Chapter 1 : Expelled
"Hindi lahat nang nakakasalamuha mo sa mundong ito ay tao, Malay mo katabi mo pala ay isang aswang, manananggal, Engkanto o Bampira. Malay nyo Isa pala ko sa mga sinabi ko sainyo, kidding.. Dahil lahat ng mga yan ay sumusunod na sa Uso. Malay nyo, friend nyo pala sila sa Facebook. Ka Instagram nyo o Katweeter nyo. Kaya wag kayong magtitiwala sa kahit na sino na nakilala nyo palang thru internet. Magtiwala lang kayo sa sarili nyo" Sabi ni Mam castro
Sabay nag ring ang bell. Uwian na. As always laging gantong oras na kame umuuwi. 6pm. Dadaan pa pala ako sa palengke para bumili ng ulam para samin ni Mama.
Malapit lang naman yung Palengke sa school. Tapos magtatrycycle nalang ako papuntang bahay para mailuto ko na.
Pag dating ko nang palengke ay pumunta ako sa suki ni mama
"Aling nena pagbilan nga po ng sitaw. Isang tali po"
Pag kaabot sakin nang sitaw ay ibinigay ko ang bayad. Sabi ni mama sakin na sitaw nalang ang bilhin ko dahil may baboy naman sa bahay kaya mabili ako makakauwi ngayon
Pag dating ko ng bahay nakita ko si mama nagpapatak ng eye drop nya.
"Ma? Masakit nanaman mata mo? "
Mukhang nagulat ko si mama.
"O-oo anak eh. O sya ilagay mo na yan sa kusina at magluluto tayo."
Hindi naman kami ganon kayaman. Pero nakakaangat kame ng kaunti sa araw araw. Hindi kalakihan ang bahay namin. Meroong Dalawang palapag Ang bahay namin. Dalawa ang kwarto sa taas ang isa saakin at Ang isa kay Mama.
Kaming dalawa nalang ni Mama Ang magkasama sa buhay. Si papa hindi ko sya nakilala. Wala din akong pinsan. Wala din akong kapatid, Lungkot no? Hahaha pero sanay nako. Sixteen Years Off existence in this world hindi paba ako masasanay na kame lang ni mama?
Nagsimula nang magluto si mama nang ulam namin, ako naman ay nag saing nalang,marunong din naman akong magluto dahil tinuruan nako ni mama pero mas masarap padin syang magluto haha favorite nya nga yung ulam namin ngayon eh,Adobong Sitaw...
Hindi Ko na tinatanong si mama about kay papa,baka malungkot lang si mama eh
****
Nagreready na akong pumasok ng school pag tingin ko sa wall clock ko.. Geezz.. Mag seseven na!
Dali dali akong bumaba, kinuha ko nalang sa lamesa yung hinanda ni mama na tuna sandwich
"Mama! Alis na po ako! "
Wala akong makitang Trycycle kaya tinakbo ko nalang yung school malapit lang naman kase sa labas lang ng village namin pero pag gabi nag tatrycycle ako sabi kase ni mama delikado na ang panahon ngayon kaya kailangan mag ingat.
Pagpasok ko nang room wala pa ang first teacher ko hays peew.
"Buti wala pa si ma'am Sanchez? "
"Anong wala? Late ka na nga eh! May emergency meeting lang kaya wala sya ngayon"
Owwww. So Im really Late!
Napatingin kaming lahat ng kumatok ang SSG President.
"Excuse Me For Ms.Domingo"
Why me?
"Hala ka demi! Yan kase late ka! "
Loko to ah.
Sumunod naman ako sa office hala! Baka iexpelled ako! Waaaah i dont want! Mayayari ako kay mama
![](https://img.wattpad.com/cover/80675956-288-k889093.jpg)
BINABASA MO ANG
In This Bloody World
VampirgeschichtenShe's just a ordinary Girl that wants a peaceful world. pero nang nalaman nya ang totoo nyang katauhan hindi na matahimik ang kanyang mundo. lalo na nang nakapasok sya sa Academy na ito. matatanggap nya kaya kung ano Sya?. [SLOW UPDATE]