Chapter 8: Enemy slash Dance Partner

21 0 1
                                    

(Aaron's POV)

"Oh pre! Mukhang puyat ka ah... San ka gumimik?" Sabi ng kaibigan ko. "Ha? Wala wag niyo kong intindihin.." Ang sabi ko habang nakayuko na nakapikit. "Babae ba yan? hahaha" Ang ngise ng isa ko pang kaibigan. 

"Wag niyo na nga lang ako istorbohin..." Sinabi ko ng naiirita nako sakanila. Nagsitawanan ang mga kaibigan ko at pumunta na sa kanilang pwesto sa classroom. Sobrang antok talaga ako epal kasi yung babaeng yun pati sa panaginip andun. hahay...

Pumasok na ang teacher namin sa PE at nag announce na magkakaroon daw ng project para bukas at ang makakapartner daw namin ay yung seatmate namin.

"Sino nga ba seatmate ko?..." Binuksan ko ang aking mga mata para malaman kung sino ang seatmate ko.... WHAT THE F! Nakatitig na sakin ng masama yung babaeng yun.

"Akalain mo ikaw pa talaga naka partner ko..." Sinabi niya ng may pagkadismaya. "Heh... Sino bang may gustong maka partner ka tsk..." Sinabi ko ng pagalit. "Oh well wala na tayong magagawa... Practisin nalang natin yung sayaw agad para matapos na..." Sinabi niya.

Pinaliwanag ng teacher ang aming project sa PE. "Interpretative Dance?" Ang tanung ko sa sarili ko. Sayaw??? Tumingin yung epal sakin na naka ngise. "Oh bakit ganyan mukha mo? Di ka ba marunung sumayaw?" Ang pang-aasar niya sakin.

"Ha? Excuse me? Parang sayaw lang yan e sus.... Andali dali lang niyan..." Ang sabi ko ng may pagyayabang. 

'Nako po naman bakit siya pa ang partner ko...' Ang sabi ko sa sarili ko.

How to love a Tsundere Girl?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon