Problem

31 1 0
                                    

Gilu's POV

  Hindi ko na talaga alam gagawin ko..

  Nasira yung sleepover namin.. Nag-aya kasi si Taehyung umuwi saka si Jungkook.. Nahihiya daw kasi si Taehyung dahil alam niyang siya yung dahilan.. Si Jungkook naman, inis na inis kay Yumi..

   Hindi kami galit kay Taehyung.. Di niya kasalanan yun.. Hindi din naman namin masisisi si Yumi dahil mahal niya lang si Taehyung..

  Nahihirapan lang kaming lahat kay Renz..

  Pinakiusapan ni Rapmon si Taehyung na kung pwede pamisamahan na lang niya si Yumi at layuan na lang si Renz para matahimik na.. Pumayag naman si Taehyung.. Para naman daw kasi sa makakabuti..

  Kinausap ko naman si Yumi na humingi nh sorry kay Renz dahil hindi tama yung mga salitang binitawan niya..

  Gusto daw niya talaga mag-sorry kaya nagpatulong siya sa min..

  Pero dahil matigas ang ulo ng maknae namin at walang kasing taray.. Ayun.. Hindi magawang magsorry ni Yumi..

  Three weeks ng ganun lang ang set up.. Masyadong mabilis? Ganun lang naman ang nangyayari eh..

  Tuwing umaga, makikita na labg naming may pagkain na sa mesa at wala na sa kwarto si Renz..

  Thankful kami kasi hindi niya kami nilalason sa luto niya.. Joke lang.. Mahal pa din naman kami nun..

  Sa school naman, minsan nakikita namin siya pero di niya kami nakikita..

  Hindi ko nga alam kung napapansin niya kami sa school.. Kasi ni sulyap di niya magawa..

  Nakakaawa lang siya kasi lagi siyang mag-isa.. Yung allowance niya na saamin ni Isabel unnie kaya di ko alam kung san siya kumukuha ng pera pambili ng lunch at merienda niya..

  Hinahayaan na lang namin siya kasi alam naming hindi niya kami papansinin..

  Yung pitong lalaki lagi din naming kasabay.. Tuwing uwian sinusundo nila mga partner nila tapos magkikita-kita kami sa gate..

  By partner na kami lagi dahil kay sir Gerald.. Sabi niya dapat masanay kami sa isa't isa ng partner namin dahil may short film daw na gagawin at kami ang gaganap na casts..

  Hindi lang namin alam ang gagawin kay Jungkook at Renz.. Dahil nga lumalayo si Renz.. Di naman na din daw siya tinetext ni Renz..

  Tuwing uwian din nakikita namin si Renz na naglalakad mag-isa sa tapat ng school..

   Monday ngayon.. Nandito kami ni Rapmon ngayon sa canteen.. Kumakain.. Recess pa lang kaya di namin kasabay yung iba..

  Alam ko si Renz ang kasabay namin ang recess kapag monday eh..

"Restroom lang ako Gilu.."

Sa totoo lang.. 1 month na yung pinagsamahan naming lahat.. Yung Two weeks na nauna, pinapansin pa kami ni Renz.. Pero ngayon hindi na talaga..

  Kasi tuwing gabi sa bahay, nakakulong lang siya sa kwarto...

  Pinapatawag namin siya kay Reyna every dinner pero wala naman daw sumasagot..

  Si Yumi nga sinisisi pa yung sarili niya eh.. Kaya daw nagka-ganyan si Renz dahil sa kanya..

  Oo dahil sa sinabi niya, nakapagtiis si Taehyung na pakisamahan siya.. Close na nga sila eh.. Pero may kapalit yung sinabi niya.. Yung paglayo ni Renz..

  "Sige, sige.." Sagot ko..

"Wag kang aalis dito ah?" Tumango na lang ako..

  Habang kumakain ako, may nakaagaw ng pansin ko..

Neighbor's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon