Andrea's POV"Wahhh! Ang ganda!" Kanina pa kami nag-tataka dito sa babaeng to. Adik na adik sa bagong computer niya. Ano bang nakain nito't nag kaganito 'to?
"I-patingin na kaya natin siya sa doktor?" Sabi ni Cathy habang nakatingin kay Zylie na yakap yakap ang computer niya. "Oo nga, baka siya na yung may sira." Sabi pa ni Angela habang naka-hawak sa baba niya.
Kagaya ng sabi ko, kanina pa kami dito nakatayo sa tapat ni Zylie at pinag-mamasdan kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanya.
Sabog na naman si Zylie. Tsk.Tsk. Naka-singhot ng Computer. Haha! Lumapit ako kay Zylie at niyakap siya. "Zylie! Sabihin mo! Anong nangyayari sa'yo! Huhuhu!" OA kong sabi sa kanya.
Nag-silapitan din naman sila Angela at nag-yakapan kami dito parang group hug na may iyakan.
"Teka! Ano bang nangyayari dito??!!" Iritang tanong ni Zylie sabay pinag-kalaskalas niya yung mga yakap namin.
Parang kanina lang baliw na baliw siya sa Computer niya tapos ngayon iritang irita na siya. "Zylie, okay ka lang ba?" Tanong ni Cathy na alang-alala. Tumango naman si Zylie.
Yun naman pala eh, okay na siya. Sabog nga siguro. "Yun naman pala eh. Sige na Bye." Sabi namin sa kanya at umalis na sa kwarto niya.
Hay nako, OA na kung OA wag lang TANGA sakit kasi masabihan nun eh. Lalo na si Crush sinabihan pa ako ng ganon. Alalang-ala ko pa yung sinabi niya sa'kin 'para kang tanga.' Diba shaket.
Sayang crush ko pa naman siya. Pero di na ngayon. Katunayan siya na nga yung nag-hahabol sa'kin eh. Di naman sa pag-mamayabang pero totoo.
Pag-labas ko sa kwarto ni Zylie ay dumeretso agad ako sa kwarto, kaya lang nakaramdam ako ng gutom. Kaya lumabas ako. Mag-hahanap muna ako ng pag-kain. Hehe. Adik sa pag-kain.
Hindi na ako adik kay crush sa pag-kain na. Lumabas ako ng bahay namin at nag-lakad. San ba pwedeng kumain??
Dahil wala akong maisip, kinuha ko ang phone ko at nag-search sa restaurant na mahahanap lang dito. Sana meron.
Habang nag-sesearch ako sa phone ko ay may biglang bumunggo sa akin. "Ano ba yan 'di kasi tumitingin sa dinadaanan. " Inis kong sabi. Yan tuloy nahulog yung phone ko.
"Excuse me, ikaw nga 'tong bumangga sa akin eh." Sabi pa niya. Lalaki ata 'to. Boses lalaki eh tsaka malaki yung boses niya. Di ko nalang siya tinignan dahil baka mainis pa ako. Nag-focus lang ako sa phone ko.
Zylie's POV
Kanina pa ko nag-tataka kung bakit ganun sila Andrea kanina. Ano bang nang-yare kanina? Psh. Whatever. Nag-punta ako sa kama at dumapa. Kinuha ko yung phone ko at nag-basa. Wala akong magawa eh.
Kung i-try ko kaya yung computer? Gehgeh. Tumayo na ako sa kama at nag-punta na sa desk kung saan nandun ang computer.
Binuksan ko na yung computer. Nakita ko rin na may wattpad na app. Kaya naman, naisipan kong buksan ito at gumawa ng bagong book.
Eh yung title? Speaking of the title, anong title? Wala na akong maisip lahat na kasi ng naiisip ko ay akin na. Ah alam ko na.
Ako: Hi!
Angela: Hi!!
Andrea: Hi!
Andrea sent a photo.
Aba, tignan mo 'to si Andrea. Lamon ng lamon 'di naman na-taba. Wala din, sayang.
Angela: Wahhh!! Daya! Di mo man lang ako sinama!
Andrea: Wahahaha!
Cathy: King ina! Ang iingay niyo! Na-tae pa ako dito oh!
Ako: Sorry naman, mag-tatanong lang ako, kung anong magandang title para sa bagong book.
Angela: Again?
Ako: Yup, dito kasi ako gagawa sa bagong computer.
Andrea: Ahhh
Ako: So ano nga?
Cathy: Tae simot na simot na yung utak ko kakaisip ng title!
Andrea: Kahit ano ba yan?
Ako: Yup, yup
Angela: Badboy...
Ako: Badboy??... Diba para namang ang common?
Angela: Gutom na ako!
Cathy: Ako din!
Andrea: Ako din!! ㅠ ㅠ
Ako: Kakakain mo lang Andrea.
Andrea: Pero gutom pa din ako!
Cathy: Kain tayo sa labas!
Ako: Kk.
Pagka-tapos nun ay nag-log out na akerch, nilagay ko na rin yung title at description, at lumabas na ako ng bahay. Sakto namang nandun na sila pati sila Andrea.
"Tara na!" Yaya ko sa kanila. Grabe ang lamig dito sa labas. Para nang mag-kakaroon ng snow. Pumunta na kami sa kotse at nag-drive na si Andrea.
"So, saan niyo gusto??" Masiglang tanong ni Cathy. "Kayo bahala" sabi ko. "Jollibee?" Tanong ni Cathy. Grabe Jollibee talaga? " "Sa McDo na lang." Request pa ni Angela.
"Sa KFC nalang, may unli Gravy pa" sabi ni Andrea. Napa-okay nalang kami at nag-drive na si Andrea.
Third Person's POV
Habang nag-dri-drive si Andrea ay biglang nahulog ang phone niya na nasa hita niya kanina. Napansin din niya ito, inaabot niya ito habangang mata niya ay nasa daanan.
Ngunit hindi niya ito nakuha. Pinilit niyang kuhain ito sa ilalim ngunit hindi niya ito maabot. Maya-maya pa ay nag-desisyon nalang siya na kuhain ito ng mabilis.
Kinuha ni Andrea ang cellphone niya sa ilalim nang mag-salita si Angela. " Andrea..." mahinang sabi nito na, nanginginig ang boses. Napa-tingin si Andrea kay Angela. At nakita niyang pinag-papawisan ito.
"Andrea...we have a big trouble..." takot na takot na sabi ni Angela. Napansin din naman niya sila Cathy na takot takot at parang naliligo na sa pawis.
Nang matapos niyang kuhain yung cellphone niya ay agad siyang tumayo. At nakita ang truck na papatawid habang ang kotse nila ay umaandar pa rin.
Gulat na gulat si Andrea nang makita ito. Inapak-apakan niya ang manibela sa ilalim pero hindi maitigil ang sasakyan.
Sa mga oras na yun ay nginig na nginig siya, maging si Zylie ay nakahawak sa kamay ni Angela. At takot na takot sa mangyayari sa kanila.
Pilit na pinapatigil ni Andrea ang sasakyan subalit nabigo siyang gawin yun. Hanggang sa patuloy ang pag-andar ng kotse " AHHHHHH!!!" Sigaw nila Angela na mas malakas pa sa busina ng kotse.
Hanggang sa tuluyang nagkabungguan ang sasakyan nila Andrea at ang malaking truck.
YOU ARE READING
The 4 Writters
FantasíaApat na mag-kakaibigan na babae. Sila ay si Zylie, Angela, Cathy at Andrea. Bukod sa, isa silang estudyante ng Galaxy Academy ay, isa din silang sa magagaling na author sa buong mundo. Nakilala sila dahil sa mga magaganda na libro at anak ng mayayam...