Magkaibang Pwesto

41 2 0
                                    

bilang ng salita: 263

▄ ▄ ▄ ▄ ▄

Magkaibang pwesto, magkaibang diwa.

Pero ayoko na o ayoko na pero.

Alin sa dalawa ang mas masakit pakinggan?
Alin sa dalawa ang mas maganda pakinggan?

Paano kung ginamit ko ang pero ayoko na?

Susukuban ko pa sana, pero ayoko na.
Ipaglalaban ko pa sana, pero ayoko na.
Pipilitin ko pa sana, pero ayoko na.
Pinangarap ko 'to, pero ayoko na.
Pinaghirapan ko 'to, pero ayoko na.
Nagpursige ako para dito, pero ayoko na.
Nagsakripisyo ako para dito, pero ayoko na.
Nagpagod ako dahil dito, pero ayoko na.
Ginusto ko 'to, pero ayoko na.
Gustuhin ko man, pero ayoko na.
Mahal kita, pero ayoko na.

Paano naman kung ayoko na pero?

Ayoko na pero ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko.
Ayoko na pero alam kong ang lahat ng ito ay hindi para sa wala.
Ayoko na pero alam kong ang pagsuko ay mali.
Ayoko na pero hindi ako yung tipong sumusuko at nang-iiwan.
Ayoko na pero ipinapaalala mo sakin kung bakit ako nagsimula.
Ayoko na pero ipinapaalala mo sa akin bakit hindi ako dapat bumitaw.
Ayoko na pero naaalala ko kung yung rason kung bakit ko 'to ginusto.
Ayoko na pero ginusto ko 'to.
Ayoko na pero pinaghirapan ko 'to.
Ayoko na pero ito na lang ang meron ako.
Ayoko na pero naaalala kong ito nga pala ang mahal ko.

Magkaibang pwesto, magkaibang diwa.

Ibahin lang ang pagkaayos ng mga salita, tiyak na iba na ang ibig sabihin nito.

Nakatutuwang isipin kung paano naiiba ang halaga o kahulugan ng mga salita kapag nabago ito.

Hindi ba't ganoon din ang ating mga damdamin?

kalipunan ng mga kaisipan ➪ mga tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon