~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
"Fate knows when to leave everything up to you, but it also knows when to work and help you...":)
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Chapter:6 - Roles
~Alice~
Pagpasok namin sa Portal sinalubong agad kaming ng nakakasilaw na ilaw, nakakahilo talaga para bang nasa roller coaster ka at naka high speed iyon at ilang minuto nalang masusuka kana.
Pagkatapos noon...
"Ah... Sh*t"
Pagkalabas kasi namin doon naramdaman ko na wala akong natatapakan, huli na ring makita ko na nahuhulog na pala ako.
Buti naman at nahawakan ko agad ang isang sanga, nakahinga naman ako ng maluwag kasi malapit na ako dun ha
Napatingin naman ako sa baba at nakita doon sina Rose at Keziah na nagsafe landing, si Rose kasi paglabas palang niya tumalon ka agad siya sa ilang mga puno at tumalon naman kaagad pababa, si Keziah naman ay pagkahulog palang nalang niya ay nakatungtong kaagad siya sa isang sanga at hinintay yung tamang timing na tumalon pababa...
"AHHHHHHH!!!!!"
May narinig naman akong sumigaw at habang tumatagal lumulakas ito, pagtingin ko sa itaas ko napalunok ako hayyy...bakit ba parang ang malas ko ngayon? At nagdasal agad ako
*BOOOGGSSHHHH...*
Naramdaman ko agad ang sakit nang bumagsak na ako sa lupa,"Ugghh"mas lumala naman ito nang maramdaman ko na may nakadagan sa akin, Fish tea bakit ba ang malas ko? Bad timing talaga!!!
"Ughhh...huh...ugghh"
"Argghh!!!! Umalis ka nga d-dyan Crystal! Mukhang nasarapan ka pa ha! Wag kangang magpahinga diyan!!!"sabi ko, feeling ko kasi mafaflat na ako
Umalis naman siya kaagad sa pagkakahiga sa likod ko at tumayo na, tumayo naman din ako at inistretch yung katawan especially yung likod ko -_-
Pagtingin ko sa harapan ko nakita ko naman si Crystal na ngumiti habang kinakamot yung ulo niya
"Peace✌ Sorry talaga Alice ha" sabi niya habang kinakamot pa rin niya yung ulo. Napairap nalang ako at hinayaan siya doon.
Hinanap ko naman yung bag at maleta, nakita ko naman yun at pinulot salamat naman at hindi yun nasira. Pagkatapos nun lumapit ako kila Rose na nagpapahinga.
Paglapit ko sa kanila nakita ko nakaupo si Crystal sa damuhan habang si Keziah ay nakatayo lang, si Rose naman din ay nakatingin sa malayo habang hawak si Nate.
Nagtaka naman ako kaya sinundan ko siya ng tingin, nagtaka kaagad ako ng may nakita akong isang bulto ng tao, base sa pangangatawan niya ay lalaki siya
Habang tumatagal lumalapit siya, naalarma naman agad ako kasi patungo siya rito. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya hanggang lumapit siya.
Nang makalapit siya ay nagulat ako, yung lalaki ay may puting buhok na meron ding...streaks or highlight na black? Ay ano to? Baliktad? Bakit ganyan yung buhok mo kuya? Mukhang nasa mid 20's din siya, ang gwapo niya nga eh...
YOU ARE READING
Enchanted Academy: School Of Magic
FantasySypnosis: Jewel Rose Heart, is a cold-hearted, heartless, emotionless girl, was living in lies. With her cousins by her side, Keziah Mae Ariño, Crystal Claire Alves and Alice Widow Reyes they will journey to the world where they truly are. As their...
