Chapter 5: Thinking of you

1.3K 32 10
                                    

Kluzeras says: ito na yung una kong UD sa taong ito.

Enjoy Reading ^_^

 ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Jason's POV

Sayang yung pagkakataong makasama ko sa lunch time si chloe, bwiset kasi 'tong si kuya, pinapasundo sa akin ang girlfriend niya, si ate Paula Cruz, ate na tawag ko sa kanya since gf naman siya ng kuya ko (mabait din naman ako). Nasiraan daw kasi siya ng sasakyan kaya ayon ako ang pinapasundo. Binablackmail niya kasi ako na isusumbong niya ako kay daddy. Kay daddy kasi talaga ako natatakot. 'pag nagalit kasi yun, tiyak wala kang allowance ng isang buwan, walang kotse , walang gadgets, at walang party kaya ayaw kong sabihin ni kuya na nagcutting ako ng tatlong beses. Yung rason? Ayon nakipagrambulan. Di ko papala nasasabi sa inyo na ako ang leader ng isang gang? Ngayon alam niyo na? si Jacob naman yung bestfriend ko ang aking kanang kamay hahaha. Sa totoo lang may mga kaibigan naman ako sa aking mg aka-gang kaso nga lang nasa ibang school sila, kung di man sa ibang school, ka-schoolmate ko ba, ay sa ibang section naman. 

Hahay, buhay nga naman oh. Wait?! Sinabi ko bang nanghihinayang ako sa pagkakataong makasama ko sana si chloe sa lunch eh? Haist naman oh! Sinabi ko na nga sa sarili ko na tigilan o putulin ko na itong kung ano man itong nararamdaman ko tungo sa kanya. Bwiset naman oh! Bakit k aba kasi pasok ng pasok sa utak ko Chloe? Ano bay an, chloe na naman? Dami pa naming babaeng naghahangad na makuha ako, tapos chloe ako ng chloe.  

Ito talaga yung unang pagkakataon na nagging ganito ako, tapos sa isang bakla pa? Mapuputol pa ito! Matigas at determinado kong sabi sa aking isipan. 

Nandito pala ako ngayon sa aking sasakyan nagmamaneho. Papunta ako ngayon sa airport upang sunduin ang kasintahan ng aking magaling na kuya. Galling kasi si ate sa Germany, may business kasi siya doon. Umuwi siya rito sa Pilipinas para pag-usapan nila ang kasal na magaganap sa kanilang dalawa ng kuya ko. Maganda rin itong si ate, matalino at mabait kaya crush ko yun eh!, hep, hep, hep! Di ko siya inaagaw sa kuya ko ha? Ang ibig kong sabihin sa crush ay hinahangaan ko siya. 

Pagkadating ko ng airport ay tinawagan ko kaagad si ate Paula. "Ate, nasaan ka na?" tanong ko kaagad sa kanya, wala ng hello-hello pa o hi, diretso kaagad kasi ayaw ko ng pinaghihintay. "Nandito ako sa may ****" sabi ni ate. Pagkasabi ni ate nun ay kaagad akong nagpunta roon. Pagkakita ko sa kanya ay kinuha ko kaagad ang mga gamit niya para mabilisan. 

"Sorry Jason ha? Umabsent ka pa tuloy sa klase mo dahil sa akin" ang malungkot niyang pagkakasabi. "Paktay talaga sa akin yang kuya mo mamaya, TATANGGALAN ko talaga siya ng pagpapalaganap ng lahi niya." Pagpapatuloy niya pa, pero nakakatakot na yung boses niya hahaha. Patay talaga kuya ko mamaya hahaha. 

"Naku, okay lang yun ate, makakahabol naman ako sa lessons. Ako? Ako kaya pinakamatalino sa amin hahaha " sabi kong may pagyayabang. Totoo rin naman kasi, ako yung palaging na sa top since grade 1. Di na kasi ako nag-day care kaya ganun. (A/n: guys di ko talaga alam ang sistema ng edukasyon sa mas mababang antas ng grade 1 kaya di ko alam kung saan doon ang mauuna). "Ayan ka nanaman! Nagmamayabang, naku ikaw na matalino." Pagkontra ni ate sa akin. 

Nang nasa kotse na kami ay pinasok ko na ito sa luggage compartment ng kotse ko. Pagkalagay ko ay pinagbuksan ko si ate, pagkapasok ni ate ay pumasok na rin ako sa may driver seat malamang. Pinaandar ko na ang sasakyan at kami'y tutungo sa aming mansion hahaha. Sa amin muna kasi si ate titira, gagastos pa siya kung sa hotel. Siyempre gusto naman yun ng kuya ko na sa amin muna siya. Pero bawal pa silang matulog sa iisang kwarto sabi ni mommy. Alam niyo na? Baka may pumutok tapos booommm.. instant baby na ahahaha XD 

Beautiful You >>>♦BXB♦MAN♥MAN♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon