It was already past midnight, 1 am to be exact. The hell! Hindi ako makatulog. Gusto ng matulog ng utak ko pero gising na gising ang mga mata ko.
Pinako ko ang tingin ko sa kisame baka sakaling may nakasulat doon na dahilan para makatulog ako ngayon. 7 ang klase ko pero anong oras na gising pa rin ako. Crap!
Kahit alam ko na ang resulta, muli kong pinikit ang mga mata ko baka sakaling mag-iba ang ihip ng hangim at patulugin ako. Naihagis ko sa inis 'yong unan na nasa tabi ko.
Damn this Insomnia!
Nakuha ang atensyon ko ng mga kurtinang patuloy na nakikisayaw sa hangin na di kalayuan sa kinaroroonan ko. Para akong nasa isang horror film kung papanoorin mo ang mga nangyayari. Crap! Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko dahil lang sa pag-iisip kung paano makakatulog sa ganitong sitwasyon.
Dahil sa inis dahil hindi ako makatulog ay umupo ako at tinapon ang natitirang unan sa tabi ko sa sahig. Fvck! Napahilamos na lang ako ng mukha. Dahil sa alam kong hindi na ako makakatulog pa kahit anong gawin, gagawin ko na lang ang bagay na palagi kong ginagawa sa tuwing sumusumpong ang p*nyeta kong insomnia.
Mabilis akong naligo at nagsuot ng isang black fitted na pantalon, isang pulang hoodie at itim na t-shirt panloob. Agad akong nagtungo sa pinto ng maiayos ko na ang sarili ko. Huli kong nilingon si Lare, siya yung isa pang g*gong kasama ko, na sarap na sarap sa tulog. Hindi naman siya mukhang magigising.
Ibinulsa ko ang dalawang kamay ko side pockets ng hoodie na suot ko habanh tinatahak ang daan palabas ng dorm. Tulog na tulog ang lahat pero ito ako ngayon, naglalakad sa pagitan ng mga pinto ng kwarto nila. Iniyuko ko ang ulo ko habang blankong nakatitig sa sahig at patuloy na naglalakad at mabalis na narating ko ang hagdan pababa ng dorm. Unang sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin. Tahimik akong nagtungo ng soccer field ng LA at umupo sa isa sa mga bench na pirming nakatayo don. Sinandal ko ang likod ko sa lamig ng bakal nito dahilan para lalong lumamig ang pakiramdam ko.
How I love this scene. Darkness.
I don't know how but one day I just found myself considering darkness as my comfort zone and only companion. I love doing things in the dark. It is my world.
I have nothing to see but darkness. All I can hear is the blowing wind running through my face. I stared at the night sky for a moment. The stars, the moon and the darkness of everything. Perfectly combined to create a separate world for me.
Matagal rin bago ko naisipang bumalik na sa dorm. May iilang ilaw na rin ang nakasindi na agad mong mapapansin dahil lumuliwanag ang kanilang mga pinto, may iilan na rin pala ang gising pero halos ay mga nakapatay pa ang ilaw ibig sabihin, mga tulog pa.
It's 3:30 to be exact. Hindi ko alam kung masyado pa bang maaga para maghanda sa klase ko. Agad kong binuksan ang pinto ng unit ko ng makarating ako doon. Agad kong napansin pagkapasok pa lang ang lalaking mukhang nag-uunat pa habang naka-upo sa kama niya. Kinusot niya agad ang mga mata niya ng mapansing galing ako sa labas.
Hindi na niya kailangang magtanong pa dahil alam na dun naman niya ang dahilan kung bakit ako galing sa labas. Madalas akong ganito kada huling linggo ng bawat buwan. Oo, maniwala kayo at sa hindi, may schedule ang p*nyeta kong insomnia. Hindi ko na maalala paano 'to nagsimula, basta nangyari na lang. Pero, hindi naman ibig sabihin wala na 'kong tulog sa buong linggo. Dumarating pa rin naman talaga sa puntong nakakatulog ako pero sandali lang din at 'yon ang nakakainis 'don. Pakiramdam ko talaga umiksi na ang buhay ko dahil sa sakit na 'to.
Inihagis ko ang sarili ko sa kama ko at blankong tinitigan ang kisame. Crush ko na ata 'yung kisame, pansin ko madalas kong titigan eh.
'Mom' bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Eisenhower University: Welcome to Hell
Tajemnica / ThrillerWhat if you discover that your greatest wish is one of your greatest fear? How will you cope if you stepped your soul in a total catastrophe? Will you choose to be one of Eisenhower's? If yes, then welcome to your own hell.