Prologue

415 9 1
                                    

*Prologue*

"UNGAAAA,UNGAAAAA,UNGAAAA!!!!"iyak ng isang sanggol ang bumabalot ngayon sa buong palasyo.

Katatapos lamang manganak ng mahal na reyna ng Enchantnia at nagsilang ito ng isang napakagandang prinsesa.

"Ano ang ating ipapangalan sa kanya?"tanong ng hari na asawa ng reyna.

"Reign......Reign Athenalight is her name"bigkas ng reyna saka hinalikan sa noo ang sanggol at masayang nagkangitian ang mag-asawa.

@the palace hall

Dito sa palace hall ay nagsimula ang kasayahan para sa pagdiriwang sa bagong silang na prinsesa.

Habang nagkakasiyahan ay biglang may naganap na napakalakas na pagsabog.

*Boom!!!*

Meroong lumapit na gwardiya sa hari at reyna.

"Ano ang nangyayari?"tanong ng hari.

"Mahal na hari,tayo po ay sinusugod ng mga Akumanians"magalang na sagot ng gwardiya.

Nanlaki naman ang mga mata ng mga nilalang sa loob ng palasyo at nagsimula ng magpanic.

"Ihanda lahat ng mga kawal at humingi ka ng tulong mula sa pito pang kaharian"utos ng hari,sumaludo ang gwardiya bago umalis.

Hinarap ng hari ang kanyang mag-iina.

"Sumama kayo sakin!!!"sabi ng hari atsaka hinila ang kamay ng asawa habang ang asawa niya namang reyna ay mahigpit na hinahawakan ang kanyang nag-iisang anak.

Dinala sila ng hari sa isang tago at madilim na kwarto.

Aalis na sana ang hari pero pinigilan siya ng reyna.

Hinawakan nito ang dulo ng suot nitong damit.

"Pls. wag ka ng umalis!"pakikiusap ng reyna.

"Mahal na mahal ko kayo"sabi ng hari pagkatapos ay umalis na siya.

Nakapasok na sa loob ng kaharian ang mga Akumanians at nakikipaglaban sa mga Majikkanians.Halos maubos na ang mga taga Majikkania sa labanan sapagkat ay hindi nila napaghandaan ito.

Sa kabilang banda naman ay halos mawalan na ng buhay ang hari ng Enchantnia sa pakikipaglaban sa hari ng Akumania.

"Sumuko ka na Ace at ibigay mo na sa akin ang iyong mag-ina"sabi ng hari ng Akumania na si haring Black.

"H-hindi mo sila makukuha,h-hangga't hindi k-ka na kakadaan sa akin!!!"sigaw at nanghihinang sabi ng hari Enchantnia na ang pangalan ay haring Ace.

Ngumiti naman ng malademonyo ang hari ng Akumania.

"Mukhang wala nakong magagawa kundi tapusin na ang buhay mo hahaha"malademonyong pahayag ni haring Black.

Nagpalabas si haring Black ng kuryenteng itim na may halong itim na tubig sa kanying mga palad atsaka inipon ito hanggang sa lumaki ng lumaki.

"Magpaalam ka na King Ace"sabi ni haring Black bago pinatamaan ng kanyang majikka si haring Ace.

"AAAAAUUUUUUUGGGHH!!!"sigaw ng hari habang unti-unti ng nanghihina ang katawan.

@The room(pinagtataguan ng reyna at prinsesa ng Enchantnia)

Lumuluhang nanatili ang reyna ng Enchantnia na si Queen Diamond sa kwarto kasama ang anak na sanggol.

Mula doon sa loob ay naririnig niya ang mga iyak at sigaw ng kanyang mamamayan.

Bigla namang pumasok sa kanyang isipan ang kanyang asawa.

Hindi niya na matiis na manatili sa loob ng kwarto.

Nag cast siya ng spell sa isang papel at inilagay sa loob ng damit ng kanyang anak.

Ibinigay niya din ang kanyang kwintas sa kanyang anak.

"Mahal na mahal kita anak,mag-iingat ka"naiiyak na pamamaalam ng reyna atsaka umalis na sa silid na iyon.

#Bumalik tayo kay King Ace at King Black.#

Habang unti-unting namamatay ang hari ng Enchantnia sa mga kamay ni king Black ay biglang dumating ang reyna ng Enchantnia.

"AAAACE!!!"sigaw ng reyna nung makita ang kalagayan ng hari.

Ngumisi naman ng malademonyo ang king Black.

"Mukhang hindi nako mahihirapan pang maghanap"mahinang sabi ng king Black.

Bumuo naman siya ng isang dagger na gawa sa itim na apoy na may halong itim na hangin at papatamaan sana ang nanghihinang hari ngunit humarang ang Queen Diamond kaya siya ang nasaksak ng dagger sa mismong puso nito.

"DIAMOND!!!"sigaw ni King Ace.

Unti-unting natumba sa sahig ang Queen Diamond habang sumusuka ng dugo at dumadaloy sa buong katawan ang kanyang dugo mula sa kanyang dibdib.

"Hahahaha ngayon ikaw naman"sabi ni King Black at tinutukan naman ng pansin ang hinang hina ng hari ng Enchantnia.

Pinipilit na tumayo ang King Ace kahit na pinapatamaan parin siya ng mahika ng demonyong hari.

Inipon niya na lahat ng kanyang lakas na nagmumula sa buo niyang katawan.

Inipon niya ito hanggang sa makagawa siya ng malaking bolang hangin at inihagis sa hari ng Akumania.

Hindi inaasahan ng King Black na magagawa pang umatake ang King Ace kaya hindi niya ito naiwasan at natumba siya at tumama ang ulo sa isang malaking bato kaya nahimatay siya.

Sa kabilang banda naman ay nanghihinang lumapit ang haring Ace kay reynang Diamond.

Lumuhod siya dito at yinakap ng mahigpit ang asawa saka umiyak.

"M-mahal ko"sambit ng hari bago mamatay na nakayakap sa kaniyang asawa.

Dumating na din sa wakas ang kanilang mga kaibigan na nagmula pa sa ibang kaharian.

Nakita nila ang malunos-lunos na pagkamatay ng dalawa.

Naiiyak na lumapit sa dalawa sina King Argon,King Harold,King Jackson,King Mendel,King Gabriel,King Aaron,King Leonard,Queen Laranya,Queen Hanna,Queen Bela,Queen Frea,Queen Graciel,Queen Sigrid at Queen Julieta.

Patuloy parin ang paglalaban ng majikkanians at akumanians,ngayon naman ay mas nangingibabaw ang mga taga majikkania dahil sa dagdag na tulong ng pitong kaharian ang Nightarnia,Dragornia,Mermaidia,Fairania,Witchania,Vampirania at Gianarnia

@the room kung saan ang prinsesa ng Enchantnia.

Natapos na ang digmaan at nanalo ang mga Majikkanians,nakatakas naman ang ibang Akumanians kasama na doon ang hari nila.

Samantala naman ay hinahanap ng buong taga majikkania ang prinsesa ng Enchantnia.

Meron naman napadaan na isang napakalakas na majikkanian na lalake sa kwarto kung saan ang prinsesa nakatago.

"Ungaaa,Ungaaa,Ungaaa!!!"iyak ng prinsesa,narinig naman ito ng lalake,kaya dali-dali siyang pumasok sa kwartong iyon at bumungad sa kanya ang prinsesa,nalaman niya kaagad na ito ang prinsesa dahil sa suot nitong damit.

Kinuha niya ang prinsesa at dadalhin niya na sana sa mga hari at reyna pero may nahulog na isang sulat mula sa loob ng damit ng prinsesa,pinulot niya ito at binuksan,may lumabas na nagliliwanag na mga salita sa sulat,kasabay ng paglabas ng mga salita ay ang paglabas naman ng isang boses.

"Ang boses ng Reyna!!"sambit ng lalake.

"Ako ay ang reyna ng Enchantnia,kung sino ka man na nakakita sa aking anak,ay iyo'y sana huwag isauli sa kaharian o sa iba pa mang taga Majikkania,ako ay nakikiusap sayo na ikaw at ng anak ko ay pumunta sa mundo ng mga mortal at mamuhay doon hanggang sa sumapit ng labing walong taon na ang prinsesa.

             Bumalik kayo dito sa Majikkania kung nasa tamang edad na ang aking anak,isa din sa aking hinihiling na iyo ay ingatan siya,pakisabi sa kanya kung nasa wastong edad na siya na mahal na mahal ko siya.

         Sana ay gabayan ka ng Diyos at Diyosa sa iyong mahabang misyon,iyon lamang at maraming salamat sa iyo."

Majikka Academy: The Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon