(Rain's POV)
"Anu ba naman yan! Puro ka lang pala talaga kayabangan eh... Ang simple simple lang ng steps di mo pa makuha..." Ang sabi ko ng pang limang ulit na siyang nagkakamali sa steps. "Eh anung magagawa ko di naman ako dancer tsk..." Sinabi niya ng medyo naiinis na.
"Hay nako... kasi naman mag focus ka!" Nainis na ako sa kakareklamo niya kaya tinapakan ko na ang mga paa niya. "Arayyyyyyy! Ano ba?!?!" Ang sabi niya ng tinapakan ko siya. "Wala pa yan, di ko pa tinodo ang pag apak sayo! kaya umayos ka na!..." Ang sabi ko sakanya ng pagalit.
A few hours later...
"Ahhh! Okay na to tama na! Naka limang oras na tayo ng kakapraktis ng walang man lang pahinga!" Ang sabi niya ng hingal na hingal. "O sige na... Umuwi kana.. bukas ang last praktice natin ng umaga kaya pumasok ka mga 6am palang." Ang sabi niya pagka kuha sa kanyang bag at umalis na sa room.
(Aaron's POV)
"Hay sa wakas! Langya nakakapagod pala magsayaw..." Tumayo na siya na tuwid at kinuha ang kanyang bag. "Ang lambot pala ng kamay nung babaeng epal nayon..." Tinignan niya ang kanyang mga kamay at biglang umiling.
"Hay... ano ba yan... Bakit ba lagi siyang epal sa life ko... tsk.." Lumabas na siya ng room at umalis.