While sadly lying on my bed i started reminiscing,
Hindi ako nakikipag-kaibigan bakit? Nadala na ako. Nagkaroon ako ng kaibigan dati but they just made feel alone. They are just there when they needed something from you and leave you when they already gotten what they want from you.Simula noon i ignore strangers. I don't talk too long with anybody else.
Naging kuntento ako sa pagiging mag-isa, sa pagiging loner.Not until i met him, a guy who wanted to shake my hand and proclaimed himself as my friend.
Nakakainis siya, napakakulit at ginugulo niya ako palagi. He never stop.
'Di nagtagal naging magkaibigan kami. He is the only person that takes time to listen with every words i spoke. Whenever he is around i feel special. Pakiramdam ko prinsesa ako.
Nahulog ako sa kanya at hindi ko pinahalata na kahit paminsan dinudurog ang puso ko sa kaisipang Hanggang mag-tol lang kami.
Pero akalain mo nga naman, mahal niya rin pala ako. Sa isang nilukot na papel ko nalaman. Iyong sangkatutak na beses ko nang itinapon sa basurahan.
A drop of tear fell on my left cheek,
Sayang.Almost three days na akong nagmumukmok sa kuwarto ko simula nung umalis siya. Dito na nga rin ako kumakain e. Sinasabi ko na lang na masama yung pakiramdam ko at dahil maghapon naman ang magulang ko sa pagtatrabaho sa kumpanya ni lolo, hindi na nila ako pansin.
Ngayon eto ako sinasariwa yung magagandang ala-ala. Napapagod na akong umiyak. Namamaga na yung mata ko.
Subalit may salita pa rin talagang paulit ulit sa utak ko.
"H'wag ka kasing tapon ng tapon. Para kasing tinatapon mo rin ako,"Yung sulat niya nga Halos makabisado ko na. Pinukpok ko ng kamay ko yung noo ko. Ang manhid ko.
Akala ko kasi kaibigan lang din ang turing niya sa akin. Tsk! Gusto ko nang punitin yung mga papel dahil sa tuwing nakikita ko ang mga ito, nasasaktan ako. Pero alam mo yung pakiramdam na yun na lang ang bagay na meron siya sa'yo.
I opened my facebook account to see if he has a message for me but none.
Naghihintay pa rin ako sa mensahe niya. Nakalimutan niya na ba agad ako? Masaya na ba siya sa mapapangasawa niya? Kahit simpleng Kumusta lang naman tol pwede na sa akin.
I composed a Message. I type. I deleted. Paulit ulit.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga masabi yung niloloob ko. Sa dami ng gusto kong sabihin, paulit ulit na Tol? lang yung na ipadala kong mensahe.
"Ate!" It is Sheila, my sister. Pumasok na lang bigla-bigla sa kuwarto ko. Tsk! Nakalimutan ko i lock.
I immediately wipe my tears. Nakita kung nagtataka yung itsura ng kapatid ko. "Bakit?" sabi ko.
"Ah--eh kakain na" aniya. I nodded. Gabi na pala, hindi ko man lang napansin.
She immediately turn around and go downstairs. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kuwarto. I fix myself just to look okay.Pagdating sa kusina, obviously kami lang ulit ni Sheila ang magsasabay kumain.
"Overtime sila mama late na daw sila makakauwi. Umorder na lang ako ng pagkain,"
Walang kagana gana akong umupo at tumulala.
BINABASA MO ANG
Yellow Crumpled Paper
RomanceIs there any chance for them to be together? or Is it much better to just forget each other and throw the past into trash like a piece of crumpled paper. fatymagine©2014