Jungkook's POV
Nagtatanong lang sila noona sa mga bata.. Hmm, nakakatuwa lang na makitang masaya yung mga bata. Siguro, nakngiti si Renz ngayon kung nandito siya.. Mahilig daw sa bata yun eh..
"Hyung, siguro masaya si Renz ngayon kung nandito siya.." Sabi ko kay Taehyung hyung na katabi ko lang..
"Hmm.. Oo.. Pareho pala kaming mahilig sa bata.." Sabi niya..
"Oo nga eh.." Sabi ko at binalik ang tingin kala noona..
Lumapit sa min si sister Dona..
"Mga iho, bakit nandito kayong dalawa?" Tanong niya..
"Ahh, sister, nasan po si Yessa?" Tanong ni Hyung..
"Ay, nasa loob iho eh.. Hindi kasi pinapalabas nila Mein si Yessa pag may okasyon dito.."
"Bakit naman po?" Tanong ko..
"Ahmm.. May sakit kasi si Yessa... Pinagbawal ng doctor na lumabas pag may ganitong okasyon dahil baka daw magulat o may hindi mangyaring maganda.."
"Ano po yung sakit niya?" Tanong ko ulit..
"Iho, hindi pinapasabi nila Sehun yung tungkol doon.."
"Ahh, sister okay lang po, nasabi na po sa kin ni Sehun hyung kahapon.. May heart desease po siya.." Sabi ni Taehyung..
"Ahh, ganun ba? Oh sige na.. Sumama na kayo sa kanila.. Pano nila kayo makikilala kung di kayo nagpapakita?"
"Sige po sister.. Punta na po kami don.." Sabi ko at nagbow kami ni hyung..
"Ahh, Kookie.. Paki-sabi kay Yumi na pupuntahan ko lang si Yessa.. Diyan na lang kamo siya.." Tumango na lang ako tapos umalis na si Hyung..
"Hi baby girl.. Anong pangalan mo?" Tanong ni Yumi dun sa isang batang babae..
"Terrise po.." Sagot nung bata.. Lumapit pa ko sa kanila tapos tumabi ako kay Reyna noona..
"Ilang taon ka na?" Tanong ni Jhope hyung..
"6.." Sagot ulit nung bata..
"Sige nga baby, sino pa yung dumalaw sa inyo dito?" Tanong ni Isabel noona..
"Si kuya Sehun po.." Sabi niya..
"Wow.. Mga bata, kilala niyo ba si Kuya Sehun?" Tanong ni Monique noona sa mga bata..
"Opo!!" Sagot nilang lahat..
"Sige baby, upo ka na.. Meron pa ba??" Sabi ni Reyna noona tapos hinila ako papunta sa harap.. Napatingin sa kin si Yumi..
"Nasan si Taehyung?"
"Pupuntahan lang daw niya si Yessa.. Dito ka na lang daw.." Tumango siya at umatras na..
"Ikaw baby boy! Lika dito.." Sabi ni Reyna noona..
Lumapit sa min yung batang lalaki..
"Ilang taon ka na?" Tanong ni Reyna noona..
"Seven.." Sabi nung bata.. Di obvious, amg liit niya eh..
Lumapit ako at lumuhod para makapantay siya..
"Anong pangalan mo?" Tanong ko..
"Renz po.." Napatigil ako sa sinabi niya..
Pakiramdam ko umuulit yung pangalan niya.. Parang nage-echo sa pandinig ko..
"R-renz? Talaga?" Tanong ni Isabel noona..
"Opo" sagot nung bata..
"Ahm, sige.. Sino pa yung dumalaw sa inyo dito?" Si Suga hyung na yung nagtanong dahil parang natigilan sila noona at ako..
BINABASA MO ANG
Neighbor's Love
RomanceSa paglipat ng pitong babae sa lugar kung saan katapat lamang ng bahay nila ay may nakatira ding pitong lalaki.. What do you think will happen? Come on and take time to read my story..