27

111 9 32
                                    

Anj's POV

"Asan na ba kasi yun?"

Parang dinaanan ng bagyo ang kwarto ko sa unit ng dorm namin sa sobrang gulo. Yung mga unan at kumot nasa sahig, yung foam ng higaan nakabaligtad. Don't get me wrong, hindi ako nakipag love me like you do. Lahat ng laman ng bag ko, nakakalat sa mesa.

"Baka wala dito, baka naiwan mo sa kung saan?"

Tinutulungan ako ni Jhope na hanapin ang nawawala kong I.D. nag sswimming na siya sa mga damit na nakabalumbon sa closet ko habang ang ibang miyembro ay naghahanda na para sa unang araw namin sa ACE.

Chineck ko ang wall clock na nakasabit sa ding ding ng kwarto. Gosh. 6:49 na. Simula kaninang alasais pa kasi ako naghahagilap dito sa kwarto. Halos mabaligtad na namin ni Jhope ang kwarto ko pero hindi namin makita.

"Wag ka mawalan ng pag asa Anj-ssi. I'm your hope, Jhope."

Sinubukan niyang pagaanin ang mood ko pero mapait na ngiti lang ang naiganti ko sakanya. Sa totoo lang, ayokong humingi ng kahit na anong klase ng tulong sakanila dahil ayoko magkaroon ng utang na loob pero hindi ko naman matanggihan ang alok niyang tulong dahil nagmamadali na kami.

I felt so irresponsible lalo na't ako ang pinag katiwalaan ni Ms. Jean na maging handler nila. Hindi ako makakapasok ng ACE ng wala ang I.D. ko. At bilang handler, hindi pwedeng wala ako sa tabi ng grupong to. Sa ayaw ko man o sa gusto.

"By 9 am dapat nandun na tayo. Sige na, kumilos ka na. Ako na bahala dito. Salamat, Jhope." Sambit ko sakanya habang iniisa-isa ang bulsa ng pantalon ko.

"Sure ka? Mahaba pa naman ang oras. Kahit 8:30 na tayo umalis. Malapit lang naman ang ACE."

"Sayang naman kasi sa oras kung wala naman pala dito. Maghahagilap pako sa sala at kusina. Sige na, this is an order."

With that, agad na lumusong si Jhope mula sa closet kong puno ng damit na nakabalumbon. Pansin kong nakapout sya at napakamot sa ulo. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makalabas na sya.

Mabuting kabayo, I mean tao pala to.

I felt a pinch of pain in my heart nang maalala ko ang pag ignore ko sakanya kagabi. Napatigil ako sa ginagawa ko.

"Anj-ssi! Halika dito, sali ka sa kwentuhan namin!"

Biglang nagflashback ang nangyari kagabi. Argh! Bakit ko ba naisip yon?! Ah basta. Mag hanap ka nalang Anj!

Nakaramdam ako ng guilt sa pagiging cold ko pero syempre out of inis ko sakanila yun. At mahirap nang alisin sa sistema ko yon.

Pilit kong binura sa isip lahat ng mga nag fflashback na kabutihan nila sakin. Yung pag bukas ni Rapmon ng pinto ng kotse para sakin, pag tulong ni Jungkook na dalhin ang maleta, pagiging caring ni Jimin, at pagiging helpful ni Jhope. Lahat yun, pilit kong inaalis sa isip ko.

Tumayo ako at nag pamewang gamit ang kaliwang kamay habang ang kanan ay nasa baba ko. Dinistract ko ang sarili sa pag iisip ng kung ano ang ginawa ko at saan ko maaring naiwan ang I.D. ko. This time, isang lang ang pumasok sa isip ko. Sa bahay.

Tama, malamang naiwan ko yon doon bago lumipat sa dorm. Sa sobrang taranta ko malamang nakalimutan kong naipatong ko sa kung saan. Tama, mag hahagilap ako sa sala at kusina. Pag wala talaga, nandun yon sa bahay.

Naghagilap ako sa sala. Sa likod ng T.V., sa ilalim ng mga sofa, sa T.V. rack, pero wala. Lumipat ako sa kusina kung saan naghahanda ng almusal si Jin.

"Good morning Anj-ssi. Mukhang di mo pa nahahanap ah. Kaya mo yan, Fighting!" Sambit niya habang hinahanda ang ingredients sa adobo na nakalista sa cook book sa counter.

How to be an ARMY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon