By Chance

601 22 70
                                    

Ms. Girl In Love... Your works are undeniably exceptional... Thanks for the inspiration u've given. Three Words, Eight Letters... <3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Quote: "Love is like a traffic light, there are three colors which becomes a guide for us to know when to stop, to let go and to take action."  - Anonymous

PROLOGUE

 Kailangan ko na nga bang tumigil?

Sa kakaasa...

Sa kahihintay.

*

Tama nga sila no? Hindi lahat ng taong mamahalin mo, siya na talaga habang buhay. 

Minsan akala natin sila na hanggang "THE END", pero hanggang umpisa lang pala ng storya.

Akala natin sila na yung kasama nating tatanda... Pero hindi pala.

Dumating lang sila para matutunan mo ang isang napakasakit na katotohanan.

Ang magmahal ng sobra na akala natin tama pa.

Pero hindi... Hindi pala.

Dumarating sila sa mga buhay natin upang ituro na kapag nagmahal ka, hindi maiwasang masaktan ka. Kasama yun e. Kumbaga, package deal na, buy one take one pa.

Ang saklap lang.

Nagmahal tayo. Nagmamahal tayo. Magmamahal tayo.

Pero hanggang kailan? Hanggang saan?

Sapat na nga ba yung pagmamahal, yung ikaw naman yung nasasaktan?

 ...

Kailangan ko na nga ba siyang pakawalan?

Pero paano na?

Ang tanong kaya ko ba?

**

Ang sakit lang isipin no, na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo.

Na yung mga bagay na hinihiling natin ay hindi kailanman magiging atin...

Na yung mga taong pinapangarap mo, hindi magiging sayo.

Kasi nakalaan sila para sa ibang tao.

Pero mahirap tanggapin kasi mahal natin. Na kahit ipagsiksikan mo ang sarili mo, gagawin mo.

Pero pano kapag sobra na, susuko ka nalang ba?

...

Mahal ko siya kahit ang sakit sakit na

Mahal ko siya at siya lang ang gusto kong makasama

Mahal ko siya pero paano kapag ayaw ng tadhana?

Susuko nalang ba ako?

***

Sabi nila, ang pagmamahal ay hindi natututunan, kundi kusang nararamdaman.

Pero paano kapag ang sakit sakit na?

Wala naman sigurong masama kung subukan kong sumuko hindi ba?

Kasi hindi ko na talaga kaya.

Isang taon na pero nasaan siya?

Siguro nga panahon na.

Panahon na para kalimutan siya at humanap na ng iba.

Kahit hindi madali.

Kahit parang hindi ko kaya.

Pero bahala na.

Kukuha nalang ako ng tutor para turuan ang puso kong tanga...

~~~

Kailangan na ba?

Kasi ang sakit sakit na talaga </3

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon