Chapter 5: Evil Plan #1

29 1 1
                                    

(Rain's POV)

"Hay... panira talaga ng araw.. kainis!.." Ang inis kong sabi habang naglalakad ako pabalik sa classroom.

'Hay.. grabe lang.. first day ko palang dito may kaaway agad ako... Siya naman ang nagsimula e.. Palaban lang talaga ako.' Nakarating na ako sa classroom ng may maisip akong kalokohan. Kinuha ko ang chalk board eraser at pingpag ko ito sa loob ng bag ni unggoy.

"Haha yan ang dapat sayo..." Ngumiti ako at umupo na sa pwesto kung san ako nakaupo.

(Aaron's POV)

"Makabalik na nga sa classroom ng makita ko ang mangyayari sakanya.." Excited na excited akong bumalik sa classroom.

"Oh! kamusta? Nabusog kaba sa kinain mung sushi kanina? o bitin pa?..." Ang tanong ko na paasar.

"Ewan ko sayo..." Ang pasabi niya na may pagsusungit. Pinagmasdan ko siya habang hinihintay kong buksan ang bag niya. At...

"What... The... Heck!" Ang sabi niya ng hawakan niya yung zipper ng bag niya na may glue.

"Oh bakit? anong nangyari jan?" Ang tanong ko sakanya ng nakangiti.

Napangise ako ng tumingin siya sakin. " OH? bakit ka nakatingin sakin na para bang gusto mo kong patayin? Wait lang ha inosente ako... wala akong kinalaman jan.." Ang sabi ko habang pinipigilan kong tumawa.

Tumayo siya at agad-agad lumabas ng classroom para cguro maghugas ng kamay.

How to love a Tsundere Girl?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon