Chapter 9: Lungkot at Pighati

1.6K 49 32
                                    

Kluzera's says: Guys, I am really sorry for the super duper late update.

Ipagpatawad niyo, ang matagal na UD na ito! hahaha XD

So here it is guys, enjoy! ^_^//

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Chloe's POV 

Naliwanagan na ang aking isipan kung kaya't pupunta ako sa amin, sa daddy ko upang sabihin na sa kanya ang totoo upang mawala na itong tinik at mabigat na saloobin dito sa aking dibdib. Sasabihin ko na lahat sa daddy ko, kahit kapalit man ito ng pagtakwil niya sa akin. Handa na ako upang ipagtapat ito sa kanya kasi karapatan niya rin namang malaman ang katotohanan na naganap noong nakaaraan. 

Sinadya ko talagang agahan ang pagpunta sa bahay, bago pa man dumating ang pamilya ng aking mapapangasawa para kahit papaano'y di madungisan ang pangalan ng aking ama. 

Pagkapasok ko sa bahay ay nandoon na ang aking daddy sa sala, nakaupo at may binabasa. Nasa pintuan lang ako't pinapanuod siya sa kanyang ginagawa at kinakabisado ang kanyang mukha dahil sa tingin ko'y ito na ang huli kong sulyap sa kanyang mukha. Habang iniisip kong ito na ang huli kong pagiging Redford, unti-unting tumulo ang aking luha. 

"Oh, anak, you're here. Come in, what are you doing there?" ang biglang sabi ng aking daddy ng lumingon ito sa kinaroroonan ko. 

Mas lalong bumuhos ang aking luha kasi for the first time, he called me "ANAK". Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman, kung matutuwa ba ako o malulungkot. Matutuwa sapagkat tinawag niya akong anak o malulungkot dahil ito na ang huli, huli niya akong tatawaging anak. Sa naisip kong iyon, mas lalong dumaloy ang nagraragasang luha sa aking mga pisngi. 

"Anak, why are you crying? Is there something wrong? What bothers you, anak?" ang sunud-sunod niyang tanong sa akin. Lumapit siya sa akin at inalayan papuntang upuan. 

"Anak, spell it out!" ang sabi ni daddy sa akin. 

"Daddy.." ang di ko matuloy na pagsalita sa aking daddy. 

"Chloe?" 

"I'm sorry daddy, I am really sorry" humagulhol na ako sa iyak. 

"Daddy, I'm not your son" ang pautal-utal kong sabi sa kanya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beautiful You >>>♦BXB♦MAN♥MAN♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon