𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒

2 0 0
                                    

❝ I don't know what's the right thing to estimate this time. Maybe my neurons are malfunctioning. My brain is totally empty. A total factory shutdown. I want to understand something still I'm trying to recall everything. ❞

Ano nga ba ang totoong nangyari? Sino ang totoong nandon? Sino ang dapat pagkatiwalaan?

Nilingon ko yung dalawang sarap na sarap sa tulog. Hindi na kami gumamit ng divider. Hindi na rin naman kami bago sa isa't isa. Huminga ko ng malalim tsaka naisipang lumabas ng balcony. Hindi pwede dito ang lumabas sa mga kwarto pagdating ng 11:00 pm kundi detention ang kapalit.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Di tulad sa Leighton, maliwanag dito tuwing gabi. Nakasindi lahat ng poste sa bawat kanto kaya kitang kita mo kung may tao ba o wala. Pero may isang bagay na hindi ko maintindihan na nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang buong paligid.

Parang may mali. Parang may hindi tama.

"Gising ka na pala," lumingon ako sa direksyon ni Jerick na halatang kagigising lang. Sumandal siya sa may balcony katabi ko. "Ang ganda noh? Ang perpekto ng lahat. Kaya lang may kulang pa rin para sa kanya."

Hindi ko maiwasang magtaka sa sinabi niya.

Magsasalita na sana ako ng magsalita siya, "Naschool-sick ata ako." Natawa siya ng konti sa sinabi niya pero hindi ko talaga maiwasang hindi magtaka.

"Kanina..." hindi ako sigurado kung tama pa bang malaman nila to, panigurado namang aarangkada agad ang pagiging g*go nito pag sinabi ko pa. "May nakita akong sulat sa tabi ng kama ko."

Lumingon siya sa direksyon ko na nagtatanong ang mga mata. "Welcome to hell?"

Agad akong lumingon sa kanya, "Paano mo nalaman?"

Umiwas siya ng tingin sakin saka tumingin sa malayo.

Kinalma ko ang sarili ko para maging maayos ang lahat.

Ilang minuto ring ganon ang set-up. Walang may gustong magsalita.

"Bakit ba may mga taong tinuturing na impyerno ang EU? Kung titignan mo naman, wala naman itong pinagbago sa iba. Kung meron man, masyado lang siguro itong mayaman. Lame reason to treat as different."

"Ano nga bang meron?"

Hinintay ko ang sagot niya pero tulad kanina katahimikan ulit ang bumalot samin.

Huminga muna siya ng malalim bago umalis sa tabi ko. Ibang klase rin ang taong yon. Matino man o hindi, hindi ko makausap ng maayos.

Pinagmasdan ko na lang ang buong paligid dahil wala na rin akong balak matulog pa. Huwag nga lang sana akong aantukin mamaya dahil baka makatay ko yung pusang galang alaga ni Magellan.

"Excited na ba kayo?" Tanong ni Lare habang naglalakad kami sa hallway palabas ng dorm namin.

"Hindi/Nah."

"Ako excited. Maraming sisiw panigurado." Sabay naming sinapok ni Jerick yung ug*k na saktong pagkarating namin sa hagdan. Buti na lang nabalance niya yung sarili niya kundi pinaglalamayan na siya ng angkan niya ngayon.

Tahimik lang kaming naglalakad habang pinagmamasdan namin yung ibang mga estudyante. Tama si Jerick, normal lang ang lahat kung titignan pero kung susuriin mo, may kakaiba.

White polo, neck tie, black vest at black pants ang uniform ng mga lalaki. White blouse, neck tie, black vest at black skirt na may iba't ibang haba ang sa mga babae. Dahil rin siguro pumapasok lang kami dito dahil sa program, grey ang vest namin hindi black. Para na rin siguro madaling makita kung sino ang mga Eisenhower's talaga mula samin.

Eisenhower University: Welcome to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon