Chapter 1: Magical Explode
Alona Ygdrassil's Point of View
Nagpahinga muna kami sa matinding nangyari sa'min. Dahil sa pangangailangan na huminga. Hindi pa rin ako maka-get-over sa kagwapuhan niya sa malapitan.
Ang tangos ng ilong niya ang sa ngayo'y humahalik ng aking ilong. Nakatingin rin siya sa 'kin na parang may gusto atang ipahiwatig.
Nanghihina ang tuhod ko't katawan sa bawat titig na nararamdaman ko.
Napaiwas na lang ako ng tingin ng maramdaman ko ang nginig sa likod ko. At nang naramdaman kong hahalik na siya ulit, umangat ako dahan-dahan para makuha ang matamis at mapulang cherry na first time ko ring naranasan.
Naramdaman ko ring gumapang ang kamay niya papunta sa kaseksihan ko at doon sa ginagamit ko para umupo. Tapos, hindi ko na naramdaman ang sariling mga paa ko sa lupa. Kinarga niya ko? Sweet. Nakapikit kong tinanggap ang pagbitiw ng aming mga halik habang nararamdaman ko ang mga halik na ito papunta sa likod ko. Napasinghap ako nang maranasan ko ang medyo masakit pero masarap na pakiramdam sa leeg ko. Nararamdaman ko rin ang pagpatong ko sa ulo, sa loob ng pantalon niya.
Napadilat ako konti sa kalasingan ng pakiramdam ko. Nagtataka ako kung bakit siya huminto. Gusto ko na tuloy siya lalo. Ang isip ko lumilipad pero wala akong iniisip. 'Yan ang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung ano gagawin namin. Ngayon lang kami nito nagkita. Hindi ko nga alam ang pangalan niya. Nawalan ako ng lakas ng nagkita kami. Kasi, parang langit at lupa ang distansya namin. Pero ngayon, damit na lang ang naghihiwalay sa 'min.
Gusto ko siya ang kumuha nito...
Paano 'yan, malalaman niya na v-virgin pa ako?
Pero nasa harapan na kami ng puting pintuan ng kwarto niya. Nilunok ko lahat ng hiya, takot at kabang bumabagabag sa aking uliran na nagpapawis sa aking buong katawan.
May bigla akong naalala na nagpaiyak sa akin sabay yakap sa kaniya.
"A-ano.... H-hindi p-pa a-ako h-handa." Successful ko ring nasabi ang lahat.
"Virgin ka...tama?"
T-tama. Ang galing niya...
"U-uhm." Tumango ako at lalong nagsidaluyan 'yung luha ko na parang batis sa bilis.
"Tahan na.....may alam akong paraan kung okay lang sayo?"
"H-ha?"
"Ano kaya kung ibigay mo sa 'kin? Ano sa tingin mo? Iingatan kita, pangako."
Iingatan niya ko...
Ako?
Sa totoo lang...
"Humawak ka ng mabuti" sabi niya na agad kong sinunod.
Napahawak ako sa batok niya na parang ang buhay ko nakadepende run.
Napayakap pa ako sa leeg niya at napakapit pa sa likod ng buhok niya. Ang bango niya...
Hindi ko naramdaman ang paggalaw niya, nasa loob na pala kami ng kwarto. Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama. Ang lambot ng kama, masarap sa pakiramdaman.
"Ah..."
Napapikit ako sa sarap. W-woah, mapapakanta ako ng california king bed.
Nagising na lang ako ng nakita ko ng naghuhubad siya ng suit kaya naka puting t-shirt na lang siya. Hinubad niya na rin ng mabilisan ito kaya may nagpakita na sa akin na mga tinapay na natatago sa loob nun. Gaya nga ng inimagin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wanted: Submissive Girlfriend (Completed)
DragosteNapalunok ako ng laway. Ang laki pala talaga ng Clifford's Hotel. Ilang palapag kaya ang meron dito? Talaga bang nasa Pilipinas ang hotel na'to? Bakit ba ako nandito? Simple lang. I am invited to see him in person. Yes, to see the renowned business...