Zylie's POV
Ano ba yan ang liwanag naman, naka-pikit naman ako pero ang liwanag pa din eh. Binukas ko ang aking mata at nakita ko na nasa isang malaking landscape kami. Nakita ko din sila Cathy, Angela at Andrea na naka-higa sa damuhan.
"Cathy, Cathy! Gising! Gising!" sabi ko kay Cathy at niyug-yug ko pa siya. "Uy! Angela! Andrea Gising!" sabi ko sa kanila unting-unti naman silang nagising.
Teka nga, nasaan ba kami?? Saang lugar 'to? Hindi pa ako nakaka-punta dito. Napansin ko namang bumangon sila Cathy. At ibinukas ang mga mata nila.
Nang mabuksan nila ang mga mata nila agad naman silang nag-tanong. "Nasaan tayo?" Tanong ni Angela na naka-mulat ng onti.
"Ewan ko nga eh, basta pag-gising ko nandito na tayo." Sabi ko sa kanila. Nagsi-tayuan naman sila at hiyang hiya naman ako sa kanila dahil ang tatangkad nila -.-
Nang tumayo ako ay humarap ako sa kanila, nakita ko si Angela na nanlaki ang mga mata at biglang tumingin sa balat niya na mang-hangang mang-ha.
"Wahhh!! Buhay tayo!!!" Sigaw ni Angela. Nagulat naman kami nang biglang nag-sisitalon siya sa tuwa at niyakap pa niya kami.
"Angela tama na, baka-" napatigil sa pagsasalita si Andrea nang biglang "Aray!!!" Ayun. Natapilok. "...matapilok ka..." pag-papatuloy pa ni Andrea.
Haha! Ano, High heels pa more. "Ba't ka natawa?" Nagulat akong sabi ni Angela...sa akin?? Tinuro ko naman yung sarili ko at tinanong kung ako ba. Di ko namalayan na tumatawa na pala ako kanina.
Napa-upo nalang kami nang mapa-upo si Angela sa sakit ng paa niya at hinimas-himas pa ito. Buti nalang at flat shoes lang ako. Kung hindi katulad ko rin si Angela.
By the way, ano yung sinasabi ni Angela na buhay? Duh, buhay naman talaga kami eh.Ugh. Nevermind, sakit lang sa ulo eh.
"So...nasaan na tayo?" Basag ko sa ka-tahimikan. "Wait, titignan ko sa phone ko." Sabi ni Andrea kaya napa-tango nalang kami.
Napansin ko namang pinatay ni Andrea at nilapag sa damo yung cellphone niya " Oh, nasaan daw tayo?" Tanong ko sa kanya, habang siya naka-simangot ang mukha. "Walang signal." Ayy...
Sa akin nalang kaya. Sana full charge pa 'to. Pls.pls. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ko -_- kung minamalas nga naman lowbat nga.
"Lowbat akin. " sabi ko sa kanila. Napa-tingin naman kami kay Cathy. Pero lowbat din siya. Sunod naman si Angela.
Kinapa-kapa niya naman yung mga bulsa niya, nako wag mong sabihing.. "Naiwan ko." Jusq. Ano ng gagawin namin??
"Pano yan?" Tanong ko sa kanila. Nagka-titignan nalang kami dahil sa wala kaming magawa. Saan ba kasi ng lupalop ng mundo kami napunta ?? Bwisit naman oh.
"Tara mag-lakad lakad muna tayo baka may makita tayong pwedeng makatulong sa atin" sabi ko sa kanila. At nag-situnguan naman sila.
Si Angela, okay lang naman daw siya. Kaya naman daw niya mag-lakad kaso pa-ika-ika nga lang. 'Di ko alam kung landscape ba 'to o gubat?
Ang dami kasing naka-paligid na mga puno eh. Nakaka-takot. Kami lang nanadito. Tsaka mamaya meron sumulpot na isang lalaki tapos habulin kami at pata---
"Oy! Nadugo labi mo!" Sabi ni Cathy na may kasamang batok. Kailangan talaga, may batok? Ganern? Napa-hawak nalang ako sa batok ko. Aray...Napalakas yung batok niya.
Teka, nadugo? Wahhh! Yung labi ko nadugo! Agad kong kinuha yung panyo ko at i-tinakip sa labi ko. Naramdamn ko kasing na parang may natulo, yun pala dugo na yun. Wah! At kailan ko naman natutong kumagat ng labi?
YOU ARE READING
The 4 Writters
FantasyApat na mag-kakaibigan na babae. Sila ay si Zylie, Angela, Cathy at Andrea. Bukod sa, isa silang estudyante ng Galaxy Academy ay, isa din silang sa magagaling na author sa buong mundo. Nakilala sila dahil sa mga magaganda na libro at anak ng mayayam...