Chapter 1 - Kasi ang layo ng tingin mo, nandito lang naman ako...

1.5K 17 13
                                    

POV ni Trixie

"Ayoko na sa sarili ko!" malakas na sabi ng katabi ko.

"Uy! bakit?" walang ano anong sabi ko.

"Gusto mo iyo na lang ako?" sabi ni Calvin sa akin with matching killer smile pa.

"Yieeeeeeeeeeeeeeeeee!" sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko.

"Psh" tanging nasabi ko.

"Alam mo gusto ko sanang maging pulis.." sabi niya.

"Eh bakit nag-Marketing ka?" sagot ko sa kanya.

"Para sana ikaw ang Most Wanted ko." sabi niya. tsk oh great! banatero, babanatan ko na to eh.

"Yieeeeeeeeeeeeee!" again sabay sabay na asar ng blockmates ko. 

"Oi Charles! tigil tigilan mo yang panttrip sa akin huh." sabi ko dun sa katabi ni Calvin. Isa sa mga blockmates ko then katabi ni Calvin. 

Ganito kasi un seating arrangement:

3rd row: BM - BM - BM - BM isle BM - Ako - Calvin - Charles

"Haha! wala akong ginagawa Trix, ako ba ung nag pumipick up lines sayo?" kunwari pang tanggi niya.

"Kilala kita, ikaw lang bumubulong sa koreanong to tsk." sabi ko sa kanya.

"Oy! wag ka nambibintang, siya may gusto bumanat tinuruan ko lang." sabi pa ni Charles.

"Whatever! Banat banat, banatan ko kayo eh." sabi ko.

Tumawa lang sila tapos nakinig na kami sa lecture. Kanina kasi wala pa ung prof tapos nung dumating na ung prof balik na ulit sa normal. Ung mg kaklase kong babae kinilig pa kay Calvin kanina, answerte ko pa nga daw kasi bumabanat ng ganun sa akin si Calvin samantalang sa kanila nagsusuplado. Ewan ko ba dito mga katabi niya lang or ung malalapit lang sa upuan niya ung mga kinakausap niya. Actually puro kasi lalaki ung tropa ko dito sa block ko ngayon kaya andito ko sa halos puro lalaki na side ng room, nag reshuffle kasi ng section so ung iba kong tropa nasa ibang block. Kainis nga eh.

"Trixie, farsighted ka ba?" si Calvin ulit.

"I swear Calvin mababanatan na kita." sabi ko sa kanya na pabulong lang kasi baka mapagalitan kami.

"O teka teka curious lang ako nakasalamin ka kasi." sabi niya

"Hindi nearsighted ako, bakit?" sagot ko naman.

"Kasi ang layo ng tingin mo, nandito lang naman ako." sabi niya sabay harap na sa harapan then nakangiti pa ang loko.

Napangiti na lang rin ako sa sinabi niya. Hihi! landeee! mas okay kasi ung banat kapag di naririnig ng iba tulad ngayon di nila narinig edi walang nangaasar.

"Yieeeeee! Sir! may nagliligawan dito." kaya lang may mga panira talaga ng moment at ang pangalan niya ay Charles na tumuturo pa sa aming dalawa. tsk

"Mr. Jung, mamaya ka na manligaw diyan." sabi tuloy ni sir.

"Sir malapit na po maging kami. hahaha" pagsakay naman niya sa biro.

Feeling ko namumula na ako rito, hindi sa kilig kundi sa inis. badtrip talaga. Ang hirap kapag wala kang kakampi. Tong mga lalaking to anlalakas talaga ng sapak eh.

"Trixie, I like you, seryoso." sabi niya ng pabulong ung talagang ako lang ung makakarinig.

"O sige na Calvin I like you too, magtigil ka lang." sabi ko na walang kaemoemosyon.

"YESSSSS!" sigaw niya with matching may pagtayo pa. 

"Calvin, anong meron?" tanong ng prof ko.

"Sabi ko sa inyo sir eh malapit na maging kami, sinagot na po niya ako." WHATDA???!!! anong sinasabi nito.

Kunware pang hindi kinikilig kanina, sasagutin din pala.

Kailan pa sila nagliligawan, akala ko pa naman may pag-asa ako kay Calvin.

Ang easy to get naman niya, sinagot niya agad.

in fairness ok naman sila together.

Cute nilang couple no?

Pigilan niyo ko sasabunutan ko tong mga nagbubulungan na ipinaririnig pa sa akin. 

Sinamaan ko ng tingin si Calvin. Siya eh parang wala lang nangyari. 

"Hoy! Ano bang sinasabi mo?" syempre pabulong lang yan.

"Ano?" sagot niya.

"Bakit mo sinabing sinagot na kita? Well in the first place wala namang ganon." sagot ko.

"Let's talk later, nakikinig ako eh." masungit niyang sabi.

argh! may SPLIT PERSONALITY TALAGA! tsk ganyan yan siya, minsan mabait sa akin, minsan masungit, minsan sobrang daldal, minsan tahimik at ito pinakamalupit kinokoreano ako niyan. Mukha ba akong Korean? babangasan ko na talaga to eh. tsk

Ayan dahil diyan nagkalovelife ako bigla, yes tinuloy po namin. Wag kayo manghusga sa akin, hindi ako malandi at hindi rin ako opurtunista, napagkasunduan lang namin na maging kami pero ang lagay eh parang Friends with Benefits lang or No Strings Attached. Pero walang $ex, duuuh! ayoko nga. Parang ano lang, ieenjoy lang namin ang company ng bawat isa. Ewan ko kung papaano niya ako napapayag, kasi lalabas na siya ang First Boyfriend ko. Wow lang di ba? First BF ko nagmukhang kunwarian lang. 

Haha! kanina pa ako dito nagsasalita hindi niyo pa pala ako kilala. Ako si Trixie Antoinette Mendoza, 19y/o (psh! wag kayo magtaka kung bakit NBSB ako sa age kong yan) maganda ako, sexy, matalino, mabait pero kasi may pagkanerd ako at tingin ko sa mga lalaki tropa lang. Ung mga manliligaw ko ay nagiging tropa ko lang. Weird no? hindi ko rin alam. Nagaaral ako sa TM University ng BSBA major in Business Operations Management, 3rd year na ako at consistent Dean's Lister ako, running for magna cum laude pa.  

May tatlo akong kapatid, kambal na babae at lalaki ung kuya at ate ko tapos ung bunso namin lalaki. Nakatira kami sa bahay ng Lola ko sa Forbes Park sa Makati. Ung parents ko kasi nagliliwaliw sa ibang bansa. Joke! nagpapayaman sa ibang bansa. Yeah! MAYAMAN ako, as in MAYAMAN. haha! mayabang ako? hindi naman, nagsasabi lang ng totoo.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Another story, hindi ko alam kung short story to or mapapahaba ko to, pero wala lang lumabas kasi sa utak ko ung gantong storya nung nagbakasyon ako sa Hong Kong. Epekto ng mga Instik kaya ayan magkaiba ang nationality ng lead character ko ^_____^

Hindi ako magaling magsulat, pero malakas ang imagination ko. Kaya ito kahit hindi ko na masundan ung unang story ko, may panibago nanaman. hehehe 

Pagpasensyahan ang aking pagsusulat dahil baguhan ako at dito ko lang ilalabas ang stress na nararamdaman ko. :P

..DrunkenUnderwater..

Love Unexpected (Underconstruction)Where stories live. Discover now