Discrete World| 17

32 1 0
                                    

Hello it's good to back! I'm sorry if I got you all cliffhanged for so long but this month of vacation i'll do all my best to finish this story! And thanks for non stop supporting!
------

And I was really tired kaya humiga kaagad ako sa aking kama pagkauwi ko galing kila anne. Grabe pala kapag buong araw nakipag laro ka nakakakpagod shems.  Pagkatapos kasi namin mag truth or dare kila Anne nagbandminton kami sa court ng kanilang subdivision hanggang hapon na yun so wala talagang pahinga.

And then pumasok si kuya sa kwarto. "HOY bat ngaun ka lang umuwi gabi na ah" sermon nito habang umuusok ang mga ilong nito dahil sa galit. Wala akong magawa kundi hindi nalang pakinggan ang kanyang sinasabi dahil sinasabi ng aking utak at katawan ay kailangan kona matulog kaya't tinulugan ko ang sermon ni kuya.

Kinaumagahan nakatanggap ako ng text galing kay anne.  Sabi niya aalis daw sila ngayong araw kaya't walang tao sa kanila.
At dahil wala ngang pasok at wala si anne hindi muna ako gumala.  Inubos ko ang buong araw sa panonood ng Kdrama dahil isa ito sa nagbibigay ng saya saakin sa tuwing nakakaramdam ako ng kalungkutan.

Sa kalagitnaan ng episode na pinapanood ko biglang namatay ang TV at inakalang nagbrownout ngunit nang ako'y lumingon hawak ni kuya ang remote. Sinabunutan ko ito dahil sa tindi ng aking pagkadismaya. Malapit na kasing Magyakapan ang dalawang ship ko sa kdrama na iyon mauudlot pa!

"hoy kuya ano ba alam mo ang epal mo talaga masyado noh?" tinaasan ko ng kilay at tumayo ako sa pagkakaupo sabay kuha ng remote at agad na binuksan ang TV. Hindi kona pinatagal ang aming away dahil mas mahalaga ang kdrama na pinapanood ko.

After that hug scene, pumunta ako ng kusina para kumuha ng ilang foods para mas maganda ang experience while watching your favorite series with kutkutin!

Nang papunta na ako sa sala ulit, nakita ko si kuya na nakahiga na sa inuupuan ko at nilipat sa Nba Channel. Biglang uminit ang dugo kaya sinugod ko siya at ibinaba ko muna sa lamesa ang kinuhang chichiria at dahandahan akong lumapit sa likod ng upuan. Nung tinignan ko ang mukha nito mukhang seryoso sa panood.

Nang biglang " WAHHHHHHH!" ginulat ko siya ng sobra at naging success naman ito napasigaw siya sa sobrang gulat.

"Pot***ngina! Kang bata ka!" tawang tawa ako sa reaksyon niya at muntikan na ako maiyak sa sobrang panget ng mukha niya.

"Yan ang napapala ng mga taong epal" bumalik ako sa kusina at kinuha ang chichiria at sabay tabi kay kuya. "Oh siya sige makikinood na ako sa kdrama mo" sobrang tuwa ko nang pinayagan niya akong manood ng kdrama pero natuwa narin ako dahil first time namin magkasama na nanonood. Ever since nung maliit pa lamang kami lagi nalang siya sa kwarto at laging wala kaya kahit minsan wala kaming nabuong good memories as mag kuya.

"Oppa, oppa... Naneun bogeoshippeoyeo.."

"Nado.."

Napatingin ako kay kuya dahil kanina ko pa naririnig ang panay singhot niya ng sipon. Yun pala naiiyak na. Inasar ko nanaman siya.

"Uy si kuya naiiyak" habang nakaturo sa kaniya with mocky face. Tapos tumingin siya sa damit ko "oh ano tinitingin mo diyan?" sabay singa ng sipon sa aking damit bigla ko siyang tinulak.

"ewwwww! Omg kuya ang kadirri mooo!" bigla akong umakyat para magpalit kaagad. "Hahahahahha" habang nasa kwarto ako naririnig ko siyang tinatawanan ako argh! Nakakainis.

**

Discrete World. [BTS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon