Discrete World| 2

526 19 0
                                    

At ito na nga ang kinatatakutan ko, mga tanong na hindi ko masagot sagot. Hanggang sa halo halo na ang aking emosyon kapag pinapapunta ako sa office.

Huli akong pinalabas ni ma'am at kinausap ako nang mansinsinan.
"Cheska, May nangaaway ba sayo? Sabihin mo lang." Tanong ni ma'am habang nakatingin saakin ng seryoso.

"Wala po.."

Kumunot ang nuo ni Ma'am at sabay tingin sa kanyang recordbook. At balik tingin niya saakin.

"Kaso, iha tuwing period ko lagi ka nalng naka white tshirt at naka jogging pants,"

Nagsimula na ako pawisan sa tanong ni Ma'am lagi nalang kasi niya ito tinatanong, Wala narin akong maisip na sasabihin. Ung mga excuses ko paulit ulit nalang baka kasi mahalata na saakin si Ma'am.

Bigla niyang hinawakan ang braso ko. At pakita saakin ung pasa. "Ano to? May pasa ka.."Hindi ako umimik. At nagsinungaling na lamang.

"Nabanga lang po ako sa upuan kanina."

Pagkatapos nun ay dumeresto kami sa office, At ganun rin ang tinanong nila so, 4:30 ako lumabas ng room 5:10 na ako nakalabas ng school.

Madilim narin ang paligid. Kakaunti narin ang mga estyudyante. Pagkapunta ko sa gate andun si Theo may dala na bike at nakatayo. agad ko siyang nilapitan. Nang makita niya ako inayos niya ung bike at niyaya akong sumakay.

"OH, andito kana pala! Ang tagal mo hahahaha." Sabi niya, Nagawa pa tong mokong tumawa. Ang FC MASYADO!.Ngumiti lang ako at nakisabay sa sinabi niya.

"Ay! Hahaha sorry ha! Hindi ko naman sinabing intayin moko, nakakahiya!! Hahahahahaha"
Sabay pakita ng plastic na tawa. At ayun nauwi ako sa pagangkas sa kanya.

Tahimik siyang nagbabike habang ako naakward at tahimik. Maya maya ay nagsalita siya. "Matagal kana bang Binubully ng mga babaeng yon?" Biglaang tanong niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanginig ang aking katawan at nagsimula akong pawisan.

Wala kasing nakaka alam na binubully ako. Maliban sa mga iba kong kaklase na walang pake saakin.
Hindi ko siya sinagot at bumaba na ako sa may kanto.

Ngumiti siya at nagpaalam saakin "See you tomorrow."Ngumiti rin ako at saka nag babye biglang Kumunot ang Noo ko.Nung naka layo na siya Para bang ang weird niya, close agad kami ganon?!wala pa ngang isang buwan. At ayun nakauwi na ako sa bahay.

"Ma. Andito na po ako." Sagot ko kaagad nang makapasok ako sa sala namin. Hmmm~ nangangamoy ang nilulutong Adobo ni Mama.

Pumunta ako sa may kusina, Abalang abala si Mama sa paghahalo sa adobo. Naghanap ako ng tyempo at ginulat siya. "ANAK NG!" Gulat na sabi niya. At tumawa ako, Nakakatawa kasi ang reaksyon ni Mama parang nakakita ng multo.

Pagkatapos non umakyat na ako at nagbihis. Pagkapasok ko sa kwarto tumalon ako sa kamay sabay higa.
Habang nakatingin sa kisame. Binabalik ko ang masayang nangyare kanina.

"Theo...."

Pagkababa ko, Nakaready na ang Gabihan, nakauwi narin si Kuya Grey. Señor High na si kuya kaya tuwing gabi na siya nauwi. Siya yung over protective na kuya kaya love na love ko yan.

Nagsabay ang aming tinidor sa natitirang manok, Nagsungitan kami hanggang sa si Kuya na ang nagparaya. "Sayo na nga yan, tutal bunso ka naman." Tumawa ako at napangiti " Salaamat Kuya~, Love mo talaga ako" Pagkatapos nun naglipit na kami ng kinainan.

Pumunta ako sa sala dahil may sinusubaybayan akong palabas sa Channel 2 Ang Probinsyano. Tumabi si Kuya saakin habang nanonood kami kinukwento ko sa kanya ang nangyari kanina.

Kinuwento ko sa kanya si Theo,Lahat ng nangyari kanina kinuwento ko maliban sa nangyari saakin kanina... . Biglang nagseryoso ang mukha ni Kuya.

"Sure ka yan lang?." Malamig na tanong ni Kuya.

Tumango lang ako at sabay pinalo ko ang braso niya para maiba ang attention niya. Pagkatapos ng Probinsyano Umakyat na ako at natulog.

**

Medyo napaaga ako ng gising kaya napa aga rin ang pasok ko. Pagkarating sa room. nagulat ako dahil Andoon kaagad si Theo Nakatingin sa may Bintana.

Medyo nailang ako pumasok kasi Kami palang dalawa ang nandito. Nung Binuksan ko ang pintuan wala akong imik na pumasok at umupo sa upuan. Bigla siyang napalingon.

"Andito kana pala? GoodMorning Cheska." Bati niya saakin at sabay ngiti. Bigla nalang Uminit ang pakiramdam ko nung sabihin niya yun.

"Good morning din, " Bati ko at sabay isip ng topic, medyo awkward kasi eh. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at saka inilapag ito sa bandang puso niya.

Nagulat ako sa ginawa niya. "Kamusta ang tibok ng puso ko?" Mahinang tanong niya saakin. Inobservahan ko ang tibok ng puso niya. Medyo mabagal ang tibok. "Mabagal no?, may sakit kasi ako sa puso kaya nagtransfer ako dito." Sagot niya.

" Ah.. bakit andito ba ang Doctor mo?"
Tanong ko. Ngumiti lang siya at sabay tingin sa bintana "Hindi, Kailangan ko lang daw ng makasagap na malinis na hangin, medyo populated kasi sa amin."

"Ahh.."

Tumayo siya saka Hinatak niya ako bigla papalabas ng room. "Dali Ikot ikot muna tayo maaga pa naman." 5:10 palang kasi at 7:30 pa ang umpisa ng klase.

Nilibot namin ang 1st hanggang 5th floor. At napunta kami sa may Science Laboratory. Medyo Madilim pa ang loob, isang bintana na maliit lang kasi ang nagpapaliwanag sa loob kapag may araw. Eh kaso wala pang araw nagtiis kami sa maliit na flashlight na dala ni Theo bawal kasi magbukas ng ilaw baka makita kami ng mga guard.

May natapakan akong maliit na switch sa lapag. Nang pulutin ko yun. Biglang nagbago ang paligid at naging Isang garden ito. Nagtataka ako kung paano ako napunta dito. Paglingon ko Garden pala ito ng isang malaking mansyon.

May isang babae doon sa loob na may kausap sa phone at nagsisigaw. "ASAN SI THEODORE? KANINA KO PA SIYA HINAHANAP AT WALA RIN SIYA SA SCHOOL NIYA PLEASE FIND MY SON.
Hanggang sa labas maririnig mo ang sigaw ng babae.

Naglakad pa ako sa garden para tignan pa ang ibang parte ng mansyon nang tumingala ako nanlaki ang mga mata ko dahil lumilipad ang mga sasakyan at ang mga train na dumadaan ay makikita mo sa kalangitan. Ung riles niya kasi gawa sa glass kaya akala mo dumadaan sila sa langit ang astig ah.

Medyo may kulay ang ulap dito, kumapra sa Maliwanag na paligid dito kasi parang pagka galaxy effect. Sa may pintuan ng garden nakita kong nakatayo doon si THEO.

"Bahay niya to?!"




Discrete World. [BTS FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon