𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑

6 0 0
                                    

ALZEN.

"Does number 2..."

John.

Anak ng pusang galang alaga ni Magellan! Nakakap*ta na. Sino ba talaga ang g*gong John na iyon?!

If he's trying to pull me down just by using his fvcking tricks on me then just let the dogs lie. Makikipag-laro ako kung iyon ang gusto niya.

"Mr. Austin?"

Ano bang kinalaman ko sa kanya? Kay mama? Bakit pati yung nangyari noon, lalo na yung kay mama, alam niya? Anong koneksyon niya sa pamilya ko? Sakin? Lalo na sa pagkamatay ni mama.

"Mr. Austin?!"

Crap! Kailangan ko siyang makikilala. Lahat gagawin ko parang makilala siya. Alam kong may kinalaman siya sa pagkamatay ni mama. Kilala niya kung sino ang pumatay kay mama. Hindi ko lang siya dapat makilala, dapat ko siyang kilalanin.

"Alzen!" Bumalik lang ako sa kasalukuyan ng biglang isigaw ni Sir Xielvan ang pangalan ko. Mukha siyang galit. Kanina pa ba niya ako tinatawag?

"Sir?" tanong ko.

"Kanina pa ako tawag ng tawag sa pangalan mo pero mukhang hindi ka nakikinig? Gaano ba kalalim ang iniisip mo at mukhang hindi ka makaahon? O baka naman, gaano ba kalayo iyan at hindi ka na makabalik?" Napakunot nalang ako ng noo. Tinitigan ko ang mga kaklase ko at binalik ulit ang tingin kay Sir Xielvan. Ano bang isasagot ko sa matandang 'to?

"Wala kang balak sumagot?" Hindi ako kumibo dahilan para mamula siya at napahawak sa kanyang noo.

Mukhang alam ko na ang ending ng palabas na 'to.

"LABAS!" Agad akong napatayo ng sumigaw siya. At dahil dakilang mapang-asar ako, ngumisi ako na para bang masaya pa ako sa mga nangyayari.

"Thanks Sir." Pang-aasar ko.

Natatawa akong lumabas habang iniisip yung nanggagalaiting itsura niya ngayon. Ang saya lang talagang mang-asar ngayong araw. Pero sa totoo lang, para lang talaga iyon di ako magmukhang kawawa.

Buhay nga naman.

Dumiretso ako sa canteen at agad na naghanap ng pwedeng pwestuhan. Wala naman akong balak bumili ng kung ano, wala akong gana.

Habang nakatingin sa labas, isang hindi pamilyar na mukha ang nakita kong nagtungo sa direksyon na pinanggalingan ko.

Hindi naman siya ganon katanda, nasa mga late 30's ang itsura, matangkad at parang businessman sa suot niya. Bago ba siya dito? Kilala ko at alam ko lahat ng itsura ng mga taong nasa loob ng Leighton Academy, isa na rin siguro iyon sa mga advantage ng photograpic memory ko, kaya hindi ako pwedeng magkamali na ngayon ko lang siya nakita dito.

Sigurado akong hindi ko pa siyang nakikita, kahit na sa litrato lang, pero pakiramdam ko kilala ko siya hindi lang kilala, kilalang kilala.

Teka nga, bakit ko ba pinoproblema ang pagkakakilanlan ng mga tao ngayon? Ano bang mapapala ko kung makilala ko man sila? Wala rin naman. Isa pa, kailangan ko pang alamin kung sino ba talaga si John na hanggang ngayon ay ginugulo ako. Konti na lang talaga, iisipin ko ng isa siya sa mga bading na patay na patay sakin at nagkukunwari lang na lalaki para hindi ko mahalata.

Bigla ko na lang naramdaman na may isang mabalahibong bagay ang dumidikit ngayon sa mga paa ko. Agad kong tinignan kung ano iyon, isang pusa.

Itim na itim na pusa. May nakasabit pang kwintas sa leeg niya na may isang bell na maliit at tatlong letrang magkakadikit.

Eisenhower University: Welcome to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon