𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐

12 0 0
                                    

Tahimik akong nagsusulat at sumasagot ng assignment sa kama ko ng biglang bumukas ang pinto. What the fvck!

Halos maitapon ko 'yung notebook na hawak ko ng bumungad sa'kin si Lare na may pasan pasang babaeng mukhang lasing sa likuran niya. Taka akong tumingin sa kanya.

"117th." Sambit niya pero walang boses.

What the! Paano niya napasok iyan dito?! Anak ng pusang galang alaga ni Magellan! Kapag kami nahuli dito na nagpasok ng babae, ipapatapon ko to kung saan nawala ang MH370 at ng hindi na makita.

"C'mon babe, I'm tired. Pagaanin mo ang pakiramdam ko." Halos mangilabot ako sa nakikita ko. Oo, madalas madalas magdala si Lare ng babae dito pero hindi 'yung ganito. Pvtangina! Sabihin niyong mali ang iniisip ko.

Pinanood ko sila habang paakyat ng hagdan at kapit na kapit pa rin sa kanya yung babaeng buhat niya. Fvck! Hindi ba nila naisip na may kasama sila?!

Maya-maya pa biglang tumahimik. Buti naman at naisip pa nila ako. At ng masiguro kong wala ng ingay, tinuloy ko na ang pagsagot at hindi na sila pinansin. Tahimik akong nagsusulat ng may isang bagay ang hindi ko inaasahang mahulog sa sinusulatan ko. Stripe.

Natulala ako bigla. The hell! Aaminin ko, f-first time kong makakita nito sa mismong harap ko. Nakakakita naman ako nito sa palabas pero iba pa rin pala kapag sa personal.

Nakarinig ako ng malanding tawa mula sa taas. Ang bilis ng tibok ng puso ko, pinagpapawisan rin ako. Fvck this shit!

Hindi ko alam ang gagawin ko kung sisigaw ba ako at pagsasabihan yung dalawa o aakyat ako at ipagsawalang bahala kung ano man ang ginagawa nila doon at ibalik to sa kanila o lalabas na lang ako at hintayin silang matapos?

Hindi ko alam kung paano hahawakan yung bra na nakapatong ngayon sa notebook ko. Putcha naman kasi! Bakit kailangan pang magkalat?! Hinawakan ko yung ibabang magkabilang bahagi nung notebook at binuhat ito at inihulog sa sahig yung kung ano mang nakapatong doon. Bahala silang magpulot niyan. Tahimik pa rin naman sa buong kwarto at walang ingay kaya agad ko nang tinapos yung ginagawa ko. May awa pa naman pala sila sa'kin.

Tinignan ko 'yung digital clock sa tabi ng kama ko, 7:57 pm. Huminga muna ako ng malalim bago inilatag ang sarili ko sa kama.

Ano na kayang nangyayari dun sa dalawa sa taas? Wait- what?! Bakit ko ba iniisip yun? Haist! Nevermind.

Pinikit ko ang mata ko nagbabakasakaling bumigat ito at makatulog ako kahit papaano. Ilang minuto lang, nagbago ang paligid.

I know this place.

I will never forget this place. Garden. Maraming tao sa paligid, halos ay mga mag-asawa na may mga kanya-kanyang baso ng wine sa isang kamay galing sa waiter na umiikot sa buong lugar. Nilingon ko ang malapad na pintong bukas na bukas at handang tumanggap ng sino mang bisita sa harap ko. Nakita ko sa loob ang mga kuya ko na kinukuhanan ng mga litrato kasama ang iba't ibang mga tao na naka suit. Pagkapasok ko ay agad na nakapag-pangiti sa'kin ang mga titig niyang halata ang saya. Binaba niya ang tingin niya sa kahong hawak ko. It was a gift, probably this is my gift for her coz' ... it's her birthday. Nginitian ko siya at naglakad palapit sa kanya.

"Happy birthday Mom." Sambit ko ng maiabot sa kanya ang regalo ko. Muli kong nasilayan ang ngiting sa kanya ko lang nakikita.

"Thanks Alexander." Niyakap ko siya ng mahigpit. Yakap na gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hinawakan ko ang mukha niya ng kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya.

"I love you so much, Mom." Sambit ko na lalong nakapagpangiti sa kanya. I love seeing her smile.

"I love you too, Alexander." Hinalikan ko siya sa noo at inakbayan habang sabay na pinapanood ang mga iba't ibang tao na nakikipag-usap sa mga kaibigan nila at kakilala pati rin ang ibang palakad lakad na tila may hinahanap.

Eisenhower University: Welcome to HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon