8

136 17 14
                                    

Big hit Entertainment

Habang nag ppractice ang pitong members ng BTS, Natigilan sila nang may mag bukas ng pinto sa Studio nila. Pinatay ni Rap Mon ang Speaker at sinenyasan ang iba pang miyembro na magbigay galang.

"Hana, Dul, Set." -Rapmon

Sabay sabay na nagsiyuko ang lahat ng miyembro sa pag dating ni Bang PD-nim na handler nila. Lingid sa kaalaman ng nakakarami, isang taon nang pinag aaralan ng BTS ang lenggwaheng Filipino at English. Nakatulong sakanila ang binili ni V na korean-filipino dictionary at pag uusap nila ng Filipino at English dalawang araw sa isang linggo. Maging si Rapmon ay hinahasa ang mga kagrupo na magsalita sa lenggwaheng Ingles. Obligado silang matutunan ang mga ito dahil sa planong maninirahan sila sa Pilipinas. Mag tuturo kasi sila sa isang Sikretong Entertainment na binuo ng Big Hit sa Pilipinas. Sa ngayon mayroon nang humigit kumulang na 100 enrollees dito kaya naman napagdesisyunan ni Bang PD-nim na gawing Trainor ang BTS. Makakatulong ito para mas humasa sila at di na kailanganing mag punta sa L.A. para mag training. Mas mahal din naman kasi ang gagastusin kung doon pa sila mag ttraining.

Kahit na magiging trainor sila sa Pilipinas ay mayroon pa ding sikat na half filipino Choreos na kinuha ang Big Hit para itrain sila Gaya nila Brian Puspos at si Keone Madrid. Makakatulong din nila ang mga ito sa pag ttrain ng enrollees.

"I have an announcement to make."

Tahimik na naghihintay ang mga miyembro ng BTS sa sasabihin ng kanilang Handler.

"Pagkatapos ng #WingsManilaTour2017 ninyo sa Pilipinas ay hindi muna kayo uuwi. You will have to stay there for three months but Ofcourse, We'll keep it secret from the public. Lahat ay settled na. You already have Hotel accommodations. And Don't worry, We'll give you allowance and compensation for staying and for training the enrollees."

Sinasanay na ni Bang - PD nim ang BTS para matuto silang makipag communicate ng maayos sa mga makakasalamuha nila sa Pilipinas. Maging ang nasabing handler ay hindi pa hasa sa lenggwaheng Filipino kaya naman kung nahihirapan sya ay iniEnglish niya.

"Paano po ang iba naming schedules? Hindi po ba magtataka ang ARMYS na missing in action kami ng 3 months?" Tanong ni V na pinaka matatas sakanilang mag salita ng Filipino. Lahat ay napatingin sakanya at napa isip din sa sinabi niya.

"Buti naitanong mo yan. nakausap ko na ang mga interviewers niyo gaya ng KBS at Mnet. Aagahan ang taping ninyo sakanila nang sa gayo'y may mga recorded na Interviews at Performances kayo na ipapalabas while you are staying in  the Philippines. Oh, I forgot. You will be also guesting on Weekly Idol next week that's going to be aired on your second month staying in Philippines. Bale you have to tape for those three shows. Each shows will be aired in each month of your stay there. Mag ipon na din kayo ng fake logs ninyo na to be uploaded sa Bangtan TV."

Napa palakpak nalang si Suga sa ideya. Gusto pa sana niyang kumontra sa plano ngunit mukhang wala nang magagawa dahil naiready na ang lahat. Hindi nila alam ang magiging reaksyon nila. Halo-halong emosyon.

"Pak Ganern!" Sigaw naman ni Jhope para mabasag ang katahimikan sa studio. Nasundan nalang ito ng tawa ng mga miyembro.

"All Clear?" Bang PD-nim

"Yes Sir." Sigaw ng mga miyembro ng sabay-sabay.

Lumabas na ang Handler nila at biglang nagkumpulan paikot ang bawat miyembro.

"Mga hyung, kinakabahan ako. Paano kung malaman yun ng mga sassaeng fans natin?" -Jungkook

"May tanong ka pala eh dapat tinanong mo kanina!" -Jimin

"Nahihiya kasi ako magtanong."

"Hindi naman siguro tayo papabayaan ng Big Hit Staffs. Wala ba kayong tiwala kay Bang PD-nim?" - Jin

"Ah basta. Excited nako! Marami kayang magagandang ARMY sa Pilipinas!" - V

Minasamaan ng tingin ni RapMon si V na naging dahilan ng pag yuko nito.

"Nandun tayo para mag trabaho at mag train ng mga ARMY. We all have to know our duties and limitations." - Rapmon

"Aish! Alam na namin yan! Gusto lang naming mag isip ng Positive thoughts para naman maexcite kami. Hyung, You got no Jams." Ginaya pa ni Jimin kung paano binabanggit iyon ni Rapmon sakanya.

Natawa nalang ang Leader at Napailing kasabay ng pag hagalpak ng tawa ng iba pang miyembro.

How to be an ARMY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon