"Ate ano? Ano'ng sabi niya?" ani sheila.
"Uy, Umiiyak ka na naman?"
Umiling ako. I turn around a bit para mapunasan yung nagbabadyang luha ko.Pagkaharap ko, sinabi ko ang nalalapit na pagkikita namin.
"Sama naman ako." aniya."Pag-iisipan ko." lumabas na ako ng kuwarto niya.
Nakakainis talaga ang Buhay.Ang hirap na nga magpakatotoo, ang sakit pa'ng tanggapin ng katotohanan.
°°°
"Uy, ang lalim ata ng iniisip mo?" Napatingin ako sa nagsasalita. Si lenard pala.
I smiled "Wala." Sagot ko. Nakatulala na pala kasi ako. Hindi ko na namalayan kung gaano na katagal.
"C'mon It's alright to tell, i'm your friend," ngumiti siya.
"Parang madiin ata yung pagkakasabi mo ng 'Friend." tugon ko.
Natawa siya. "Seryoso nga. Ano ba'ng problema?"
Mukhang sincere naman siya pero wala rin naman siyang maitutulong sa akin."Thank you." I said "Don't worry walang problema" dagdag ko.
Tumayo na ak para kumuha ng coffe.
"Wait, coffee ba?" aniya. Nakakabasa ba siya ng isip? I nodded.
"Okay, wait there."
Hinayaan ko na lang siyang kumuha ng Kape ko.
After a minute dumating na siya.Pareho kaming nagkakape ngayon at nandito pa rin siya sa table ko.
"Ayan ka na naman lenard, stop staring please.""I'm not. " pagsisinungaling niya pa.
Kitang kita ko kaya siya sa peripheral vision ko.
"You are." sabi ko.Napailing at napangiti lang siya.
Parang si mark talaga.Napatingin at natulala nanaman ako sa isang Bagay. Yellow Pad Paper.
I sip my coffee while looking at it."Aw, ang init!" Napaso ako. Ang sakit ah! Nagising ako dun a!
Tinatawanan ako ni lenard. Sinamaan ko na lang siya ng tingin."I envy that guy." nagulat ako sa sinabi niya.
"What?" I asked."Napapatigil niya yung mundo mo at nagagawa niyang makalimutan mo ang nasa paligid mo" aniya.
He is so right with that but how did he know?
Binigyan ko lang siya ng isang mukhang, nagtatanong."Am i right?" tumingin siya sa mata ko ng diretso.
I sighed at tumango na lang ako."Alam ko naman. Halata namang may nag-mamayari na niyan" sambit niya.
Parang may dumaang anghel, nanahimik kami.
Yung tahimik na parang may gustong magtanong pero pinipigil."He didn't know." Basag ko sa katahimikan. Habang iniikot ikot ang kutsara sa tasa.
BINABASA MO ANG
Yellow Crumpled Paper
RomanceIs there any chance for them to be together? or Is it much better to just forget each other and throw the past into trash like a piece of crumpled paper. fatymagine©2014