung sash kanina, kaya nalaglag.” Kamukhang kamukha siya ni Aya, hindi ako pwedeng magkamali eh, bilog ang mata, kulot yung baba ng buhok, may biloy sa kanang pisngi 5’7 ang taas “Aya…” Bigla kong nasabi yung pangalan niya, “Sinong Aya? Hindi ako si Aya, Louisa ang pangalan ko, hindi Aya.” Umihip ng malakas ang hangin at saka lang ako nabalik sa wisyo, “Whoa, RJ selosa si Aya, may chicks ka na agad ah… Teka, Aya?! Hala?! Buhay ka?” Sabi na kamukha niya talaga si Aya eh pati si Yvo, napansin… “What’s wrong with you people? You keep on calling me I’m Aya even if I’m not, my name is Louisa so stop with the Aya thing umkay? If you won’t mind, bitawan mo na yung kamay ko.” Napatingin ako sa kamay niya, nakakahiya, kanina ko pa pala hawak at hindi ko pa binibitawan mula nung tinayo ko siya. “Sorry.” Tapos sinabi lang niya eh, “Tss.” Sabay talikod at umalis na. Inayos ko yung sash baka may madapa nanaman, saka ko na lang napansin na may nalaglag siyang pouch, kinuha ko, hindi naman mabigat kaya tingin ko wala naman dun yung pera niya, kulay pink yung pouch at may nakita akong picture niya, at dun sa gilid ng pouch niya, may nakaburda na,

'Louisa.A'

In behalf of my soulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon