Discrete World| 6

337 13 4
                                    

Guys sorry kase medyo hindi na ako nakakaupdate, and sorry kase medyo maikli na ang bawat chapters. Kailangan kona kasi itong tapusin sayang naman kung iunpublish ko since may nagbabasa pa and please enjoy reading!
~*~

"This heart only beats for you." bumilis nanaman ang tibok ko nang sabihin niya iyon saakin. At hindi ako makapaniwala na may nagmamahal saakin ng ganito.

Dahang dahang bumibilis ang tibok ni theo, napatingin siya saakin. "Gusto mo ba ako makilala?" tanong nito habang nakatitig saakin. Napayuko na lamang ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Ramdam kona rin ang init ng aking mukha.

Hinawakan niya ang baba ko dahang inangat. "Bakit ka nakayuko nahihiya kaba?"habang pinapakinggan ang kanyang malalim na boses napapikit lamang ako.

"Theo, hindi ko Alam ang nararamdaman ko ngayon Para bang ang bilis naman.," saad ko at muling ibinalik ang tingin sa kanya. "Chesca, I'm from the future." natawa ako sa sinabi niya "woah, ako ba niloloko mo?" sagot ko habang tawang tawa parin sa sinabi niya.

may kinuha siya sa bulsa, at pinakita saakin ang switch, "itong device na ito ay ginawa ko at dahil sa bagay na ito nakakatravel ako." Natahimik ako habang sinasabi niya ang tungkol sa bagay na iyon at naalala ko ang nangyare saakin nang matapakan ko ang switch na iyon.

"So future na pala ung napuntahan ko."

Muli ako nakinig sa kanya at nagulat ako sa sinabi niya."Nung unang gamit ko nito, ikaw ang una kong nakita hanggang sa di ako nagalinlangan na pumasok sa school mo para makasama ka."

Nacurious ako kung bakit nagustuhan niya tinanong ko ulit sya."bakit nga ba ako?"
Kilala na kita since bata kapa." lalo akong nacurious nung sinabi niya iyon.
"Ako ung tinulungan mo noon, ung nakilala mong lalaki na muntikan na masagsaan, un ung time na una ko tong ginamit'"

Biglang nagflashback saakin ang time na nagkakilala kami.

/Flashback/
(Chesca POV)
Naglalakad ako sa gilid ng kalasada nang biglang may lumitaw na isang binata sa harap ng kalsada para bang nahulog siya sa langit.

"Hala KUYA!"

Hinatak ko siya at pareho kaming natumba sa lapag at buti hindi siya nasagasaan ng padaan na bus. Tumingin ang lalaki saakin.

"Salamat bata."

/Flashback ends/

Bumalik ako sa tamang pagiisip ng gulatin niya ako. Nahampas ko tuloy siya at natawa lang ito matapos kong gawin iyon sa kanya.
Tss. Pagkatapos niyang tumawa bigla itong nagseryoso.

"Naalala muna?." Tanong niya saakin habang nakatitig ito sa aking mata,kumakabog ang dibdib ko, nanginginig ang aking buong katawan. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba siya o hindi.

"Oo..o" nauutal kong sagot, nilipat niyaang kanyang ang tingin sa langit sabay humiga sa damuhan. Itinuro niya ang kanyang hintuturo sa buwan.

"Alam mo ba, sa mundo ko hindi mo makikita ang buwan dahil sa mundong iyon ay puno na ng technology. Lahat gawang tao. Gusto ko nga sana tumira na dito kaso, limitado ang pag stay ko rito." anya ni theo habang nakatingin sa kalangitan.

Napayuko ako at dahang dahang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko napansin na maraming luha na pala akong inilabas sa aking mga mata. Napansin ito ni Theo.

May binulsa siya sa kanyang short at sabay abot nito ng isang panyo. "Bakit ka umiiyak..?" tanong nito saakin.

"Kasi.. pwedeng bukas, ngayon mawawala kana sa tabi ko."

Discrete World. [BTS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon