11

131 12 7
                                    

Sarangiran apeun geot apeun geot yeah
Ibyeoriran apeun geotto apeun geot gatte

Pungas-pungas kong inabot ang phone kong nag aalarm para patayin. 3:01 am. Dahan dahan akong umupo at tumingin sa kaliwa't kanan. Nakita kong mahimbing pa ding natutulog sila Pia at Anj. Nang mahismasmasan ako, napansin kong nakasalpak pa din ang earphones niya. Naisipan kong kunin iyon at patayin. Para na rin gisingan sya. Tinanggal ko sa tenga niya ang earphones niya at marahang kinuha sa kamay niya ang phone.

Now playing: For You- BTS

Napangiti ako sa nabasa ko. Ang malupit, naka Replay Song mode sya. Yieeeeeee. Yung 4 years na pag hihirap namin ni Pia na makakita ng kahit isang Kpop song lang sa playlist niya, natupad na. Kahit na alam kong hindi kami ang nakagawa non, masaya pa din ako kasi nakamit na namin yung goal namin. Para akong nanay na sinurprise ng anak dahil may Diploma na siya. I'm so proud! My Feeeeelz! T.T

Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang playlist ni Anj. In-on ko ang data ko at sinearch ang pangalan ng kapatid niya sa messenger.

Amae Kim
Active 3 hours ago

Sinend ko sakanya yung picture ng Playlist ni Anj. Magugulat at matutuwa sya sigurado. Wahahaha

Pagkasend ko sakanya ay ginising ko na din sila Pia at Anj para icontinue yung mini research namin. Natapos kami ng 6am. Nag almusal muna kami at nag handa para sa school dahil napagdesisyunan naming dumiretso na don dahil deadline na ng pasahan ng Mini Research namin. Hindi pa din alam ni Anj na alam na namin ni Pia na may isang Kpop song sa playlist niya. Hinihintay muna namin mag uwian. Kapag alam naming nasa bahay na siya, isesend ko sakanya sa messenger yung picture na sinend ko din naman sa kapatid niya. >:')

Amae's POV

Hindi pa din ako makamove on sa nakita ko kaninang umaga.

Be, playlist ng ate mo. My Hearteu. :) ;) <3

 :) ;) <3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Seen. 9:37 am

Waaaaaah. Sasamahan ako ni ate sa concert, Sasamahan ako ni ate sa Concert. Paulit ulit sa kanta ko kaninang umaga. Sabado ngayon, wala kaming pasok pero si ate meron. Ganun yata pag College?

"Edi pano yan, kasama na ate mo pag nanood ka ng concert next year?" - Niella.

Ramdam kong masaya sya sa balita ko pero ramdam ko ding malungkot sya dahil malabong makasama sya sa Concert. Hindi pa kasi siya nakakapag ipon.

"Oo syempre! Hindi pwedeng hindi. Wala syang magagawa panalo nako sa pustahan!"

"Eh di ka pa naman sure na ARMY na ate mo eh. Isang kanta palang yon." -Faye

"Oo nga. Malay mo nilagay lang pala yon don nila ate Lai."-Cess

"Hindi yaaaaan. Malakas kutob kong sya nag download non! Wahahaha kung hindi pa sya ARMY, okay lang. Madali nalang sakin na irecruit sya lalo na't may isang kanta na sya ng Bebe natin na nagustuhan. Wahahaha."

Kasama ko pa din mga kaibigan ko. Nandito ulit sila sa bahay para mag movie marathon at syempre, kasama na don ang pag fafan girling namin sa BTS. Naikwento ko na din sakanila ang tungkol don. Kahit sila nagulat. Kasi parang ang bilis. Excited na kami lalo na ako sa pag uwi ni ate. Mwehehehe Patay sya samin. >:')

Anj's POV

Haaaaay salamat. Naipasa na namin yung ginawa namin na mini research. OJT nalang pproblemahin ko. Malapit nako sa gate ng bahay namin. Alam kong nandun ang tropang pochi dahil dinig kong nagpapatugtog sila ng "For You". Bago pumasok sa sala namin ay nag tanggal ako ng sapatos. Bumungad sakin ang tropang pochi na sumasayaw kasabay ng tugtog.

Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis pang bahay. Simpleng short at white shirt lang. Pag labas ko ng pinto, nakita kong nakaupo na ang tropang pochi at lahat sila ay nakatingin sakin na may ngiti sa labi. Kakaiba yung tingin at ngiti nila. Para may alam silang hindi ko alam.

"Ate. Talo ka na. Sasama ka na sa Concert." Sambit ng kapatid ko.

Napakunot noo ako. "Huh? Pinagsasabi mo?"

Lumapit sya sakin habang hawak ko pa din ang door knob at marahan na sinasara yun. Di ko inalis ang tingin ko sa kapatid ko na may kinakalikot sa phone niya. Maya-maya'y pinakita niya sakin ang Phone niya. Nakita ko ang picture ng play list ko na ma For You ang nasa unahan ng listahan. Lumaki ang mata ko sa nakita ko. ANAK NG-!

"S-san mo nakuha yan?! Tanong ko sakanya."

"Eh ikaw? Bakit meron ka nito?"

Nakangiti lang ang mga kaibigan niyang nakatingin samin. Parang naghihintay ng sagot ko at halatang alam na nila ang nangyari.

- Flashback -

Arrrrrrrgh! Hindi ako makatuloooog. Kanina pa ako paikot ikot nag hahanap ng kumportableng pwesto. Kaso hindi pa din talaga ako makatulog kahit inaantok nako.

Umupo muna ako at nag isip. Nakita kong tulog na si Pia at si Lai na nakahiga sa kanan ko. Desperado na talaga akong makatulog. Sobrang sakit na kasi ng ulo ko sa mini research namin. Nag download nako kanina ng mga Mellow songs. Natapos na lahat ng kantang dinownload ko pero wala pa din. Wala naman ako makita sa phone kong pampatulog kasi puro Rock Genre at EDM yon. Eh alam ninyo naman pag ganun, masyadong up beat. Tsaka lalong di ako makakatulog dahil tiyak, sasabayan ko yung lyrics.

Napapitik ko ang daliri ko ng may maisip ako. Kinuha ko ang laptop. Nakasleepmode lang yon kaya pagkapindot ko eh umilaw na agad. Naka open pa din yung Youtube at Youtube to Mp3 converter.

Ano nga kasi title ng kantang yuuuun?
Yung kantang yon lang ang naisip kong makakatulong sakin. Kasi sa pag kakatanda ko, nakatulog ako nang pinatugtog iyon ng kapatid ko. Tsaka di ako makakasabay sa lyrics dahil hindi ko naman alam. Tiyak makakatulog ako. Tinapik tapik ng daliri ko ang laptop habang nag iisip. Nagising naman si Lai sa ginawa ko. Siguro nasilaw din sya sa laptop.

"Uy, bakit gising ka pa? Ano ba kasing problemaaa?"

"Ah.. Ehhh.. Ano kasi ehhh."

"Ano ngaaaa? Sabihin mo na magpatulog ka namaaan."

Humugot muna ako ng lakas ng loob at hangin. Inhale. Exhale.

Kahihiyan to. Pero desperado nako.

"Ano ba yung title ng Japanese na kanta ng BTS? Yung may lyrics sa Chorus na "shower" o "chower?" Yung may "Daijoubou?"

Nag isip ng saglit si Lai

"For You yun."

-End of Flashback-

"Ayun, yun ang nangyari. Desperado na talaga ako non. Pero di ibig sabihin non ARMY nako. Hindi pa din nila ako Fan kaya di ka pa nananalo."

Pagpapaliwanag ko nang hindi nakatingin sa kanya. Nakakuha rin ako ng Ideya na malamang si Lai ang nagpicture sa phone. Kaso bat parang di naman niya ako inaasar kanina?

YUNG DANGAL KOOOOOO.

"Okay lang yan. Hahaha!" Nakangiti pa din siya at ang mga kaibigan niya.

Mukha silang mga batang Demonyita sa paningin ko ngayon.

Maya-maya'y pagkacheck ko ay may chat si Lai sakin. Inopen ko yon.

ARRRRRRRRRRGH.

Nanay ka siguro ng mga batang may sungay nako. Nako namaaaaaan.

How to be an ARMY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon