CHAPTER 1

6 4 0
                                    

"Good morning everyone!" Masayang bati ko sa mga kaklase ko.

"Mukhang good mood ka ata ngayon Sam ah?"

"Naman! Ikaw ba naman kaklase ang iniirog at araw-araw itong nakikita sinong di magiging good mood niyan? right Sam?"

"Mismo! Nadali mo kumareng Camille."

Pagsang-ayon ko sa best friend kong si Camille Pratz Martinez ang dakilang chismosang pokpok sa section namin. Nagmana talaga ako dito eh. Grabe ang impluwensya sa akin kaya tuloy naging pokpok narin ako, pero sa iisang tao lang
kay Iñigo Jace Natividad lang kakandong, babayo, tatalbog at aalog ang puso ko.

"Nako Sammy di ka pa ba nagsasawa sa pangdededma ni Iñigo sayo? Basted ka palagi eh! Ako na lang kasi, di mo na kailangan maghabol pa."

"Yak ka Jairus! Atupagin mo kaya yang katabaan mo at unahin mong kuskusin yang leeg mong kasing itim ng uling bago ka humarot-harot sa akin."

Natawa na lang si Jairus sa akin ako naman ay umiling-iling na lamang at itinuon ang tingin sa soccer field dito kasi dumadaan si Iñigo eh.

Bigla akong napatayo nang makita ko si Iñigo na naglalakad sa field at dali-daling kinuha ang paper rose na ginawa ko kagabi para sa kanya. Pinaghirapan ko talaga ito, nanood pa ako ng tutorials sa youtube 'yong mga do it your own shit.

"Mukhang may gagawin na naman si Sam kay Iñigo ah"

Tumingin mga kaklase ko sa akin, ngumiti lang ako sa kanila at lumabas.

Sasalubungin ko si Iñigo sa hallway. Grabeng kaba ang nararamdaman ko ngayon, ah always naman talaga ako kinakabahan kapag si Iñigo na ang pinag-uusapan eh, siya lang talaga nakakapagpabilis ng puso ko ng ganito.

"Iñigo Jace Natividad!!! Good morning"

Sigaw ko ng makita ko na siya.

Mga tao sa paligid nakatingin lang at nakaabang sa eksenang gagawin ko na naman. Wala namang bago, ganito ang routine ko araw-araw, sasalubungin si Iñigo, babatiin at sasabayan sa pagpasok sa classroom.

"Go Sam! Make us proud again."

"Pustahan Sam legwak ka na naman ngayon!"

Sigaw ng mga taga kabilang section.

"Go pokpok kong bestfriend!"

Kupal na Camille to may hawak pang card board na may nakasulat na "Go pokpok!"

Natawa na lang ako sa kanya, sobrang supportive talaga sa love life ko. Nagdire-diretso na ako papunta kay Iñigo.

Kita mo 'tong lalaki na ito umagang-umaga nakabusangot na naman pero pogi parin wala na atang makakapantay sa kagwapohan ng lalaking 'to, his eyes, nose, lips, his face, the whole him screams perfection. Isa talaga ito sa life goals ko eh! Ang makapangasawa ng isang Iñigo Jace Natividad, iyong umiigting ang panga at mapupungay ang mga mata. Ang perfect na taong to ay para sa akin lang. Para sa isang Samantha Nicklove Castillo lamang.

"Hi Iñigo! para sayo pala."

Luckily tinanggap naman niya pero nakabusangot parin tong kupal nato ayaw man lang ngumiti.

"What do you want, Sam? What's with this paper? is this a flower or not?"

"Hoy grabe! flower kaya yan, wag ka ngang judger pinaghirapan ko kaya iyan."

Tiningnan niya lang ako at ang paper flower na ibinigay ko, mukhang naghihintay ng explanation ko.

"Hehe kasi ano... kasi kapag totoong bulaklak ang ibinigay ko malalanta lang. Kapag 'yang gawa sa papel naman di malalanta, gaya ng pag-ibig ko sa iyo, hindi na lalanta at kumukupas."

Nakangiting sabi ko sa kanya, naghiyawan naman nakarinig sa usapan namin ni Iñigo.

"Hanep Sam! Sana all binibigyan ng paper flower pre!"

"Bulaklak pala 'yon pre? Kala ko tinuping papel lang hahaahahah"

Napakakupal talaga ng mga chismosong ito!

Tinalikuran lang ako ni Iñigo at nauna ng pumasok sa classroom. Potek! Wala man lang response?

"Welcome Iñigo, 'Wag kang mahihiyang magpasalamat sa akin uy! magiging asawa mo naman ako pagdating ng panahon."

Sigaw ko sa kanya. Alam kong narinig 'yon ni Iñigo sa lakas ba naman ng boses ko.

Nagtawanan na lamang mga tao sa paligid ko at syempre 'di mawawala ang chismis sa akin mula sa mga chismosang inggiterang froglets sa paligid.

Ngumisi na lang ako sa kanila at sumunod na kay Iñigo papunta sa classroom.

"Gumawa na naman ng eksena, masyadong pabida talaga. Diba girls?"

Nakakasira talaga ng mood 'tong si Maggie at mga alipores niya. Nakakastress ng beauty.

"Kung ako sayo Sam, hindi ko na papangarapin si Iñigo, kahit kailan di ka magugustuhan niyan. Right Iñigo?"

Tiningnan ko lang si Iñigo mukhang wala naman pakialam ito so dinedma ko na lang din sinabi ni Maggie at umupo sa upuan ko.

"Oh ba't di ka makasagot? Natauhan ka?"

Inuubos talaga ng babaeng ito ang aking pasensya. Nakatingin lang mga kaklase ko sa amin, sanay naman kasi sila sa ganitong eksena namin nila Maggie. Palibhasa kasi may gusto din ito kay Iñigo kaso di pinapansin hahahahaha always rejected mas kareject-reject pa pagkatao nito kaysa sa akin eh!

"Hoy ikaw Maggie, tigil-tigilan mo nga si Samantha baka masapak kita ng wala sa oras!"

"Ikaw ba kinakausap naming pokpok ka? Kaya ganyan 'yan si Sam, nagmana sayo bagay talaga kayong magkaibigan parehong pokpok, parehong pabida."

Aba! Walanghiyang froglet na Maggie ito, wala siyang karapatan insultuhin ang best friend ko at sa harapan ko pa talaga! kung kilala lang nila ang totoong Camille sobrang bait at supportive kaya nito, always pang andiyan for you through ups and downs tapos sasabihan niya lang ng ganyan.

Susugurin na sana ni mareng Camille si Maggie ng magsalita ako.

"Correction Maggie, kay Iñigo lang ako naglalandi. At ano naman pakialam mo kay mareng Camille? maganda kasi siya kaya maraming lumalapit na lalaki sa kanya. Inggit ka ba? Dapat lang talaga mainggit ka mukha ka kasing libag na may nana na tinubuan ng mukha"

Nagtawanan mga kaklase ko. Tiningnan ko muna ulit si Iñigo, naka earphones na, wala talaga itong pakialam sa world.

"Atsaka nga pala Maggie, wala kayong pakialam kung hindi ako magustuhan ni Iñigo, at least ako pinapansin pa. Kayo nga nagmumukhang clown na sa kapal ng make-ups at nakakatawa pa ang itsura hindi parin pinapansin, so it's a tie, mukhang patay!"

"How dare you?!"

Lalapit na sana si Maggie sa akin ng biglang pumasok si sir Geoffrey.

"Okay class, settle down."

"Hindi pa tayo tapos!"

"Bring it on, frog!" Sabay ngisi sa kanya at nakipag-apiran kay mareng Camille.

Tumingin ulit ako kay Iñigo at nahuli ko itong nakatingin sa akin na binawi niya din naman kaagad.

"Pota Iñigo bakit may pa ganoon?"

Aiming For NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon