Chapter 8: Desisyon

1.1K 31 13
                                    

Kluzera's says: ito na po ang UD, pagpasensiyahan niyo na kung maikli lang siya!

Nagmamadali na rin kasi ako, kasi 9:30 pasukan namin at 8:30 na ngayon!

Para sa inyo nag-UD talaga ako. Masakit talaga kasi ulo ko kagabi kaya di ako nakapag-draft! :))

Enjoy niyo na lamang ito XD

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Beautiful You Chapter 8

Chloe's POV

Nasa loob na ako ng klase at kasalukuyang may gurong nagtuturo sa aming harapan ngunit ang aking isip ay wala sa kanya kundi sa problemang aking kinakaharap. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin! Sino ba ang pupuntahan ko? 

Napakahirap naman ng nangyayari sa akin. Di naman ako nakagawa ng mabibigat na kasalanan pero bakit ako pinaparusahan ng ganito? Ipagsa-Diyos ko na lamang ito! Alam kong tutulungan niya ako sa problema kong ito. Ayon nga sa kasabihan "God does not create a lock without its key and God doesn't gave a problems without its solutions!" Yan ang panghahawakan ko kasi alam kong may solusyon din dito. God is with me!

Kring. Kring. Kring (tunog ng bell yan! XD)

Napabalik lang ako sa realidad ng tumunog na ang bell na nangangahulugang lunch break na namin.  

Biglang may nagsalita sa gilid ko. 

"Ang lalim ng iniisip natin ah?" tanong nito. 

Napalingon ako sa kanya at nakita ko si Cristel at trisha. 

"Ah, may iniisip lang ako" sagot ko naman. 

"Kanina ka pa namin napapansin ni Cristel na nagbubuntong hininga at napapatulala na lamang sa kawalan at palagi ka pang nakatingin sa bintana at hindi ka na nakikinig kay ma'am kaya ipapahiram ko na lamang sa iyo ang notes na nakopya ko sa paglelecture ni ma'am kanina para naman mapag-aralan mo kasi magkakaroon tayo ng pagsusulit kinabukasan baka mabagsak ka pa kako!" ang tuloy-tuloy na pagkakasabi ni trisha, walang hingahan yan dre! 

"Dahan-dahan lang trish" ang pang-aasar naman ni cristel. 

Wow! O.o for the first time magsalita ng ganun si cristel.  

"Oh, napalaki mata mo dyan chloe?"ang nakangiti namang tanong ni trisha. Tapos bigla itong tumawa. Baliw lang ang peg? 

Napangiti na lang din ako sa mga pinaggagawa nila sa kabila ng problemang aking kakaharapin mamaya. 

"Ayan, napangiti ka namin" ang masayang pagkakasabi ni trisha. (With matching palakpak pa yan XD)

"Ang kulit niyo kasi eh!" ang nagmamaktol kong tugon. 

"Tara na nga baka maubusan tayo ng pagkain sa cafeteria at baka ma late pa tayo sa next subject" ang sabi naman ni cristel. 

"TARA!" ang sabay naman naming sabi ni trisha. 

Nagtungo na nga kami sa cafeteria at habang papunta kami roon ay puro tawanan at bangayan ang ginagawa nila ni trisha at cristel na pansamantalang nagpalimot sa aking problema. 

Pagkadating naming tatlo sa cafeteria ay naghanap na kami agad ng pupwestuhan. At sa kamalasan at kasamaang palad naman ay wala ng available tables. Kaya ang ginawa naming tatlo ulit ay nag-order na lamang kami at balak naming kumain sa garden. Na-excite naman ako! Kasi siyempre favorite place ko kaya ang garden. 

Beautiful You >>>♦BXB♦MAN♥MAN♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon