Discrete World| 3

416 19 0
                                    

Nakita ko si Theo na nakatayo sa may gate ng Garden, kausap niya ang babaeng nakita ko kanina na may kausap sa Phone.

Lumingon siya sa may garden at Nakita niya ako. Nagulat siya at sabay takbo papalapit saakin ngunit bago man niya ako maabutan, Biglang nagbago ang paligid at bumalik sa dati. Tumayo ako sa pagkakahiga at hinanap si Theo. Andun parin siya sa may gilid tinitignan ang mga dinisect na animal sa loob ng mga bote.

Lumingon siya saakin, At napatingin sa hawak kong maliit na switch. Nilapitan niya ako at sabay kuha saakin ng switch "San moto Napulot?8Tanong niya.

"Dito lang sa lapag." Sagot ko at sabay ibinulsa niya. "Sayo yan?" Tumango lang siya saakin at umalis na kami saka dumeresto sa room.

Hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko kanina, umupo kaagad kami sa aming assigned seats, halos lahat ng kaklase namin andon na mabuti nalang wala pa si Ma'am.

Pagkatapos ng 3 subject, lunch time na. Hindi pa ako nakakatayo sa kinauupuan ko, naglapag na si Theo ng kanyang baon sa aking lamesa.

At nagsimula na siyang kumain sa harapan ko, ang ginawa ko lang tinitignan ko siyang kumakain. Bigla siyang huminto sa pagsubo, sumandok siya ng kanin at nilagyan ng ulam sabay subo sa akin.

"Alam kong gutom ka, oh kumain kana baka lamunin mo pa baon ko" ngisi niya habang pinipilit akong subuan. "Ay wow, may pera ako ser may pambili ako." sabay tayo at lumabas ng room.

"Tss! Cheska saglit saan ka pupunta sorry na!" Bago ako makalayo, alam kong susundan niya ako. Kaya hindi ako nag anlinlangan umalis sa room.

Nakaupo ako ngaun ko ngayon kung saan ako palaging nakatambay SA rooftop.

Andon siya sa may pintuan, hingal na hingal kakatakbo. At agad siyang lumapit saakin at tumabi.

Nakatingin lang ako sa langit, at nagpapasalamat ako dahil may naging kaibigan na ako sa wakas, pero hindi ko parin maintindihan kung bakit ako pa ang pinili niyang maging kaibigan.

Ang raming magaganda, famous, at matatangkad dyan, bakit ako pa? Hays. Bigla ako bumalik sa pagiisip ng biglang kilitiin ako ni Theo.

"Theo, bakit ako?" Tanong ko habang hinahawi ko ang aking buhok at naktingin lamang ako sa lapag.

Nakakunot ang kaniyang kilay nang tanungin ko siya, "Anong baket?" Tsaka tumawa. Bumaba siya sa bubong at pagkababa niya ay pinagmasdan niya ang view ng school, makikita rin dito ang bayan.

"Kase, simple ka lang. "

Biglang humangin ng malakas, at hinyaan lamang namin yon. Bumaba narin ako at tumabi sa kanya. Napalingon siya saakin nang mapansin nasa tabi niya ako.

Hanggang Leeg lang kasi niya ako kay hindi niya ako kaagad napansin. Pinatong niya ang kamay niya sa aking ulo at sinimulang guluhin ang buhok ko.

"Ayan ang ganda mo na cheska," Inirapan ko siya nang sabihin niya yon."To naman joke lang, oo aayusin ko." pinaharap niya ako sa harapan niya at inayos ang aking buhok, at ganon parin ang mukha ko nakairap habang inaayos. "Alam mo ang ingay mo, at pasaway" Nakangiti lang siya. "Pasensya na, ngayon ko lang kasi naransan na makihalubiho sa mga babae." Nagulat ako da sinabi so ibig sabihin niya wala siyang naging kaibigan na babae.

Tinanong ko siya, "Wala kabang nagibg kaibigang babae?" Tumango siya at saka bumulong "Ikaw lang"

tumawa lang ako at pinalo siya sa braso, "Nanloloko ka eh! Balik na tayo tapos na recess" Nang bumalik kami sa room. Walang tao sa loob pero andoon ang mga bag ng nga kaklase namin.

"Nakapagtataka" Lumapit ang adviser namin at biglaan kaming hilahin pababa. "Bumaba kayo, may lindol daw! ." sabi saamin ni Ma'am. At ayon nasa labas pala ang kahat ng estyudyante maliban saamin.

"Sabi na nga ba eh may lindol,"

Narinig kong sabi ni Theo. Kinalabit ko siya " paano mo nasabi?" Seryoso lang ang mukha niya. "Cheska, umuwi ka sa bahay.. ang mama mo."

"Ano meron kay mama." Tanong ko kaagad sa kanya." Hindi na siya nagsalita. Pagkalabas ko ng school lahat ng mga tao ay nagtatakbuhan, lahat ng mga poste ay nagsisibagsakan"

Ang aking dinadaanan ay malapit nang masira o matunaw ang hangin ay malakas, Ang mga buhawi ay papalapit na sa syudad.

Pagkauwi ko sabay, nakahiga si mama kandong siya ang aming bahay at naroon si kuya na sugatan at naakahimlay sa may gate namin.

Hindi maari ito. At bigla nalang gumuho sa aking harapan ang aming bahay. Pumikit lamang ako.




Discrete World. [BTS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon