Chapter 7

2 0 0
                                    

Chapter 7

KM's POV

Naglalakad kami ni kyle ngayun sa kwarto ni aldwin, pero nung malapit na kami sa kwarto nya natanaw ko si aldwin.

"Aldwin ! Bes ! Bes ! Anung ginagawa mo dito ? Bakit nasa labas ka. Pumasok ka sa loob"

"Km"

niyakap nya ako.

Tinignan ko si kyle ng tingin na "pwede ba ?"

tumango naman sya kaya niyakap ko pabalik si aldwin.

"Ehem"

tapos ay sumingit sa gitna namin ni aldwin si kyle.

Kaya ang resulta, si kyle na yung niyayakap ko ngayun.

Haha, di nako umangal :3

Kyle's POV

Pagkatapos ko sumingit kila km tsaka dun sa angas, pumasok na kami dun sa kwarto ni angas.

Nabwibwisit parin talaga ako sa angas na to.

Habang nag uusap sila ni km at habang pinagbabalat sya ng prutas ni km masamang nakatingin ako sa kanya, sana pala ako nalang yung nagbalat ng prutas para imbis na yung prutas yung babalatan ko sya yung babalatan ko -___-

"Km ang sakit ng katawan ko"

"Huh ? Teka sandali tatawagin ko yung doctor--"

"Hindi wag na ! Hindi naman yung doctor yung kailangan ko eh"

"Eh ?"

"Ikaw ang kailangan ko"

sabi nya sabay tingin sakin ng mapang asar.

ASDFGHJKL !!!!

Inaasar talaga ako ng hinayupak na to eh !! -_________-

"Ah ! Ang sakit !"

"Oh kyle anung nangyari sayo ?"

sabay lapit sakin ni km.

"Ang sakit ng ano ko.."

"Huh ? Anung ano ? Anung masakit sayo ?"

Pinalapit ko sya pero hindi bastang lapit yung tipong sobrang lapit.

"Eh ? Kyle."

"Ang sakit ng lips ko, halikan mo nga"

"Huh ? Eh nasa--"

*tsup*

"Sarap"

sabay tingin ko kay angas ng mapang asar na ngiti.

Akala mo hah. Akin lang si km.

"Km, gusto ko ng apple"

Wew. Epal.

"Sige ipaghihiwa kita"

"Salamat"

Sabay ngiti nya kay km.

Akala mo gwapo ngiting aso naman.

Pagkatapos maghiwa ni km binigay na nya kay aldwin yung hiniwa nyang mansanas. Sana pala ako nalang yung naghiwa para imbis na yung mansanas yung hihiwain ko, yung pagmumukha nya yung hihiwain ko, cha-chop chopin ko pa para masaya. *evil laugh*

"Boys, lalabas muna ako bibili lang ako ng pagkain natin"

sabi ni km then lumabas na sya.

Natahimik ang buong kwarto.

"Hoy" sabi ko dun sa angas, ako na yung nagbasag ng katahimikan. Nakakahiya naman eh.

Tumingin naman sya sakin.

Officially Her Right Guy(MRG Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon