SO:2

11.5K 214 3
                                    


"Sissy. Remember start a new life and forget everything that happened. Don't stress yourself too much. Malapit ka ng maging 29 years old, it's time for you to find someone. You're not gettin' any younger Cassie. Baka nasa Pilipinas lang ang ka forever mo kaya okay lang yan." Ani Leony.

"You're right big sis. Hindi naman kawalan ang gonggong na yun, nasaktan lang talaga ang pride ko. Sobrang kapal kasi ng mukha."

"Tigas mo talaga sissy. For now say goodbye Spain."

She fakely smiled and turned her back. This is the time that she'll comeback to her very own country. Buti nalang talaga at ang ate lang niya ang nakapunta sa Barcelona para sa kasal KUNO na wala naman. Magsisisi talaga ang kulogong yon. Ilang oras ang nagdaan, their private plane arrive already in the Philippines. Bumaba na sila. She smiled upon feeling the hotness of the sun touching her skin.

"I miss our country." Nakangiting usal niya sa kapatid.

Ngumiti lamang ito bilang tugon. Ilang minuto pa ay may isang Navara na dumating.

"Hon!" Tawag ng asawa ng kapatid niya. Si Tommy Moran kasama ang anak nilang si Leomy Khazila. Agad namang niyakap ng ate niya ang asawa at hinalikan. Namiss talaga ng ate niya ang asawa. Nakakabitter infairness. Walangya talaga tong ate niya sa harap pa niya nakipaghalikan. Tatlong araw na kasing nasa Spain ang ate niya. Hindi nakasama ang kuya Tommy niya dahil busy ito sa negosyo.

Mga kalahating minuto rin ang hinintay nila bago nakarating sa bahay nila. Her eyebrows creased ng mapansing parang may party sa loob ng bahay nila.

"Anong meron sa loob hon?" Tanong ng ate niya. Nanatiling naka upo siya't nakatingin sa labas.

Binuksan ng mga guwardiya ang malaking gate nila at bumaba na siya.

"Hala si ma'am Cassandra. Maligayang pagdating po ma'am." Nakangiting bati ng dalawang guwardiya sa kaniya.

Kilala niya ang mga ito.

"Maraming salamat Mang Andi at Peter."
Nakangiting kinuha ng guwardiya ang mga dala niya.

Gulat subalit masaya siyang binati ng mga katulong at iginiya sa malaking sala nila. There are people inside chatting and teasing each other, she's 100% sure na kilala niya ang mga ito. Ilang taon na rin ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral sa Barcelona at makilala si Ezekiel.

Natigil at nanlalaki ang mga matang napatingin ang mga tao sa sala sa kaniya.

"Cass?" Gulat na sambit ni Aenon at Bradley.

"Is that you cousin?" Ani H na nakahawak sa beywang ng asawa nitong si Thana.

"Oh my gee, Cassie ikaw nga." Tili ni Thana at niyakap siya nito. Agad naman niya itong ginantihan ng yakap.

"Halos di kita nakilala." Nakangiting sambit ni Dash. May kasama itong babae, she just smiled at them.

"Ikaw ba yan ganda?" Nanlalaki ang matang tanong ni Ishmel.

"Hi guys, surprise!" She simply said and smiled.

Ilang segundo lang ay lumabas ang kuya nya. Cool na lumabas ang binata mula sa kusina at may hawak-hawak itong champagne habang naglalakad papunta sa kinaroroonan niya.

"I missed you brother." Nakangiting sambit niya.

L hugs her and smiled.

"I missed you too lil sis. I bet you missed your friends too."

Agad naman siyang tumingin sa mga taong nasa harap niya. She smiled widely. Agad naman siyang nakipag kamustahan dito.

"I'm sorry i'm late." Sambit ng isang baritonong boses.

Agad namang napatigil si Cassandra at parang nagkarerahan ang pintig ng puso niya. She knows that voice too well. She's not supposed to feel like that dahil broken hearted  pa siya sa walang kwentang fiancé niya. But she just can't stop her heart from beating so fast.

Tbc
Zerenette

Skolov's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon