Isabel's POV
Pagkagaling namin ng school, napagdesisyunan naming pumunta ng Orphanage para maitanong kung ilan ang bata at makapag-paalam na din..
"Mga iho, iha.. Anong ipinunta niyo dito?" Salubong sa min ng isang madre..
"Ahh, good afternoon po Sister--" Bati namin pero pinutol kasi di namin alam yung pangalan..
"Sister Dona.." Sabi niya..
"Good afternoon po sister Dona.." Ulit namin tapos nagbow..
"Bakit pala kayo nandito mga iho at iha?" Tanong niya..
Tingin ko, nasa 50+ na si Sister..
"Ahm, sister.. Magpapaalam po sana kami sa inyo kung pwede kami magoa-feeding dito.. Monthsary po kasi namin ng boyfriend ko sa makalawa.. Naisip po namin na, dito na lang kami magcelebrate.." Sabi ko..
"Aba, eh maganda ideya yan iha.. Sino ba itong boyfriend mo?" Tanong ni Sister..
"Ako po.." Lumapit sa min si Jin..
"Ayy, kay poging bata.. Anong pangalan mo iho?" Tanong ulit ni Sister..
"Jin po, etong babae na 'to.. Siya po si Isabel.. Isa na lang po for short.."
"Ay, sige.. Isa at Jin.. Halina kayo sa loob at ng makita niyo ang mga bata.." Aya sa min ni Sister..
"Hyung ang daya mo! Di mo man lang kami pinakilala!" Pagmamaktol ni Jhope..
"Mamaya na!" Sumunod na lang kami kay Sister Dona..
"Sister!!!" May mga batang nagtakbuhan papunta sa amin..
"Sister! Sino po sila?" Tanong ng isang batang babae..
"Magpapa-feeding sila dito Iya.. Sa makalawa.." Sagot ni Sister..
"Talaga po? Hello po mga ate at kuya! Ako po si Niccolo! 10 years old.." Pakilala sa min nung isang lalaki..
"Ako po si Iya! 10 years old din po" Sabi nung unang nagtanong..
"Hello!! Ako si Kuya Taehyung!!" Biglang lumapit si Taehyung dun sa mga bata at niyakap..
Bigla tuloy siyang dinumog nung iba pa..
"Haha, iho, ganyan talaga yang mga iyan.. Ang hilig yumakap sa mga bisita.." Natatawang sabi ni Sister..
"Love, di ko alam na kid lover ka.." Sabi ni Yumi..
"Oo Yumi!! Sobrang hilig sa bata ni Taetae!!" Makulit na sabi ni Jhope..
"Tara na sa loob mga bata.." Aya ni sister at naglakad na..
Kasunod niya yung mga bata..
"Oppa.." Napatingin kami sa isang batang babae na kinalabit si Taehyung..
"Huh?" Tanong niya..
Nag-spread ng braso yung bata... Parang nagpapabuhat.. Kaya ayun, binuhat siya ni Taehyung..
May face mask yung bata, sinubsob niya yung mukha niya sa leeg ni Taehyung..
"Tara na lang noonas ang hyungs.." Aya ni Taehyung..
"Anong pangalan niya?" Tanong ni Yumi..
"Ewan ko lang.."
"Baby, what's your name?" Tanong ni Reyna..
Nag-angat ng tingin yung bata
(Korean language po gamit nung bata ah? Gagawin ko lang pong english)
BINABASA MO ANG
Neighbor's Love
RomanceSa paglipat ng pitong babae sa lugar kung saan katapat lamang ng bahay nila ay may nakatira ding pitong lalaki.. What do you think will happen? Come on and take time to read my story..