Chapter 16: Real Beauty of Ugly

175 2 0
                                    


*Chapter 16*

Ian's POV.

Glad to meet you readers,I'am Ian Zack McClyde,the water elementalist.

Nandito kami ngayon nakaupo habang hinihintay na matapos ang pagtatawag sa mga istudyante.

Kanina nung pumasok na yung tatlong babae na sina Grace,Mizty at Acea,hindi ko maitatanggi na maganda talaga sila,pero sa mga mata ko,si Mizty ang mas maganda sa lahat ng mga babae na nandito ngayon sa loob ng arena.

Mula kanina nung pumasok siya at hanggang ngayon,nandito parin ako at hindi maalis sa pagkakatitig kay Mizty.

Bakit ang ganda niya?

Pero naiinis ako,urgggh...

Paano ba naman kasi,yung suot niya!!!

Oo,maganda at sexy siya sa suot niyang gown,pero napasobra naman yung kasexyhan nung damit,bakit backless at sleeveless yung gown?

OA na kung OA pero kung tungkol lang naman sa babaeng matagal ko ng gusto,wala akong isasawalang bahala.

Shhh lang kayo,hindi pa niya alam na may gusto ako sa kanya,pero sigurado ba akong pagkagusto lang itong nararamdaman ko? siguro mahal ko na itong babaeng to.

"And the last,Skice Ross!!!"MC.

Napabaling naman ang atensiyon ko sa harap nung marinig ko na si Skice na ang susunod.

I felt guilty when Skice talk to us at her unit.

Natamaan ako sa mga sinabi niya,tama nga siguro na naging bad influence na kami sa paaralan,kailangan na namin magbago,isa pa,kailangan namin mag-sorry kay Skice.

Ngayon ko lang napagtanto na kahit pangit at minsan masungit si Skice,nararamdaman ko na mabait siya,nakakahiya pa nga nung pumasok kami sa unit niya at nakikain tapos wala man lang kaming alam na gawin kundi ang lumamon.

Isa pa,niloko namin siya,siguradong nasaktan siya sa ginawa namin,hindi physically but emotionally.

We must apologize to her.

"Again,may we call on Ms.Skice Ross?!!"Ulit nung MC nung wala pang lumalabas mula sa main door ng arena na Skice Ross.

Ang totoo niyan,hindi lang ang pagiging sealed student ang dahilan kung bakit kami umattend ng event,pwede nga kaming mga Royal E na hindi umattend sa event na ito dahil sa prinsesa at prinsipe kami,kaso nga lang may isang rason ang nagbigay rason sa amin na pumunta sa party.

At yun ay ang makita ang totoong Skice.

Hindi kami naiinis sa kanya dahil sa pangit siya,naiinis kami kasi tinatago niya yung totoong siya,kaya siguro pabor na din sa amin itong party.

Ilang segundo na ang lumipas pero wala pa din na Skice na pumapasok.

Nagsimula ng magbulungan ang mga bisita at mga istudyante.

"Ano ba naman yan ang tagal!!!"

"Paimportante ata yang Skice na'yan"

"Kainis naman yang nerd na yan,ang tagal!!!"

"Siguro nagback-out na yun"

"Oo nga,baka dahil sa wala siyang magandang mukha na maihaharap"

"Yeah your right girl,kasi nga wala ng pag-asang gumanda pa ang isang yon"

"Mabuti ng hindi na sumulpot yung pangit na'yun,hindi naman siya nababagay sa M.A."

Mga bulungan nila.

Mga utak itik talaga itong mga nagbubulungan,porket pangit na hindi na bagay na maging istudyante?Psh.

Majikka Academy: The Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon