The plan

18 1 0
                                    

Gilu's POV

  Buong klase nakatulala lang ako.. Hindi ako nakikinig sa prof ko..

  Piniligilan ko kasi yung tulo ng luha ko..

  "Okay, class dismiss.. You can take your lunch.." Sa wakas..

  After three subjects na hindi ko naman pinakinggan, lunch na din..

  Nung makarating kami sa canteen, umupo muna kami oara hintayin yung labing isa..

  "Rapmon, kapag nagtanong sila kung bakit ako nakadukdok sabihin mo nahihilo ako.. Wag mong babanggitin na umiyak ako sa kanila.."
 
  "Nahihilo ka ba talaga?" Tanong niya..

  "Oo.. Order mo na lang din ako ng katulad ng sa'yo.."

  Tumango na lang siya.. Dumukdok na ko..

   Renz naman, hindi mo kailangang pahirapan yung sarili mo..

   Bakit ba lagi na lang kami yung iniisip mo?

   Pwede ba kahit ngayon lang magpaka-selfish ka naman? Si Yumi yung mali eh...

  Sorry sa sasabihin ko pero dapat kung may nahihirapan man dito sila ni Taehyung yun..

  Si Jungkook nga minsan sinusubukang itext o tawagan si Renz.. Kaso nakapatay daw yung phone..

  Pinikit ko na lang muna ang mata ko..

  Naramdaman ko pa yung pagdating nung mga kasama namin..

  Pero di ko na lang pinansin yung ingay nila..

  Narindi lang ako sa tawa ni Yumi.. Ang saya niya ah?

  "Bakit nakadukdok si Gilu?" Tanong ni Isabel unnie..

  "Nahihilo daw.." Sabi ni Rapmon..

"Suga order mo ko ng food.." Utos ni Monique unnie..

  "Ano ka? Alam kong tao.. Pero di ka maganda kaya tumahimik ka.." Sagot sa kanya ni Suga..

"So? Maganda ako, ikaw lang yung napapangitan sa kin.. Taste mo kasi sa babae yung maputi lang pero di maganda.."

  "Boys sama kayo? Oorder ko na lang si Gilu eh.." Sabi ni Rapmon..

  "Ako na lang mago-order kay Monique noona.." Presinta ni Jungkook..

  "Anong ikaw? Nagbibiro lang ako kanina.. Ako mago-order sa dyosa ko.." Sabi ni Suga..

  Hindi ko na sila pinakinggan.. Nagkakasaya sila..

  Sabagay, di kasi nila alam yung paghihirap ni Renz..

  Binangon ko yung ulo ko pero di ako humarap sa kanila, lumingon ako sa paligid..

  Nagtatawanan yung mga babae habang umo-order naman yung mga lalaki..

  Natigil yung paningin ko sa isang tao..

  Nakatayo siya medyo malayo sa amin.. Nakatingin siya sa min..

  Miss na miss na kita...

    Nagtitigan lang kaming dalawa..

Ngumiti siya sa kin.. Napangiti din ako.. Kasabay ng pagtulo ng luha ko..

  Ganun lang yung ayos namin hanggang sa narinig ko yung mga boses nung mga boys..

  Isang tipid na ngiti ulit ang pinakawalan niya tapos tumalikod na..

  Kasabay non nasilayan ko ang isang luha na tumulo mula sa mata niya..
 
  "R-renz..." Sambit ko..

Dumukdok ulit ako tapos tahimik na umiyak..

Neighbor's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon