~EA:3- Burning Hatred~

516 20 2
                                        

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
"What's the use of magic if I can't even save my loved ones?"
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

~Keziah~

*kring...kring...*

"Class Dismissed"sabi ni Ma'am

Lumabas na si Ma'am, dali-daling lumabas ang iba din naming classmate

Pinauna namin sila baka kasi maflat lang kami kung sasabay din kami, kaya kami nalang apat ang nandito

"Yeah!!! Snacks na!!!"sigaw niya, edi sino pa ba si Crystal hayyy... Napailing nalang ako ganyan ba kagutom sila?

"So? Labas na tayo"tanong ni Alice kaya tumango na kami

Unang lumabas ay si Crystal hayy... PG talaga niya

Pumunta na kami sa Cafeteria, pagdating namin doon pumasok agad kami tumahimik naman sila agad tss.. At nagbulungan na naman...

Pagkatapos naming mag-order...

"Saan tayo kakain?"sabi ni Crystal na nagniningning ang mga mata excited ata kumain

"Doon nalang tayo sa Garden"sabi ko walang na akong maisip eh mas matahimik kasi doon at walang nakatitig sa'yo kapag kumakain ka kasi, kung doon kami sa cafeteria nakatitig ang mga tao at kahit naman tahimik doon ay nakakairita lang talaga ang mga taong nakatitig sa'yo kapag kumakain ka tsk...

Tumango naman sila tumingin ako kay Rose at tumango din siya kaya pumunta na kami doon pagdating namin doon bumungad sa amin ang magagandang bulaklak at ang simoy na hangin...

Kumain agad kami hanggang magring ang bell at pumunta agad sa classroom namin, pagdating namin doon tumahimik agad sila pero patuloy lang kami sa paglalakad hanggang maka-abot kami sa upuan namin

Si Rose naman ay dumiretso nalang din siya sa upuan niya at natulog hayyy... Umupo nalang din ako at tiningnan ang orasan matagal-tagal pa bago mag- lunch break

Pumasok na si Sir kaya tumahimik yung mga classmate ko inilibot naman ni Sir ang mga mata niya, nahinto ang mga mata niya kay Rose na natulog at bumuntong hininga siya. Sanay na kasi ang mga teachers dito na hayaan si Rose na matulog kasi matalino naman din yan nag-aadvance reading nga yan eh... Tsaka nakakatakot kung gigisingin siya

Sinimulan na ni Sir ang lesson, hayyy... Mahaba haba pa ang time...

~Rose~

"Hime..."

"Mama!!!Papa!!!"

"I-i love y-you rose..."

"Rose..."

Nagising ako dahil naramdaman ko na may yumuyugyog sa akin

Tumingin ako sa harapan ko at nakita si Keziah, tiningnan ko siya ng masama
Nangilabot siya kadali pero pagkatapos tiningnan niya ako na naka poker face

Inilibot ko ang mga mata ko at nakita ko na kaming nalang apat ang nanadito

"Nakatulog ka kaya ginising kita lunchbreak na"sabi ni Keziah

Lunch break na? Kaya pala gutom na ako

"Dali! Punta na tayo sa cafeteria!!"sabi ni Crystal tss... PG

Tumango nalang ako sa kanila dahil gutom na din ako, tumayo na kami at pumunta sa cafeteria tss... Nakakairita ang mga titig nila

"Sa Garden nalang tayo" sabi ni Alice, kung napapansin niyo ay palagi nalang kami sa garden kumakain ay dahil dun talaga kami nagtatambay

Enchanted Academy: School Of Magic Stories to obsess over. Discover now