"Good morning ma'am!"Dire-diretso lang ang pagpasok ko sa loob ng building lahat ng mga taong nakakasalubong ko ay panay ang bati sa akin pero di ko pinapansin.
"Ang sungit talaga ni Ma'am Samantha."
"Oo nga eh, palibhasa kasi walang jowa."
"Matandang dalaga kasi" sabay na sabi ng dalawa.
Ang lalakas naman ng loob mga babaeng mukhang tuod na ito na pag-usapan ako at ang love life ko. Ang kakapal ng mukha akala mo naman magaganda.
"Excuse me, nakaharang kayo sa daanan."
"Hala ma'am! Good morning po." gulat na bati ng dalawang panget sa'kin.
"Pwede ba 'wag kayo dito magchismisan, Dami niyo atang oras at nakuha niyo pang pag-usapan buhay at love life ko atsaka hindi pa ako matanda, dalaga lang. Chismosa na nga bobo pa."
"So-sorry po ma'am."
Pumasok na ako sa elevator at bago pa man magsara ang pintuan, hinarap ko ulit silang dalawa.
"Before you talk about other people's life pakitingnan niyo muna pagmumukha niyo sa salamin kung pantay ba ang blush on niyo. Okay?"
Nakakaimbyerna talaga mga tao sa mundo. Umagang-umaga pinapainit ang ulo ko. Tama ba 'yon? Pag-usapan ba naman love life ko! twenty six pa lang naman ako ah, di nga halata eh mukhang desi-otso nga lang itsura ko, tsk! 'di porket wala akong jowa ngayon magiging matandang dalaga na ako.
Pagpasok ko sa office kita ko agad ang tambak-tambak na papel sa table ko. Grabe naman siguradong sasakit na naman likod ko sa sobrang daming paper works na ito. Buti pa si Mommy at Daddy nasa Australia ngayon, wedding anniversary kasi nila honeymoon vacation daw muna, mapapa-sana all ka na lang talaga! Baka pag uwi nilang dalawa mabalitaan ko na lang may kapatid na ako, shooter pa naman si Daddy. Wag naman sana! Ang tanda na ni mommy para magka-anak ulit.
Inumpisahan ko ng basahin at permahan ang mga papeles na nakatambak sa aking lamesa. Marami-rami din ito kung hindi lang talaga ako kailangan nila mommy't daddy hindi talaga ako hihinto sa pagmomodel ko. Six months ago kasi nagkaproblema sa company namin biglang bumaba ang sales at stocks namin pero ngayon unti-unti ng tumataas, nakakabawi na kami ulit.
"Ma'am"
"Oh Stella, bakit?" Tanong ko sa sekretarya namin.
"May sasabihin po sana ako ma'am. Huwag sana kayong magagalit."
"Ano?"
"Eh kasi ma'am, ano... kasi ano"
"Gosh Stella! Sabihin mo na agad ang gusto mong sabihin, alam mo naman busy akong tao, don't waste my time."
"Ito po ma'am, resignation letter ko" sabay abot sa akin.
"What? why?! Alam mo namang sobrang busy sa work now, bakit ngayon mo pa naisipang magresign?!"
"Nakapagpaalam naman po ako sa mommy at daddy mo ma'am pumayag naman po sila. Kailangan ko na talaga mag resign ma'am kasi masilan po ang pagbubuntis ko atsaka po gusto kong ako talaga ang mag-aalaga sa anak ko kapag nakapanganak na ako."
"Buntis ka?!"
"Opo ma'am, tatlong buwan na po."
"Pota? Sana all"
"Ma'am?"
"Huh? I mean, may asawa ka pala?"
"Di pa po asawa ma'am, boyfriend pa lang po."
"Sana all ulit! Bakit ako wala? Mas maganda naman ako sayo"
"Ma'am naman eh!"
"Joke! Pero teka lang paano na ako? Wala pa sila mommy at daddy alam mo namang bago pa lang ako dito sa work eh. Di ko to kaya!"
"Huwag kang mag-alala ma'am may nahanap na po akong bagong secretary dito sa office at na approve na din po nila sir ito."
"What? Ba't hindi ko ito alam?"
"Sabi kasi ni sir, ma'am siya na ang magsasabi sa inyo baka nakalimutan niya lang po."
"Ah okay sige, salamat."
"Atsaka nga po pala ma'am, lalaki po ang bagong secretary."
"I don't mind at all, as long as gwapo at kaya akong mahalin. charot! As long as may kwenta goes lang."
"Si ma'am talaga joker! Sige ma'am, maya-maya andito na 'yon."
"Mas mukha kang joker kaysa sa akin Stella, tingnan mo nga make up mo tinalbugan mo pa pokpok sa may kanto."
"Okay lang makapal make up ma'am at least may boyfriend."
"Gusto mo bang mabura pagmumukha mo now na, ha?"
"Joke lang ma'am! Sige po, aalis na ako."
Nang makalabas si Stella binalik ko ang attention ko sa mga papeles na binabasa ko.
Kung hindi lang talaga nagkaproblema sa company hindi talaga ako magtatrabaho dito, hindi ko talaga sasaluin mga problema nito. Buti pa nga 'tong kompanya sinalo ko, sa akin kasi walang sumalo, kawawa naman ako nahulog na nga nasaktan pa, oh pag-ibig nga naman. hays!
Kailan kaya ako makakabalik sa pagmomodelling? I really miss it so much! Buti pa sa modelling career ko I'm happy and I can freely express myself at 'di pa ako nasasabihan ng masungit, hmp!
Nakakastress talaga ang work na ito, ngayon na lang ata ulit ako nastress at nawindang ng bonggang-bongga aside noong high school at college 'yong stress na nakuha ko kay...
"Excuse me ma'am andito na po ang new secretary niyo."
"Iñigo."
---
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
BINABASA MO ANG
Aiming For Nothing
ComédieSi Samantha Nicklove Castillo ay kilala sa kanilang paaralan hindi dahil sa kanyang angking ganda o estado sa buhay kundi dahil sa kanyang pamatay na pick up lines at banat sa lalaking kanyang napupusuan. Kilala din siya sa pagiging marupok at pokpo...