"Okay class, that's it for today! See you tomorrow."Sa wakas, gutom na gutom na ako nastress ako doon sa marketing strategies na iyon ang hirap!
Wala naman akong plano na magtake over ng sardines business namin eh! Pero may kasunduan kasi kami nila mommy papayagan nila akong magmodelling kung ang kukunin kong course ay related sa business so here I am third year college na sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management.
Akala ko nga noong first year ako di ko na makikita si Iñigo, di ko na siya makakasama at matatapos na ang pag-iibigan namin pero kakampi ko talaga ang tadhana same school na, same course, magkaklase pa, para talaga kami sa isa't-isa. Konting push na lang talaga!
"Halika na mareng Sam, canteen na tayo!"
"Okay taralets! Iñi-- ay nasaan na 'yon mare?bakit biglang nawala?"
"Di ka pa ba nasanay doon Sam, alam mo naman grabeng iwas ang ginagawa niyon sayo. Hanap ka na lang kasi ng bago"
Sabi ni Camille sabay tawa.
"Aray naman! Ba't ka nambabatok diyan?"
"Edi wow ka! Sabihin mo pa yan ulit hindi lang batok makukuha mo sa akin sa susunod, sapak na talaga!"
"Okay okay, alam ko namang loyal ka diyan eh hahahaha!"
Papunta na kami sa canteen nang nahagip ng paningin ko si Iñigo, nakaupo sa may bleachers, kawawa naman babes ko nag-iisa baka hinihintay ako nito hehe.
"Mare wait lang ha? Pupuntahan ko muna si Iñigo, ikaw na umorder ng akin."
Paalam ko kay Camille.
Tumango ito "sa CR niyo gawin mare ha? Para may privacy, may condom ka ba? Meron ako dito, you want? hahahahaha"
"Gago ka talaga Camille, wag mo ako igaya sayo!"
Tumawa na lamang ito habang nagdire-diretso na sa pila. Napakakupal talaga nitong kaibigan ko, jusko!
Nakasalubong ko pa si Jairus na kumakain at may hawak na sandwich kahit kailan talaga napakadamuho nitong si Jairus!
"Oh Sam saan ka pupunta?"
"Doon sa bleachers, kay Iñigo. Akin na muna 'tong sandwich mo ha? Magdiet ka na lang muna. Taba mo na"
Sabay kuha at takbo! Narinig ko pa ang sigaw ni Jairus.
"Hindi ako mataba Samantha, ibalik mo yan!"
Hahahaha nakakatuwa talaga 'tong si Jairus, hindi raw mataba parang kambal niya na nga si Dumbo sa katabaan, laki na nga ng tiyan at wala na ngang leeg kain parin ng kain. Feeling fit talaga ampotek!
"Hi Iñigo! Sandwich for you. "
Tiningnan niya lang ako gamit ang kanyang famous busangot look at binalik ang attention sa kanyang binabasa.
"Hoy! Pansinin mo naman ako."
Ay wow dedmahars ang sis niyo. Lupit talaga nitong si Iñigo sa akin sobrang hard mas hard pa sa tanduay dark.
"Hoooooy! Sige na please? Tanggapin mo na 'tong sandwich or ako na lang tanggapin mo sa buhay mo?"
Napatigil ito sa pagbabasa at tiningnan na ako, Ngumiti naman ako 'yong ngiting pang close up gaya sa advertisement sa tv.
"You're so annoying. Stop bothering and pestering me."
Aray naman naging peste pa ako. Nakipagtitigan lang ako sa kanya, ayaw ko ng matapos ang sandaling ito ang gwapo talaga ng nilalang na ito sarap laplapin tuloy! charot. Ngumiti pa ako ng mas malapad pa sa noo ng kaklase kong may airport.
"Alam mo naman Iñigo na hindi kita titigilan eh. Nanliligaw nga ako sa iyo diba?"
"Sam, please. Stop it!"
"Simula noong makilala kita para sa akin ikaw na ang axis ko, kasi sayo na umiikot ang mundo ko! kaya di kita titigilan hanggang sa hindi ka magiging akin."
Nilapag ko ang sandwich sa tabi niya.
"Kainin mo iyan, see you later!"
Hinding-hindi kita susukuan Iñigo!
Si Samantha Nicklove Castillo yata ito. What Sammy wants, what Sammy gets.--
"Sam, please. Stop it!"
"Simula noong makilala kita para sa akin ikaw na ang axis ko, kasi sayo na umiikot ang mundo ko! kaya di kita titigilan hanggang sa hindi ka magiging akin."
Pang-ilang beses na ba itong pakiusap ni Iñigo sa akin? Di ko na mabilang, pero di parin ako nasanay talaga nasasaktan parin ako sa tuwing nakiki-usap siya na tigilan ko na siya.
Since 2nd year high school nag lumipat si Iñigo sa school namin di ko na maalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa di ko namamalayan nagkakagusto na ako sa kanya. From like to love hanggang sa di ko na mapigilan ang sarili ko na mahalin siya sa araw-araw. Walang ibang lalaki akong ginusto simula ng makilala ko siya.
Nagsimula kasi to noong binully ako noong fourth year high school.
"Ibalik niyo na kasi yan! Di naman sa inyo yan eh!"
"Kunin mo muna sa akin. Abutin mo dali!"
"Akin na kasi Carl, kainis naman eh!"
Naiiyak na sabi ko kila Carl. Walanghiya naman kasi eh ba't ba palagi akong pinagtitripan ng mga kupal na ito. Binasted ko nga lang si Carl palagi na nila akong binubully. Tama lang talaga ginawa ko!
"Oh ano Sam? Iiyak ka lang ba diyan? Napakaiyakin mo naman pala eh!"
"Pakialam mo kung iyakin ako? Ikaw nga umiyak ka nga noong binasted kita. May pa give me a chance ka pang nalalalaman! Buti na lang talaga di kita jinowa!"
"Wow naman pre basted ka pala eh!"
Nakita kong namula si Carl at mukhang nagalit sa sinabi ko, pinagtawanan kasi siya ng mga kaibigan niya.
"Akala mo naman sobrang ganda mo, niligawan lang kita kasi marami kang pera atsaka hindi lang naman ikaw ang niligawan ko, tatlo kayo! Reserba ka lang."
Nagtawanan silang magkakaibigan, naiiyak na talaga ako sobra dahil sa ginawa at pamamahiya nila saakin. May biglang kumuha ng bag ko sa kamay ni Carl at tinulak ito papalayo.
"Aba't! Sino ka ba at nakikialam ka dito ha?!"
"Alam mo pre ang babae nirerespeto at hindi pinapaiyak. Bakla lang ang pumapatol ng ganito sa babae. Bakla ka ba?"
"Gago ka pala eh! Ikaw ang bakla"
Inamba siya ng suntok ni Carl pero nakailag siya at sinuntok niya ito pabalik. Sasali pa sana ang mga kaibigan ni Carl ng biglang magbell, first period na sa hapon. Agad ding nagsialisan ang mga chismoso't chismosa sa paligid, di man lang ako tinulungan mga kupal sila!
"Hindi pa tayo tapos pakialamero ka! Babalikan kita."
Sigaw ni Carl habang tumatakbo sila ng barkada niya papunta sa kanilang classroom. Binigay ng lalaki sa akin ang bag ko at umalis na din. Naiwan lang akong nakatulala doon nakatingin sa likod ng lalaking tumulong sakin na naglalakad paakyat sa second floor.
"Sino ka?"
BINABASA MO ANG
Aiming For Nothing
HumorSi Samantha Nicklove Castillo ay kilala sa kanilang paaralan hindi dahil sa kanyang angking ganda o estado sa buhay kundi dahil sa kanyang pamatay na pick up lines at banat sa lalaking kanyang napupusuan. Kilala din siya sa pagiging marupok at pokpo...