Hindi lahat ng gusto mo dapat ipaglaban, Lalo na kung ikaw'y may natatapakan.
---fatymagineMICHELLE's POV
So this is it. After all those lies I've made, Natalo ako.
Ito yung nagagawa ng isang nababaliw sa pag-ibig.Bata palang ako, nang una kong makilala si Mark or As i was calling him, Kuya Mark. Someday you will be Mark's wife. My parents said. I thought they were serious about it, until mom told me that they've change their minds.
Our parents are long time best friends. They are also a product of arranged marriage and during our childhood, We are both introduce as future husband and wife.
Lumaon naging magkaibigan naman kami at napamahal na rin ako kay Mark at akala ko ganun din siya sa akin. Naging close ako sa magulang niya at ako ang nagpumilit na kami ang magkatuluyan. I beg them. I told them about what i feel for Mark at pumayag naman sila. Hindi niya alam 'yun.
Since Highschool, Paulit-ulit na sinasabi iyon ng magulang niya sa kanya. Hindi naman naging mahirap kay Mark 'yun. Parang wala nga lang na tumango siya noon.
Madami na siyang naging girlfriend. Mga babaeng lumapit sa kanya at nag-assume. Madami na rin akong tinakot na babae para lumayo sa kanya. And he did'nt know it.
Ngunit nung nag college siya, ang laki ng pinagbago niya. Yung dating parang de-susi ay nagkakaroon na ng sariling paa. Parang nakalimutan niya na ako. Parang naging masyado na siyang busy ngunit sabi nga nila Tita, h'wag akong mag-alala dahil sa bandang huli, kami pa rin naman ang magkakatuluyan.
Pero natakot parin ako. I already knew about that girl. That is why i asked our parents for us to migrate at states for a while. At nagawa ko.
Planado ko ang lahat. Nasabi ko na sa magulang ko at ganun din ang magulang niya na magpapanggap akong hindi sang-ayon sa nangyayari. Na kunwaring hindi ko siya mahal para hindi siya maging ilag sa akin. Kaya't ang naging mukhang kontrabida ay ang magulang namin.
Pinakiusapan ko rin ang parents niya na kunin ang lahat ng gadgets niya. Wala silang komunikasyon nung babae, mas maganda.
Ang hindi alam ni Mark, hawak ko yung laptop niya. Na punong puno ng stolen shots ng babaeng yun. Ang sakit lang.
Nung pangatlong araw, sinubukan kong mag-internet gamit 'yun. Hindi ko alam na hindi nag-lologout si Mark sa Facebook kaya nagkataon lang talaga na nabuksan ko 'yung account niya at sumakto lang na nag-message si Shane. Hindi na ako nagdalawang isip na iblock siya sa sobrang inggit at inis 'ko.
Sinamatala ko na ang hawala ng koneksiyon nila ni Mark. Gumawa naman ako ng paraang mapamahal siya sa akin. Inilalapit ko ang sarili ko sa kanya ngunit nakikita ko lalo kung gaano kalaki ang distansiya namin sa isa't-isa.
Ikinwento niya ang nararamdaman niya. Mahal niya yung babaeng yun. Siya ang bukambibig ni Mark. Parang piniga ako ng todo. Ang sakit! Parang nasampal ako.
Ang sabi niya, mahirap daw pala'ng ibaling sa iba ang pagmamahal niya sa kanya. Yun daw sana ang plano niya, ang makalimot pero parang niloloko lang niya raw ang sarili niya. Nakaramdam ako ng kawalang pag-asa.
Nang subukan niyang kausapin ang Mommy niya. "Itigil niyo na nga yung kalokohan niyo! Hindi naman namin gusto yung isa't isa, tapos ipapakasal niyo kami?" yun ang sagot ni Mark.
"Parang awa niyo naman po ma, may mahal na akong iba," dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Yellow Crumpled Paper
RomanceIs there any chance for them to be together? or Is it much better to just forget each other and throw the past into trash like a piece of crumpled paper. fatymagine©2014